C13

302 23 12
                                    


13. Binding ..

Alexa's POV

Tinignan ko ang mga sugat ko sa katawan, sariwa pa ang mga ito kaya hindi muna tumatanggap ng laban si Mr. F. Yes! Buo na muli ang Chess Pieces. Napag usapan namin ito at ayos na kami.

"Alexa, palitan na natin ang gasa mo." sabe ni Regina habang dala dala ang isang puting box. Tinanguan ko lang sya kaya lumapit sya sakin.

"Bakit ang bait bait nyo sakin? Ang dami ko nang ginawa sa inyo pero lagi nyo parin akong nililigtas." bigla kong nasabe habang nililinis nya ang mga sugat ko. Ngumiti sya sakin. Isang tunay na ngiti.

"Siguro dahil naging parte ka na rin ng buhay namin. Naging isa ka na sa grupo namin. Given na ang pagiging matigas ang ulo mo at lagi kang nakasalungat sa desisyon namin. Pero Alexa, maniwala ka man sakin o hindi. You are a part of this group since the time tinanggap mo ang pagiging Queen Piece. Yes! Umalis ka na pero hindi doon natatapos ang lahat."

"Nasabe sa amin ni Richmont na wala kang ibang kinakaibigan dahil takot kang magtiwala sa ibang tao dahil yon ang ang pinagdaanan mo. Maging mga umampon sayo, hindi ka nagawang pahalagahan. Kaya nang dumating si Paul --- I mean si Lyric na nagpanggap na Paul natuwa ka kasi bumalik ang kinikilala mong bestfriend. Pero in the same time, naloko kang muli."

"Pero Alexa, you can trust us. Maybe not 100% pero you can trust us. Pwede mo kaming maging kaibigan. Hindi namin pinapangakong hindi ka namin masasaktan pero pipilitin namin maging tao na pwede mong pagkatiwalaan." Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Hindi ko alam kung dapat ba akong makinig sa kanya? Totoo ba sya o nadadala lang sya ng awa para sakin?

"Iisa lang ang layunin natin." nakangiti nyang sambit habang nagliligpit. Tapos na pala ang ginagawa nya. "Sya nga pala, tawag tayo ni Mr. F. Sabay tayo?" Muli akong tumango.

Inalalayan nya ako pababa sa hagdan. Nang makababa kami nadatnan namin ang apat na nakaupo sa sofa.

"Ok ka na ba?" tanong sakin ni Lyka nang makaupo kami ni Regina. Tumango muli ako. Naguguluhan na ako sa ugali ng babaeng to, una galit sya sakin pero ngayon parang concern na concern na sya.

"Gusto mo ng pasta? Nagluto si ate." alok ni Steven. Nginitian ko sya kaya nagulat naman sya. "Sh*t! Ako ang naunang nakapagpangiti sa kanya." tuwang tuwang sabe nya na kulang nalang magpagulong gulong sa sahig.

"Stop that crap!" sita ni Richmont.

"KJ!" bulong ni Steven at tumayo papunta sa kusina.

"Alexa! May sasabihin pala kami sayo." Napatingin ako kay Regina.

"Lyka?" Tumango naman ito.

"Pasensya ka na kung minsan iba ang ugali ko. May isa pa kasi akong persona." saad ni Lyka.

"Persona?"

"Lyka has SPD." sagot ni Rain.

"SPD?"

"Split Personality Disorder also known as DPS which means Dual Personality Syndrome." si Lyka.

"Sabe nang doctor, nakuha daw nga ito sa mga pangit na nangyari sa buhay nya. Nag create ng isang personality ang utak nya na iba sa original. Kunwari, nakikita mo si Lyka na maarte, maganda at kikay. Yong isa nyang persona, matapang at laging nakasigaw. And her name ni Lara." mahabang paliwanag ni Regina

"Lumalabas lang si Lara pag alam nyang nadedehado na si Lyka. Kunwari, naramdaman ng utak nya na nagagalit si Lyka kusang lalabas si Lara." sabe ni Rain.

"So the best we can do is dont hit Lyka's temper. Wag natin syang gagalitin. Hindi namin sinasabe sayo to dahil ikaw lagi ang gumagalit kay Lyka. We telling you this for you to know." si Richmont.

Chess Pieces #BSAwards2017 #BestBloodyAward [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon