C6

371 34 16
                                    

REGINA LEVISQUE

*****

6. Twin's Life/Partners

Steven's POV

"Ako naman." Nakita kong tumayo si ate sa gitna.

"No! Ate ako na ang magkukwento nang nangyari satin." Alam kong hindi nya kayang alalahanin ang pangit naming nakaraan. Ayoko nang makita si ate na umiiyak.

Tumango naman si ate at bumalik sa pagkakaupo. Ako naman ang tumayo at humugot ng isang malalim na hininga bago magsimula.

"Maayos ang buhay namin noon. Walang pinagkakautangan sila daddy at mommy. Pero nagsimula ang kwento namin nang bigla kaming maligaw sa Barracks."

[Flashback]

Pauwi na sana kami ni ate nang maisipan kong mag short cut nalang sa isang liblib na daanan. Mas mabilis daw kasi doon sabe ng mga classmate namin. Nong una, ayaw pa ni ate na sumama pero napapayag ko na din sya.

Habang naglalakad, patingin tingin ako sa gilid. Wala na ngang mga bahay dito. Pero may isang malaking gusali na mukhang luma na. Maya maya, huminto ang itim na kotse at niluwa noon ang isang lalaki. Kasunod na bumama ang tatlong lalaki na may hawak na batang lalaki na sa tingin ko ay kaedad namin. Nagtago kami sa gilid ng gusali.

"Bitawan nyo ako. Babalik na ako sa bahay." sigaw nong bata.

"Ano ba? Bakit ang kulit mo? Sabeng wala na ang mga magulang mo. Pinatay ko na sila." sabe nong lalaki. Hindi parin tumigil yong bata sa kasisigaw kay tinutok nya rito ang baril. "Sumigaw ka! Sasabog ang bungo mo." Hinampas nya ang baril sa mukha ng bata. Nakita ko ang dugong umagos sa mukha ng pobreng bata.

"Umalis na tayo dito Steven." utos ni ate.

"Paano yong bata?"

"Wala tayong magagawa. May baril sila. Let's go!" Tatakbo na sana kami kaso nalaglag ang mga librong dala ni ate na nagsanhi ng ingay. Dahil nga sa tahimik ang lugar agad nila itong narinig.

"May tao. Habulin nyo yon." narinig kong sigaw nong lalaki.

Pinilit naming tumakbo ng mabilis pero naabutan kami nong mga humahabol samin. Agad nila kaming dinala sa loob ng gusali.

Maraming bata ang naroon. At doon namin nakilala si Lyka. Cold pa ang mga tingin nya samin.

Nilagay nila kami sa isang kulungan. Magkasama kami nong batang lalaki. At si ate, hindi ko alam kung nasaan.

"Pakawalan nyo kami. Please!" sigaw ko at hinahampas hampas pa ang mga bakal na rehas.

"Wala ka nang magagawa. Hawak na kayo ni Mr. Gonzales." sabe nong kasama ko.

"Sino ba sya? Bakit ang daming bata dito na katulad natin?" tanong ko.

"Ayon sa naririnig ko kila mama noon. Ito ang Barracks. Isa itong Undergroung Association kung saan winawaldas ng mga mayayaman ang kanilang pera."

"Anong ibig mong sabihin?"

"Yong mga bata na nakita mo sa kanina. Mga laruan yon ni Mr. Gonzales. Sila ang nagsisilbing katuwaan sa lugar na to. Every week may laban na nagaganap dito at doon nagpupustahan ang mga mayayaman. Kaya nalulong ang mga magulang at naging malaki ang pagkakautang kay Mr. Gonzales. Na ako ang naging kabayaran."

"Eh kami ng kapatid ko? Wala kaming alam dito. Kahit na ang parents ko. Bakit nya kami kinulong?"

"Dahil nakita nyo ang lahat." simple nyang sagot at umupo sa gilid.

"Palabasin nyo kami dito. Yong ate ko nasaan na!" sigaw kong muli. Nakatingin lang sakin yong bata.

"By the way, ako si Rain." pagpapakilala nya. Hindi ko sya inintindi.

Lumipas ang ilang linggo pinakawalan nila kami. Nakita ko si ate na nakaupo lang sa isang gilid. Agad akong lumapit sa kanya at niyakap sya.

"Ate anong nangyari?" tanong ko.

"Steven, ni--nirape ako nong lalaki." At doon tumulo ang mga luha nya.

Nirape? Nirape si ate. Hindi pwede to. Agad akong tumayo at hinanap ang lalaking yon. Nakita ko syang kausap ang isang babae. Walang ano ano'y sinapak ko sa tiyan. Namilipit sya sa sakit. Hahawakan na sana ako ng mga tauhan nya pero pinigilan nya.

"You have a strong punch. Pwede kitang pagkakitaan."

"Hindi ko magagawa yon. Dapat sayo mamatay dahil sa ginawa ko sa kapatid ko." sigaw ko.

"Kaya kong gawin ulit yon hanggang gusto ko. Pero bibigyan kita ng choice, pag ginawa mo ang gusto ko hindi ko gagalawin ang kapatid mo."

Simula noon, naging Barracks Fighter ako. Lagi akong nananalo at nagiging champion. Pero nang makalaban ko si Rain, naubos ang limang round na walang nananalo. Kaya nagdesisyon si Mr. Gonzales na gawin kaming partners at nauso ang duo duel. Dalawahan ang labanan.

-----

Nawalan na kami ng pag asa ni ate na makakalabas pa kami sa lugar na ito. Kaya nakisama na lang kami. Nag aral syang humawak ng katana. She's not good in body contact but she's good when it comes to katana.

Naging kaibigan namin sila Lyka at Rain. Lalo na nang malaman naming nangyari din kaya Lyka ang nangyari kay Ate.

Nang ganapin ang royal rumble kung saan kasali ang lahat, naging magkakagrupo kaming apat. Walang humihiwalay dapat laging magkasama. Hanggang sa apat nalang kaming natira. Hindi namin sinaktan ang isa't isa. Kaya walang nagawa si Mr. Gonzales kundi parusahan kaming apat. Kinulong nya muli kami ni Rain at di pinakain. Ginawa naman nyang muli kila Lyka at ate ang kahayupan nya.

[End]

Alexa/Stella' POV

"That's it!" sabe ni Steven at nakita kong pinunasan ni Regina ang luha sa mata nya. It's been three years since nangyari yon pero sariwa padin sa alala nya ang lahat.

"Parang bigla kong gustong sugurin si Gonzales at pigain ang ulo nya hanggang sumabog." nagagalit na sabe ko.

"Pero hindi ganon kadali yon. Kailangan nating maghanda para sa pag ganti sa kanya." sabat ni Lyka.

"Nasabe ni Steven ang kwento ko kaya hindi na ako magkukwento baka maiyak lang ako." pabirong sabe ni Rain.

"Galit lang yan sa mga magulang nya dahil sya ang naging pangbayad utang ng mga to." bulong sakin ni Lyka. Tumango nalang ako.

"Ako! Isa lang ang sasabihin ko. Mr. Gonzales is my Biological father. That's it!" sabe ni Richmont at umalis sa pwesto namin.

"Laging yan ang sinasabe nya kahit alam naman namin yon. Pero yong kwento nya kung bakit sya napunta sa Barracks, hindi namin alam." saad ni Steven.

Tinitigan ko ang direksyong tinahak nya. Sino ka ba talaga Richmont Robles?

-----

Next Chapters Alexa na ang gagamitin kong name ha. Wag nang maguluhan.

Tapos may mga POV din na ang nakalagay ay posisyon nila sa Chess Pieces.

Richmont - King

Alexa - Queen

Rain - Knight

Steven - Bishop

Regina - Rook

Lyka - Pawn

Sana hindi maguluhan. Kapag ganyan ang POV, nasa laban sila o nasa Deathly Club.

Thanks.

Comments Please kahit Five lang. Hahaha

@suhojames



Chess Pieces #BSAwards2017 #BestBloodyAward [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon