37. A Love To Last
Lyka's POV
Ito na. Ito na ang araw na pinakahihintay ko. Ito na ang araw na pinaka espesyal para sakin bilang isang babae. Ang ikasal ako sa taong pinakamamahal ko. Si Steven.
Kung babalikan ko man ang mga masasakit na araw na nangyari samin, hindi ako magsisisi na ako ang unang umamin na may nararamdaman ako sa kanya. Kahit nong una ay nireject na nya ako. Kahit na nagkalayo kami sa isa't isa. Hinding hindi ako nagsisisi o magsisisi. Dahil sya lang ang una at huli kong mamahalin na lalaki.
Dahan-dahan ang pagpasok ng mga kaibigan ko sa loob ng simbahan. Nang matapos sila, muling sinara ang pinto ng simbahan. Ito na ang oras para makita nila ako. Bumababa ako sa bridal car ko at inalalayan ako ng mga bride's maid. Ito na talaga. Wala nang atrasan to.
Habang unti-unti akong lumalapit sa harap ng altar. Nakita ko si Steven na umiiyak. Seriously? Tinalo nya pa ako. Ako kanina pa nagpipigil ng luha pero sya, parang bata kung umiyak sa harapan. Pero kahit ganon sya, mahal na mahal ko si Steven.
Nang makarating ako sa harapan, kinuha nya ang kamay ko. Iginaya nya ako sa harap ng altar. Magsisimula na. Ito na.
"Lyka Gamboa. Maraming bagay ang nangyari sa ating dalawa. Nagtagpo tayo sa isang magulong lugar. Naging magkaibigan. Naging magkagrupo. Umamin. Nareject. Nagkalayo. Muling nagkatagpo. Nabuo muli. Nagkasama. Muling nagkaaminan. Muntik mawala ang isa. Pero dumating tayo sa puntong ito. Sa punto na magpapalitan tayo ng I Do at mga vows sa isa't-isa." Tahimik lang ako habang binibigkas nya ang vow nya para sakin. "Alam kong nasabe to na sayo to pero gusto ko muling sabihin. Alam mo bang buong buhay kong pinagsisihan ang pangrereject ko sayo. Akala ko kasi, hindi ko kayang suklian ang pagmamahal mo sakin. Pero nong nagkawatak-watak ang grupo natin, doon ko narealize how much I really like you. Akala ko hindi na kita ulit makakasama. Nong nagkawatak-watak kasi tayo, wala ka nang kinausap miski isa samin. Kaya laking tuwa ko nang muli tayong mabuo. Doon ko na nilakasan ang loob ko, umamin na ako sayo. Sabe ko sa sarili ko, hindi ko na muling sasayangin ang pagkakataong binigay sakin. Gagawin ko lahat para mahalin mo ako ulit. And then, nangyari nga. Nandito na tayong dalawa sa harap ng altar. Pagkatapos nito, makakasama na kita ng matagal. I mean makakasama na kita habang buhay. Gagawin ko lahat para iparamdam ko sayo kung gaano kita kamahal. Ipaparamdam ko sayo kung gaano ka kaespesyal sakin. Gagawa tayo ng mga bagong memorya. Masasayang memorya kasama ang mga kaibigan natin. Mamahalin kita hanggang sa huling hiningang magagawa ko." Hindi ko na napigilang maluha. Grabe, unexpected ang nangyari ito. Hindi ko inaasahang masasabi lahat yon ni Steven. But this time, ako naman ang mangangako sa kanya. Pero biglang umurong ang dila ko sa haba ng sinabe ni Steven.
"Steven Levisque. Ang lalaking isip-bata. Ang lalaking laging nagpapaiyak sakin. Ang lalaking bumubuo at sumisira ng araw ko. Ang lalaking hindi nagsasawang kulitin ako. Hindi mahaba ang hinanda ko pero alam ko namang ramdam mo kung gaano kita kamahal. Salamat sa lahat ng efforts mo. Salamat sa pagtanggap sakin. Salamat kasi simula nang magkasama ulit tayo, hinding hindi mo ako iniwan pang muli. Hindi aki mangangako pero gagawin ko ang makakaya ko para maging mabuting asawa sayo. Pagsisilbihan kita at aalagaan kasama ang mga magiging anak natin. Sasamahan kita hanggang sa pagtanda. Mahal na mahal kita Steven Levisque." Nagpalakpakan ang lahat ng halikan ako ni Steven sa labi. Nauna kasi sya sa pari. Pero napakasaya ko ngayon dahil isa na kami ni Steven.
-------
"God! Kinakabahan ako." sabe ko kila Regina at Alexa. Mamaya na kasi ang honeymoon namin.
"Magrelax ka nga. Enjoyin nyo lang yong gabeng to. I mean, your honeymoon. Sayang kaya yong trip to Hongkong nyo na regalo ni Mr. F." sabe ni Alexa.
BINABASA MO ANG
Chess Pieces #BSAwards2017 #BestBloodyAward [COMPLETED]
AcciónSA PAGKAWALA NG ISA. MAY PAPALIT.. SA MATAGAL NA PAGHAHANAP.. ITO'Y MATATAGPUAN.. SA HABA NG PANAHONG PAGHIHINTAY.. MATUTUPAD ANG PANGARAP.. SA TAGAL NA ITINAGO AT NILIHIM.. ITO AY LALABAS DIN.. HINDI ITO SIMPLENG KWENTO NA TUNGKOL SA MGA GANGSTERS...