C24

225 20 6
                                    


24. Decision ..

Alexa's POV

Tahimik akong nakaupo sa sofa sa loob ng opisina ni Mr. F. Pagkatapos nya kaming palabasin sa real-life battlefield, pinaderetso nya ako dito dahil may pag uusapan daw kaming importante.

"Alam mo ba kung bakit ko kayo pinalabas sa battlefield?" tanong nya ng makaupo sya sa harap ko.

"Hindi ko din po alam. Bakit nga ba?"

"Simple lang. Nakita ko ang kahinaan ng isa sa inyo."

"Kahinaan?"

"Alam mo bang sa sasalihan nyong laro, kayong dalawa ni Richmont ang may mataas na puntos?"

"Mataas na puntos? Akala ko ba pare-pareho kaming 50 ang given points?"

"Yon ang alam nyo. Pero pag napatay kayo ng kalaban nyo. 100 points agad ang mapupunta sa kalaban nyo."

"Hindi kita maintindihan Mr. F. Bakit nyo ba sinasabe to sakin?"

"Simula nang namatay si Lily. Sinisi ni Richmont ang sarili nya at binuwag nya ang Chess Pieces. Kaya kanina, sinubukan ko muli sya at hindi ako nagkamali."

"Sinubukan?"

"Ikaw na ang kahinaan ni Richmont, Alexa. Wala na syang iniisip na iba kung ikaw na ang nalagay sa panganib."

"Po?"

"Listen to me, Alexa. Hindi ko ugaling mangialam sa pakiramdam at nararamdaman nyong lahat. Pero Alexa, yong Torment of Death hindi basta bastang laro. Patayan, tusuan at lokohan."

"Huwag ka nang magpaligoy-ligoy pa Mr. F. Ano ang gusto mong sabihin?"

"If you can't control your feelings it's better na maghiwalay nalang kayo ni Richmont."

"Mr. F?!"

"Kung gusto nyong magwagi sa mga pinaglalaban nyo, susundin nyo ang gusto ko."

Natahimik ako sa sinabe ni Mr. F. Hindi ko gustong maging pabigat sa grupo. Ayokong maging dahilan para mapunta sa wala ang lahat ng pinaghirapan nila. Ayoko!

*****

Nakatingin lang ako sa labas ng bintana ng kotseng maghahatid sakin papunta sa condo ni Mr. F.

Kailangan kong lumayo tulad ng sinabe ni Mr. F. Ayokong mapahamak si Richmont o kung sino man sa kanila.

Hindi ako papayag! Sana mapatawad ako ni Richmont sa pansamantalang paglayo ko sa kanya.

Napagdesisyunan kasi namin ni Mr. F na magkaroon ng hiwalay na training. Babalik nalang ako sa grupo ko pag araw na ng laban.

*****

Richmont's POV

"Mr. F nasaan si Alexa?" bungad ko sa kanya. Kanina pa ako nagising pero hindi ko parin sya nakikita.

"Wala na sya rito."

"Anong ibig mong sabihin?"

"Pinalayo ko muna sayo si Alexa."

"Ano?"

"Ito ang pinakamagandang desisyon na dapat nating gawin."

"Pinakamaganda? Ano ang naging maganda sa ginawa mo?"

"Kailangan mong maintindihan to dahil ginagawa ko to para sa inyo. Para sa grupo nyo. Sa pinaglalaban nyo."

"Para samin? Punyeta naman Mr. F. Ni hindi ko alam ang dahilan kung bakit mo pinalayo si Alexa sakin. Tapos sasabihin mong para samin to?"

"See? Ngayon palang hindi mo na makontrol ang emosyon mo."

"Emosyon?"

"Richmont, ikaw ang leader ng Chess Pieces. Ikaw ang magsisigurong mapapalabas mo sila ng ligtas sa isla. Pero paano mo gagawin yon kung nagpapadala ka sa emosyon mo towards Alexa?" Natahimik ako sa sinabe nya.

"Nakita mo ba ang sarili mo kanina nong nakaharap ko ang lalaking may hawak kay Alexa? Nawala ka sa sarili mo. Paano kung maulit yon sa araw ng laban?"

"Hindi mo alam ang nararamdaman ko Mr. F. Hindi mo alam ang naramdaman ko nong pinatay nila si Lily sa harap ko. Kaya ayoko nang maulit ang nangyari noon."

"Nasaan ang Richmont na kilala ko ha? Yong Richmont na iniisip ang grupo nya kaysa sa iba?"

"Pero kagrupo ko si Alexa."

"Sige! Tatanungin kita, paano kung si Lyka o Regina ang nalagay sa ganon sitwasyon? Ibaba mo din ba ang depensa mo para sa kanila?" Hindi ako nakasagot.

"See? Kahit sarili mo, alam mo ang sagot mo. Sasayangin mo ba ang lahat ng pinaghirapan nyo para sa pag-ibig? Ano ba ang priority mo, Richmont. Si Alexa o ang paghihiganti? Para alam natin kung tutuloy pa tayo sa Tournament o hindi na."

"Kahit ngayon lang, gusto kong makausap si Alexa."

"Hindi--"

"Kunh gusto mo akong bumalik sa dating ako, please! Kahit ngayong lang ipakausap mo sakin si Alexa."

*****

Nakaupo ako sa labas ng condo na tinutuluyan ni Alexa. Kailangan ko syang makausap bago ako magdesisyon. Ayoko sanang gawin to pero siguro nga, ito ang dapat naming gawin.

"Bakit ka nandito?" tanong nya ng makita ako.

"Nagpaalam ako kay Mr. F, gusto kitang makausap."

"Wag mo namang gawing mahirap to para sating dalawa."

"Kamusta ka na? Yong mga sugat mo?"

"Underground fighter din ako Richmont. Wag mo akong gawing simpleng babae."

"Malapit na ang laban. Handa ka na ba?"

"Oo naman! Ito naman ang gusto natin diba? Kailangan nating manalo para magawa ang plano natin. Kaya dapat wala tayong iisiping kahit na ano. Focus lang sa laban."

"Alam ko, kaya nga nandito ako para sabihin sayo ang gusto kong mangyari."

"Go ahead! Gusto ko naring magpahinga."

"Kung mauulit ang nangyari sa training, itataya ko ang buhay mo para lang manalo ang grupo." Nakita ko ang pagkagulat sa mata nya na agad din namang nagbago. "Hindi na ako magdadalawang-isip na pabayaan ka basta mapatay ko lang ang kalaban."

"Yon naman talaga ang gusto kong mangyari. Sabe nga, ok lang na mamatay basta mamamatay tayong lumalaban."

"Goodluck nalang sa laban."

"Sayo din. Sige na! Bumalik ka na sa Frosted. Matutulog na ako." akmang aalis na sya nang bigla ki syang yakapin.

"Hindi ko to ginagawa dahil hindi na kita mahal. Dahil ito ang kailangan." bulong ko. Hindi sya sumagot pero nakarinig ako ng mga hikbi mula sa kanya. "Pangako mo sakin na pareho tayong lalabas ng buhay sa isla."

"Pangako Richmont. Pangako!" hinalikan ko ang pisnge nya.

"Mag-iingat ka Alexa."

"Ikaw din."

Nakaalis na si Alexa pero ako nakatayo padin sa labas ng condo nya. Nakapagdesisyon na ako. Kailangan ko tong panindigan. Nagtitiwala nalang ako sa kakayanan ni Alexa.

Sana lang maging maganda ang kalalabasan ng labang ito. Dahil dito nakasalalay ang buhay namin sa susunod pang mga buwan.

Pero ngayon, alam ko nang handa akong harapin ang laro ng buhay. Ang Torment of Death: The Amazing Deathly Race.

-----

@suhojames004

Chess Pieces #BSAwards2017 #BestBloodyAward [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon