18. Goodbye and Welcome ..
Alexa's POV
Nagising ako sa sunod sunod na kalampag ng pintuan sa kwarto ko. I check the time and it's 6am in the morning.
I run to the door to open it and I saw Lyka. She's crying. Her tears continue in flowing in her eyes.
"What happened?" i asked her.
"Si Rain. Si Rain..." hindi na matapos ang sasabihin dahil sa paghagulgol. Pero bigla akong kinabahan.
"Compose yourself. Keep calm and say it to me." Huminga muna sya bago muli magsalita.
"Si Rain. Sumuka sya ng dugo at namilipit sa sakit."
"Ha? Nasaan sya?"
"Dinala na sa ospital nila Regina. Pinagising ka lang nila sakin."
Hindi ko na sya inintindi. I run in the our car. Sumunod naman sya.
"Saan sya dinala?" I asked her.
"Sa Ox Hospital."
Hindi na ako nagpatumpik tumpik pa. Inistart ko ang engine at pinaharurot ang sasakyan. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung may mangyari man sa kanya.
----
Nakarating kami sa ospital. Nadatnan namen ang kambal na nakaupo sa labas ng isang kwarto. Nang makita nila kami, lumapit si Regina at nakatikim ako ng isang malakas na sampal.
"Kasalanan mo to eh. Kasalanan mo kung bakit nandito si Rain. Hindi naman sya inaatake dati. Pero dahil sayo, hindi nya ininom ang mga gamot nya."
"Kasalanan ko? Regina kung nong una palang sinabe nyo sa akin yan. Hindi tayo aabot sa ganito. Pero ano? Mas pinili nyong lokohin ako at itago sakin ang totoo."
"Pero humingi naman sya ng tawad diba? Nag sorry na sya sayo. Pero ano? Inuna mo ang galit mo. Ganyan na ba katigas ang puso mo. Na kahit ang tinuring mong bestfriend natitiis mo. You are so selfish, Alexa."
"Ako ngayon ang selfish? Ako ngayon ang masama. Punyetang buhay to. Masisisi nyo ba ako kung bakit ako ganito?"
"Tama na yan. Hindi makakatulong kung ngayon pa tayo magsisisihan." awat samin ni Richmont na kararating lang.
"Kapag may nangyaring masama kay Rain. Humanda ka." pananakot ni Regina sakin at bumalik sa pagkaupo. Lumapit naman sakin si Richmont at dinala ako sa likod ng ospital.
"I want to say sorry sa ginawa ko. Alam kong galit ka. Alam kong hindi mo pa kami pinatawad sa nagawa namin. Kaya bibigyan kita ng pagkakataon. Saktan mo ako. Bugbugin mo ako kung kinakailangan. Kung gusto mo patayin mo pa ako ngayon din. Pero sana pagtapos nito mapatawad mo na si Rain."
Hindi ko alam ang gagawin ko. Galit ako sa kanila pero sabe ng puso ko, patawarin ko na sila. Tumulo na naman ang luha ko at hindi ko alam ang pumasok sa isip ko nang bigla kong yakapin si Richmont.
"Richmont, ang sakit. Ang sakit sakit. Hindi ko kayang makita ang bestfriend ko na nandoon at nag aagaw buhay. Ano ba ang dapat kong gawin?" hagulgol ko sa kanya na parang bata. Ngayon lang ako naging ganito.
"Basta! Kung ano ang gusto mong gawin. Gawin mo. Hindi namin hawak ang desisyon mo, Alexa. Hindi ikaw si Alexa kung hindi mo susundin ang sarili mo. You have your own decisions. Stubborn. Hard headed. Stoned heart. Kaya ikaw padin ang makakapagdesisyon nyan."
"Siguro nga tama si Regina. Selfish ako. Sarili ko lang ang iniisip ko. Sarili ko lang ang pinakinggan at sinusunod ko."
"Everyone of us have a unique differences. May iba selfless. May iba naman self centered. Kaya wag mong sisihim yang sarili mo. Yan kasi ang bunga ng mga pinagdaanan mo."
BINABASA MO ANG
Chess Pieces #BSAwards2017 #BestBloodyAward [COMPLETED]
AcţiuneSA PAGKAWALA NG ISA. MAY PAPALIT.. SA MATAGAL NA PAGHAHANAP.. ITO'Y MATATAGPUAN.. SA HABA NG PANAHONG PAGHIHINTAY.. MATUTUPAD ANG PANGARAP.. SA TAGAL NA ITINAGO AT NILIHIM.. ITO AY LALABAS DIN.. HINDI ITO SIMPLENG KWENTO NA TUNGKOL SA MGA GANGSTERS...