16. Rain's Burden ..
Lyka's POV
Nauuna akong maglakad sa taong kasama ko. Sa lahat naman kasi ng pwede kong makasama bakit sya pa? Hello! Umiiwas na nga ako eh. Bweset talaga.
"Lyks!" hindi ko alam kung pang ilang beses na nya akong tinawag basta hindi ko sya papansinin. PERIOD. (Lara bakit kasi ayaw mong lumabas ngayon para matakot tong lalaking to.)
"Lyka Te--"
"Hindi ako si Lyka. Si Lara ako!" pinilit kong maging matapang para maniwala syang lumabas ang isa kong persona. But I heard him giggle.
"Your not! Remember! Ako lang ang nakakapagtago ng isa mong persona. Pogi kasi ako at man hater si Lara." biro nya pero di ko pa rin sya tinitignan.
"Not funny! Adik ka no?"
"Adik sayo!" Napatingin ako sa kanya at nagulat ako sa nakita ko. Wait! Tama ba tong nakikita ko. He's holding something. And that's my favorite. "For you!" sabay abot ng isang stuffed toy na... na... HELLO KITTY. Kung saan nya binili? Hindi ko alam.
"Kyyyaaaaaaahhhhhhhh!" tili ko kaya nagtinginan sakin lahat. "Ay! Sorry po." paghingi ko ng tawad.
"OA ha.!"
"Ewan ko sayo. Alam mo namang gusto ko ito. Thank you."
"YOUR WELCOME. Ikaw pa! Malakas ka sakin." Gusto ko sanang kiligin kaso alam kong kapatid lang ang tingin nya sakin. At ayoko nang umasa pa para di na rin ako masaktan.
"Syempre! Bunso mo ako."
"Hindi na ngayon. Hindi na kapatid lang ang tingin ko sayo, Lyka." Wait! Tama ba tong marinig ko sa kanya o isa na naman sa mga prank nya.
"A--Ano?"
"Lyks! Nong mawala ka sakin. Doon ko nalaman na hindi lang pala kapatid ang turing ko sayo. Na hindi lang ako kuya para sayo."
"Steven kung joke to. Please wag mo nang ituloy." pinilit kong wag intindihin ang sinabe nya pero sabe ng puso ko, totoo yon at walang halong biro.
"I know, hindi mo na ako gusto. And that's my fault. Nong tanggihan kita noon, yon na ata ang pinakamalaking katangahan ko sa buong buhay ko. Lyka noon pa naman mahal na kita."
Hindi ko alam ang sasabihin ko. I was froze in a moment. Nagising lang ako sa realidad ng bigla nya akong yakapin.
"Lyka handa kong gawin ang lahat para lang gustuhin mo ulit ako. Handa akong maghintay kahit three years ulit basta wag mo lang akong pagbawalan na mahalin ka."
Wala akong nagawa ng biglang magbagsakan ang mga luha sa mata ko. Ito na ba yon? Ito na ba ang pangarap na matagal ko nang hinihintay?
-----
Regina's POV
Masaya lang kaming nagkukwentuhan ni Rain, when suddenly stops. Bigla syang napaupo sa sahig kaya tinulungan ko syang makatayo at iupo sa malapit na upuan.
"Rain, ok ka lang?"tanong ko.
"Masakit! Masakit!" tanging nyang nasabe. Agad kong kinuha ang syringe na may pain reliever sa bag nya. Tinurok ko ito sa bandang balikat nya dahil doon ang masakit.
"Rain, kailan mo ba sasabihin sa grupo ang nangyayari sa'yo? Lalo na kay Alexa?"
"Ayoko! Ayokong masaktan sya ulit. Ayokong masaktan yong bestfriend ko. Nandyan naman si Richmont. Napag usapan na namin ang tungkol dito. Napag usapan na namin na sya ang magpapakilala bilang Paul."
"Are you crazy? Lolokohin na naman natin sya? Rain ilang beses na syang niloko ng mga taong nakapaligid sa kanya. Gusto mo pa bang dumagdag?"
"Paano kung mamatay ako Regina? Paano nalang sya? Paano na ang bestfriend ko? Nakita ko kung paano syang nasaktan nong nakalayo kami sa ampunan. Ayoko nang mangyari yon muli." nakita ko ang mga luhang nagbabadya sa mata nya.
"Rain, mas masasaktan sya kung ang taong pinaka pinagkakatiwalaan nya ay kaya din syang lokohin. Isipin mo Rain, mas masakit kung hindi mo sasabihin ang totoo. Stage 2 palang ang bone cancer mo. Kaya pa yan ng chemo at operation."
"Paano kung hindi? Paano kung mamatay agad ako? Masaya na akong nakikita sya na masaya. Na nakangiting muli. Tatlo lang tayong nakakaalam ng sekretong to. Kaya alam kong hindi to lalabas."
"Ewan ko, Rain. Nakokonsensya na ako. Narinig mo ba ang sinabe ni Alexa kanina? Pamilya. Yan na ang tingin nya satin."
"Regina naman --"
"Totoo ba? Totoo ba na ikaw si Paul?" Halos sabay kaming napatingin sa likod ko. Sa sobrang abala namin sa pagtatalo, hindi na namin alintana ang ibang tao.
----
Richmont's POV
Naiwan ako ni Alexa sa babaeng bitch na to. Bweset! Ano ba ang gusto ng babaeng to?
"Rich, tuloy na natin ang naudlot noon."
"Pwede ba Hannah! I dont have a time for you. So you better leave."
"Tss! Hindi ako papayag. Sasama ka sakin." Pilit nya akong hinila. Nakita ako ang tatlong malalaking tao na nakasunod sakin. "Kaya kong papatay ang kasama mo kanina kung hindi ka sasama sakin." pananakot nya.
Bweset! Kung pwede ko lang ipakita ang totoong ako, patay tong babaeng to at ang kasama nyang mga lalaki.
----
Steven's POV
"So umamin kayo. Totoo ba? Totoo bang ikaw si Paul?" narinig kong sigaw ni Alexa nang makalapit kami sa pwesto nila.
"Alexa --"
"Shut up Regina. I heard everything. Alam ko ang panglolokong ginawa nyo at ginagawa nyo."
"Wait! Ano to?" tanong ni Lyka.
"Sagutin mo ako Rain. Ikaw ba si Paul?" sigaw na naman ni Alexa.
Paul? As in yong bestfriend nya sa ampunan? How could it be? Wala akong alam na ampon si Rain. Kahit na matagal kaming magkasama, hindi ko alam yon.
"Sumagot ka!"
"Oo Alexa. Ako nga si Paul." nakayukong sabe ni Rain.
"Bakit? Bakit nyo tinago sakin to? Alam nyo kung gaano ako kagalit sa mga taong manloloko tapos ngayon, gusto nyo pang magsumali sa kanila. Ikaw Regina. Akala ko totoo ka. May kamalditahan ka din pala." Nakita kong umiyak na si ate. Lalapitan ko sana sya nang pigilan ako ni Lyka.
"May dahilan ang lahat ng to, Alexa. Lahat ng ginawa kong pagtatago sayo mula nang malaman kong ikaw si Hazel may dahilan."
"Sige, sabihin mo sakin ang dahilan mo. Baka sakaling matanggap ko. Na may sakit ka? P*tang ina naman Rain. Sa palagay mo ba hindi ako masasaktan pag nalaman ko to sa huli. Na ang bestfriend na hinahanap ko mula noon nasa harap ko na pala at may posibilidad na mamatay."
Sakit? Si Rain may sakit?
"Alexa Im sorry. Ayoko lang na makita kang masaktan ulit. Ayokong makita na umiyak kang muli."
"Kaya gusto mong magpanggap si Richmont? Punyeta! Muntik nyo na akong mapaniwala sa laro nyo. Tapos alam mo ba ang bunga ng ginawa mo. Ito oh!" sabay turo nya sa kaliwang dibdib nya. "Hindi ko na alam ang nararamdaman ko kapag malapit si Richmont sakin."
"Alexa---"
"Matatanggap ko naman lahat eh. Kaso mas pinili nyong itago sakin ang lahat. Wala kayong pinagkaiba sa mga umampon sakin at kay Gonzales." saad nya at umalis sa pwesto namin.
"Ang dami nyo palang lihim na hindi namin alam. Sana sa susunod, iorrient nyo ako ha." sabe naman ni Lyka at sumunod kay Alexa.
"Bakit? Bakit di nyo to sinabe sakin?"
-----
@suhojames ..

BINABASA MO ANG
Chess Pieces #BSAwards2017 #BestBloodyAward [COMPLETED]
AcciónSA PAGKAWALA NG ISA. MAY PAPALIT.. SA MATAGAL NA PAGHAHANAP.. ITO'Y MATATAGPUAN.. SA HABA NG PANAHONG PAGHIHINTAY.. MATUTUPAD ANG PANGARAP.. SA TAGAL NA ITINAGO AT NILIHIM.. ITO AY LALABAS DIN.. HINDI ITO SIMPLENG KWENTO NA TUNGKOL SA MGA GANGSTERS...