C31

248 22 7
                                    

31. Emotional Training ..

Alexa's POV

"Do you think kaya natin ang lahat ng magiging training?" nag-aalangang tanong ni Richmont sakin. Nandito kami sa loob ng kwarto nya. Nakahiga ako sa braso nya habang nakayakap. We uses to be like this after ng Survival Game. Ayaw na naming malayo sa isa't isa. Tama na ang halos tatlong linggong pagkawalay namin sa isa't isa nong  nagtatraining kami para sa Torment of Death.

"Sa isang Richmont Robles pa ba manggagaling ang ganyang tanong? Ang leader ng Chess Pieces?"

"Iba na ang usapan sa Mafia World. Iba na ang kalaran sa mundong yon. Papatay ka na ng mga taong walang kalaban laban. Papatay na tayo ng mga tao para lang --" I kiss him to make him stop. Nagtagumpay naman ako sa pagpapatahimik sa kanya.

"Richmont nandito na tayo. Wala na tong atrasan. Hindi na tayo pwedeng humindi."

"Mag-ingat nalang tayo." tanging nasabe nya.

I kiss him again but this time its passionate and full of love. And our kiss continue to be deep. And we started to touch each other body.

-----

"This day is your Emotional Traning. Dito susubukan alisin sa inyo ang mga problemang pang-emosyonal na magiging sanhi para maging mahina kayo. Isa yan sa gagamitin ng kaaway para matalo kayo." paliwanag ni Marvin. Nandito kami ngayon sa office ng BCMG. Ngayong araw din magsisimula ang emotional training namin.

"Sa loob nyan ay isang kwarto. Walang gamit. Walang bintana. Tanging espasyo lang ang makikita nyo dito. Oras na magsimula ang traning nyo, wala kayong ibang gagawin kundi alisin lahat ng mga alaalang pwedeng magpahina sayo." paliwanag naman ni Sebastian.

"So ready na ba kayo?" tanong ni Alfred. Tumango kaming lima. Isa-isa kaming pumasok sa pinto. Hiwa-hiwalay kaming lima dahil na rin sa utos ni Mr. F.

"You have one hour para ilabas lahat ng dapat nyong ilabas. Magsimula na." narinig kong utos muna sa speaker.

And training start now. Pagpasok ko sa loob ay puti lang ang nakita ko sa buong paligid. Kisame, pader naging ang sahig nito ay puti. Hindi ko alam ang dahilan pero muling nanariwa ang mga alaalang masakit sakin. Mula sa ampunan. Ang pag-iwan sakin ng mama ko sa ampunan. Unti-unting tumulo ang likidong nagmula sa mata ko. Bakit kailangan niya akong iwan. Bakit kailangan nila akong isakripsiyo para lang sa sarili nilang kapakanan. Sila ang dahilan kung bakit ako nandito. Sila ang dahilan kung bakit ako nahihiripan at patuloy na nahihirapan.

Sila ang dahilan kung bakit ako napunta sa mga taong umampon sakin na pinangbayad ako sa utang kay Gonzales. Sila ang dahilan kung wala maagang nawala ang pagkakababae ko. Sila ang dahilan kung bakit napilitan akong pumatay at muntik nang pumatay.

Ayoko na! Gusto ko na silang burahin sa sistema ko. Gusto na silang alisin sa buhay ko. Gusto ko na silang alisin sa isip at puso ko. Huling araw na to na iiyak ako dahil sa kanila. Mga hayop sila.

-----

Richmont's POV

Mga alaalang dapat alisin? Mga alaalang dapat nang kalimutan. Simula sa pang-iiwan sakin ni Tanda sa ampunan. Ang pagkuha nya sakin at hindi pagkilala bilang anak nya. Paggamit nya sakin para lang kumita. Pangloloko nila sakin kasama si Lily. Mga hayop sila. Dapat sa kanila ay mamamatay.

Ang nanay kong walang kwenta na pinagpalit ako sa kayamanan. Dapat sa kanya mawala. Tama si Alexa, kailangan nilang maranasan ang mga hirap na naranasan namin. I really hate them. Kasumpa-sumpa silang lahat. Fuck them all.

------

Lyka's POV

Unang pumasok sa isip ko ang mga magulang kong namatay dahil kay Gonzales. Alam kong kasalanan naman nila ang pagkamatay nila pero hindi sapat ang dahilan ni Gonzales para patayin ang mga magulang ko.

Hindi pera ang dapat maging panginoon ng lahat. Babaguhin namin ito. Kakalimutan ko na ang dapat dating Lyka. Pipilitin ko din mawala si Lara.

Hindi! Hindi ako pwedeng mawala.

Lara?

Oo ako nga Lyka. Hindi ako pwede mawala. Paano kung wala na ako? Sino ang magtatanggol sayo?

Lara! Marami ka nang naitulong sakin. Pero ngayon kailangan mo nang mawala. Isa kang persona na konektado sa nakaraan ko. Kaya kailangan kitang alisin.

Hindi Lyka. Hindi mo ako pwedeng alisin dito sa loob mo.

Manahimik ka Lara. Kaya ko nang ipagtanggol ang sarili ko. Hindi na ako ang dating Lyka.

Lyka wag mo tong gawin.

Paalam Lara. Aking kaibigan. Tapos na ang misyon mo. Tapos na ang trabaho mo dito.

Hindi ko na narinig ang boses ni Lara. Ibig ba nitong sabihin na wala na sya sa loob ko? Wala na nga ba si Lara.

Paalam Lyka.

Ang huli kong narinig bago ako nanghina at nilamon ng kadiliman ang paligid ko.

------

Steven's POV

Ano ba ang mga alaalang dapat kong alisin? Mga alaalang dapat kong kalimutan?

Siguro yong araw na napasok kami sa mundong to. Yong araw na wala kaming nagawa dahil nahuli kami. Yong araw na wala kaming choice kundi ang sundin ang utos ni Gonzales.

Aalisin na kita sa buhay, isip, at puso ko. Tapos ka nang maging bangungot sa buhay ko. Huli na to. Ito na ang huli.

-----

Regina's POV

Alam kong buhay pa ang mga magulang ko. Alam kong hindi sila kilala ni Gonzales para balikan sila at patayin. Magkikita kami pero hindi pa ngayon. Hahanapin ko sila pagkatapos ng huling laban namin.

Rain Salazar. Kailangan na kitang i-let go para maging malakas ulit ako. Alam kong ito na rin ang gusto mo. Pero mananatili kang may espasyo dito sa puso ko. Palalakihin ko ang kambal natin. Hinding hindi kita kakalimutan pero kailangan ko padin tanggapin na wala ka na. Paalam mahal ko. Salamat sa sandaling panahon na pinaramdam mo sakin na mahalaga ako. Salamat sa pagmamahal na binigay mo. Maraming salamat. Mahal na mahal kita Rain. Mahal na mahal kita, Knight.

-----

Sabay sabay kaming lumabas ng kwarto. Nakita kong buhat buhat ni Alfred si Lyka.

"Anong nangyari sa kanya?" panic ni Steven.

"She's fine. Hindi man namin alam ang tunay na dahilan pero alam naming nakapasa sya sa training nato." saad ni Marvin.

"Handa na ba kayo sa pagpasok sa mundo ng mafia?" tanong ni Sebastian.

"Handang handa na." sagot ni Alexa.

"Magaling! Tara na para makausap kayo ni Mr. F." naglakad silang nauuna samin. Hindi ko alam pero ramdam kong gumaan ang mga aura ng bawat isa samin. Wala na ang mga bigatin sa buhay naming lima. Napakawalan na namin ito.

Ngayon, panibagong pagsubok ang kailangan naming kaharapin dahil papasok na kami sa mundo ng mga Mafia.

-----

A/N

Napaaga ang pag-uupdate dahil masasayang ang load. Haha.

Thank you at umabot kayo sa puntong ito.

Salamat sa pagsama sa aking mga Characters.

Sana ay patuloy nyo silang samahan hanggang sa huling laban nila sa mga taong naging dahilan kung bakit sila napunta sa lugar na ito.

Laban Chess Pieces. Laban Hanggang Sa Huli.

READ. COMMENT. VOTE.

THANK YOU SO MUCH #ChessRoyalties.

@suhojames004

Chess Pieces #BSAwards2017 #BestBloodyAward [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon