C12

300 29 15
                                    


12. Saving Her Again ..

Richmont's POV

Papunta na kaming lima ngayon sa Barracks. Sh*t! Bakit ba ang tigas ng ulo ng babaeng yon. Hindi nya kaya ang daming ng tao sa Barracks.

"Hoy! Bagalan mo na naman pre! Baka hindi natin maligtas si Alexa kasi dito palang patay na tayo." sita sakin ni Rain.

"Bakit kasi kailangan pa natin syang iligtas. Diba sya ang dahilan, kung bakit tayo nagkawatak watak ulit." sabe naman ni Lyka.

"Lyka pwede ba, wag mo munang palabasin yang isa mong persona. Nakakabadtrip lang." saway ko sa ka nya.

"Sorry! That girl, hits her temper kasi." Buti naman bumalik na ang dating Lyka.

After one hour, nakarating kami sa Barracks. Agad kaming Anagmaskara kahit na alam naming kilala na nila kami.

"Dating daan?" tanong ni Regina.

"Go!"

-----

Alexa's POV

"Nakakatawa ka, Alexa. Ang dali dali mong mauto." saad ni Paul or should I say si Lyric. Yes! Si Paul at si Lyric ay iisa. Muli nyang hinampas ang lagitong hawak nya sakin.

Paano ako napunta dito? Tulad ng sinabe ni Lyric, isa akong uto uto.

[Flashback]

Matapos kong tawagan sila Regina, nagmadali na akong pumunta sa Barracks. Kailangam kong iligtas si Paul.

Pero nang dumating ako doon, nagtaka ako dahil wala ni isang tao. Hindi to ang Barracks na inaasahan kong madadatnan.

"Paul! Paul!" sigaw ko.

"Alexa! Tulungan mo ako." narinig kong sigaw sa di kalayuan kaya hinanap ko ito. Napunta ako sa mga kulungan. Wala parin. Sh*t! Nasaan na ba sya?

Lilingon sana akong muli nang makaramdam ako ng isang matigas na bagay na dumampi sa ulo. Tumumba ako sa sahig, pero isang tao ang nakita ko at hindi ko inaasahan. Si Paul habang nakangising nakatingin sakin.

----

Nagising ako nang maramdaman ko ang isang malamig na tubig na sumaboy sa mukha ko. Natali ako ng patayo.

Nahuli nila ako. Nakita ko ang apat na miyembro ng Bloody Mary, sila Kira, Era, Fire at Chord. Nasaan si Lyric?

"Hayop kayo nasaan si Paul?" sigaw ko.

"Talaga bang gusto mo syang iligtas?" tanong ni Kira.

"Mga duwag kayo. Hindi nyo kayang lumaban ng patas."

"Talaga? Eh kung basagin ko bungo mo?" pang aasar ni Chord.

"Hayop!"

"Paul! Bakit kaya hindi ka lumabas." saad ni Fire at may lumalabas mula sa dilim. Si.. Si Lyric.

"Lyric?"

"Surprise!" at unti unti nyang tinanggal ang maskarang suot nya.

"Paul?"

[End]

"Hayop!" sigaw ko. Puro sugat na ako sa katawan dahil sa lagitong ginamit at hinahampas niya sakin.

"Kulang pa yan sa ginawa mo sakin. Pinatay mo ang babaeng mahal ko." sigaw nya at muli akong hinampas.

"Ikaw pa naman ang pinaka malakas sa Barracks noon pero ang dali mo palang mauto." natatawang sabe ni Era.

Chess Pieces #BSAwards2017 #BestBloodyAward [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon