Kabanata 31: New

14.6K 345 385
                                    

Not Edited.

SAMANTHA

Tinangala ko ang ceiling habang naka-upo parin ako sa kama ko. Napangiti ako.

'Simula bata pa tayo, Samantha. Mahal na kita. I'm fucking inlove with you kaya nagagalit ako sa sarili ko'

Ngayon lang nag-sink sa isipan ko ang sinabi ni Kulog sa akin kanina. Mula nung bata pa ako, mahal nya na ako? Ang di ko lang maintindihan, magka-kilala ba kami noong bata ako?

Napakagat ako sa labi ko at ipinikit ang mata ko. Ang gulo-gulo ng isipan ko at di ko na alam ang gagawin ko. Masakit na sa ulo, bakit ba ayaw na lang nila ipatindi sa akin ang lahat na nangyayari?

Kusang gumalaw ang kamay ko padapo sa side table ko. Kinuha ako ang notepad ko kung saan naka-list ang lahat ng evidence. Natatawa na lang ako na nilagyan ko pala ng font 'to. LIST OF EVIDENCE. Capslock pa.

Umiling-iling ako. Idadagdag ko dito ang nangyari nung kahapon at ngayon.

First, nung dalhin ako ni Britney sa bahay nila, naguguluhan ako sa sinabi nya na itigil ko na sa pag-iisip sa mga Empires.

Second, iba ang aura ni Britney that time. Ayaw nyang binabanggit ang pangalan ng kapatid nya.

Third, 'yung nawawalang anak nila Tita Trina at Tito Axel 19 years ago. So, mag-kambal ba sila nila Britney? 19 years na rin si Britney, sa pagkaka-alam ko.

Fourth, di ako sure tungkol dito. Kakaiba ang kinikilos ni Britney. Iba ang tingin nya, ang pananalita at lalo na ang mood. Lalo na nung inabutan nya ako ng jacket at pago-offer nya sa akin ng ipahatid nya ako sa driver nila. Mukhang may tinatago sya sa akin?

Fifth, ang kinikilos nila Flint. Kakaiba. Lagi na lang sila busy at kapag tinatanong. May mahalaga silang gagawin. Ang weird.

Sixth, nag-confess si Kulog sa akin na mahal nya ako mula bata pa lang raw kami. At ang di ko maintindihan, bakit di ko sya maalala?

And last, ang pagbibigay nila ng bodyguard para sa akin. May mangyayari kayang masama sa akin?

Huminga ako ng malalim bago ko isinarado ang list of evidence ko sa notepad. Makakahanap kaya ako ng clue tungkol dito?

Inilapag ko ulit ang notepad ko sa side table at humiga sa kama. Kailangan ko munang ipahinga ang isip ko para sa panibagong pag-iisip bukas. Tama nga si Kulog, Since I married this man named Flint. My life turned into the darkness and full of mysteries. At wala kahit isang kasagutan ako nakukuha.

Ang gulo ng buhay mo, Third Havergal or Flint Van Hilton.

Should I divorce you?

Napanguso na lang ako at ipinikit ang mata ko. Sana pag-gising ko bukas. May kasagutan na ang lahat ang katanungan sa isip ko.

Naalimpungatan ako ng may mainit na dumampi sa pisngi ko. Unti-unting minulat ko ang mata ko. I blinked my eyes twice at agad na umupo sa kama.

Nagulat ako ng makita ko si Sunget na nakatitig sa akin. Naka-upo sya sa gilid ng kama ko at malamig syang nakatingin diretso sa mata ko. Ayan na naman, nang hihila na naman ang abo nyang mata. It's giving me a chill through my spine. Ang creepy sa pakiramdam.

"Hmm, anong ginagawa mo dito sa kwarto ko?" paos na tanong ko at napahikab ako bigla.

"I just missed you, my wife." tumindig ang balahibo ko dahil sa way ng pananalita nya. Ang lambing pero nanatiling malamig ang boses nya.

"Ha?" agad na dumapo ang paningin ko sa orasan. It's been a midnight! Pero teka, "Ngayon ka lang ba naka-uwi?"

Narinig ko ang pagbuga nya ng hangin, "Hell yeah."

Married To A Gangster's KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon