Not Edited.
JIRO
Pasipol-sipol ako habang naglilibot dito sa loob ng Willington University. Inilagay ko and dalawang braso ko sa likod ng ulo ko habang naglalakad. Tsk. Tsk.
"Hi, handsome!"
"Kyaaah! Gwapo nya talaga!"
Ngumiti lang ako sa kanila. Takte, di na talaga ako makakapasok sa eskwelahan ko kapag di ko nakuha ang ID doon sa Britney na 'yun. Tangina talaga.
Napahinto ako sa paglalakad. Gumulong sa kinaroroonan ko ang bola ng soccer. Yumuko naman ako at kinuha ito, aish.
"Bawal dito ang tagalabas diba?" napatingin ako sa gilid ko. Napakunot ang noo ko na makita ko ang isang highschool boy na nakaupo sa bench at na nakatutok ang paningin nito sa naglalaro ng soccer habang may lollipop na nakapasak sa bibig nya.
"Bawal din dito ang highschool." hinagis ko ang bola ng soccer sa lalaki na tumatakbo papunta dito.
"Nasa kabilang division lang ang eskwelahan na pinapasukan ko." tumayo sya mula sa kinauupuan nya.
"Willington High." wika ko at ibinulsa ko ang kamay ko at nilaro-laro ko sa daliri ko ang hawakan ng binocular ko.
"May pakay ka dito."
Lalong kumunot ang noo ko sa kanya, "Wala kang alam."
"Meron." lumapit sya sa akin at tinapik ako sa balikat, "Dahil iyon din ang pakay ko."
Nilagpasan nya ako at tumuloy sa paglalakad. Nilingon ko sya, fuck. Iba ang presensya nya. Bakit ba halos lahat nandito? Tangina talaga.
Napasuklay ako sa buhok ko. Mahigpit ako napahawak sa binocular ko. Sya lang naman ang pinunta ko dito pero putcha dumadami na ata sila.
Nahagip ko ng tingin iyong Britney, mag-isa syang naglalakad. Mukhang pabalik na sya sa klase nya. Aish, sa susunod na nga iyang ID ko.
_
KEN
"Takte, Syra!" napaigtad ako ng hilahin ni Syra ang tenga ko at kinaladkad ako papasok sa loob ng kotse ko. Shit!
"Ang hilig mo sa babae!" bigla nya ako binatukan sa ulo, "Dalian muna!" sabay sipa sa akin papasok sa loob.
"Baby, ang brutal mo." natatawang ani ni Reiko. Shit! Pag-ako talaga nakakuha ng tiyempo. Ililibing ko ng buhay iyang uranggutan ni Syra.
"Fast driving." sabay tapik ni Syra sa balikat ko. Napakamot na lang ako sa batok.
Tinapakan ko ang gas at sabay andar ng engine nito, "Tangina, i-160 kilometres ang ipapatakbo ko dito."
"Bibig mo, Kenneth Alvarez." napahilamos ako sa mukha. Damn that life!
Pinaandar ko ng mabilis ang sasakyan at halos pumutok na ang speed meter nito sa sobrang bilis. Inikot ko ang kambyo ng kotse ng salubingin ng isang 6 wheels truck ang sasakyan ko. Fuck, muntik na iyon!
Pinaikot ko ang kotse ko sa ibang direksyon dahil halos magbanggaan na ang mga sasakyan dahil sa pag-iwas nila sa sasakyan ko na sasalubong sa kanila.
"Ang bagal ng takbo ng kotse mo, Ken-tot!" sigaw ni Syra sa tenga ko. Dammit! Gusto ba nito na bumangga kami? Tsk. Tsk.
Napabusangot ako sa sinabi nito. Takte, kung di nila ako kinaladkad sana may na-ikama na ako sa isa sa mga babes ko. Psh.
Nang makarating na kami sa tapat ng headquarter, agad agad kaming bumaba. Nakasandal sa lamp post si Third. Wala na syang suot na sumbrero kaya kitang-kita na ang takteng mukha nya.
BINABASA MO ANG
Married To A Gangster's King
ActionNothing less and nothing more. She's Samantha Cortez and destined to be married to a gangster's king.