Chapter 28: The Emotion Fairies

36.2K 1.2K 41
                                    

M//A.

When you can't believe your eyes, you can always trust your heart, love makes anything possible.

**********************************

Chapter 28: The Emotion Fairies

Sam POV's

naglalakad ako ngayon papuntang lake, hindi ko alam kung bakit ako papunta dun? parang may isip ang mga paa ko na gustong maglakad at makarating sa lake.

ilang minuto paglalakad ay nakarating na ako, tumigil muna ako sa harap ng puno at tinignan ito ng mabuti. napaisip ako ng malalim, kasi parang nakita ko na ito nuon...

hanggang sa lumitaw sa isip ko ang isang puno na matagal ko ng nakita, ang magical tree at magkahawig din ito sa secret garden namin ni Ruby... ---yeah! eh! kasi naman kami lang ang unang nakapunta sa lugar na yun---.

naglakad ulit ako, kahit nagdadalawang isip! kasi naman di ba hindi makakapasok ang hindi dugong bughaw, eh! itong paa ko parang baliw, lakad ng lakad. hanggang nakapasok na ako sa loob ng lake.

pero hindi ko inaasahan ang nakikita ko sa harap ko ngayon,isang napakalawak na lugar ang nasa harap ko ngayon. naalala ko sa napaginipan ko sa lugar na ito ay maraming mga fairies na lumilipad sa himpapawid at mga unicorn sa paligid, lake pa malapit sa puno at may falls din.

pero ito? ibang iba! may mga ibat ibang kulay ng mga bulaklak at mga ibat ibang kulay ng mga paru-paro. Iba sa nakita ko sa panaginip ko.

sa di kalayuan may nagiisang puno sa lugar na ito.. Magical Tree?!

eh! bakit isa lang ang puno dito? nakapagtataka naman?! diba dapat marami ito. pero isa lang ang nakikita ko talaga dito eh!. Tulad ng napanaginipan ko.

bigla akong napatigil sa kinatatayuan ko ng may mahagip na isang imahe ang utak ko.

Teka? diba nasa contest ako? bakit ako nandito sa lugar na ito?

ang naalala ko, bigla akong tumakbo palabas ng gym, dahil may hinahanap akong isang lalaki. nakita ko sya malapit sa lake at may biglang tumapik sa balikat ko at paglingon ko may isang babae...... si Evilyn at nakaramdam ako ng sakit sa tyan ko.

napatingin naman ako sa tyan ko, pero ang mas ikanagulat ko ay yung suot ko ngayon..... isang gown na kulay gold at napatingin ako sa buhok na may ibat ibang kulay may red, blue, green, white, yellow at violet....... eh! ano to? hindi naman ito ang suot ko hah? at ang buhok ko hindi din ganito ka kulay ---hindi naman rainbow ang buhok ko--- . ano na bang nangyayari sa akin?

parang mababaliw na ata ako sa nangyayari sa akin. Sinampal sampal ko ang pisngi ko at sinabunotan ko narin ang buhok ko ---ang sakit pala---.

naglakad ako papunta sa puno at parang gusto kong hawakan ito.. ng makarating na ako hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa, hinawakan ko ito at, bigla nalang may lumabas na nakakasilaw na liwanag, napaatras naman ako at hinarang ko ang dalawa kung braso para suportahan ang mata ko sa liwanag.

nang naramdaman kung unti unti na itong nawawala ay inalis ko na ang braso ko sa pagkakaharang...... biglang may limang lumitaw sa harapan, ko parang isa silang mga............... 

......diwata?

yung mga suot nila elegante tignan... yung kulay ng suot nila katulad din ng kulay ng buhok nila... pero yung naka-green ang kulay ng suot, iba sa buhok nya kulay brown. at ang kulay ng pakpak nila ganung din ang kulay ng suot nila. Red, Blue, Yellow, Green and Violet.

[ Under Editing ] The Magical PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon