C11

281 29 11
                                    


11. Separated ..

Alexa's POV

Ilang araw na ang lumipas ng talikuran ko ang grupo ko at piniliin ang kaibigan kong si Paul.

Wala na akong magagawa. They force me to choose between. Minsan na kaming nagkahiwalay ni Paul sa ampunan kaya ayoko na itong maulit pa.

"Ano ba yan? Kanina pa ako nagkukwento dito, parang ayaw mo ata akong kausap eh." pagtatampo ni Paul.

"Sorry! May iniisip lang ako. Ano nga ba yong sinasabe mo?"

"Wala! Di naman mahalaga yon. Wait! May paparinig akong kanta sayo." kinuha nya ang gitara na nakasandal sa isang puno sa likod ng kinauupuan namin.

#Kanina pa kita pinagmamasdan.

Mukha mo'y di maipinta.

Malungkot ka na naman.

Kanina pa kita inaalok

ng kwentuhan masaya

para sayo, balewala.

Sandali .. Teka lang ..

May nakalimutan ka

Di bat pwede mo kong iyakan.

Sige lang sandal ka lang.

At wag mong pipigilan.

Iiyak mo na ang lahat sa akin.

Iiyak mo na ang lahat sa langit.#

Hindi ko mapigilang mapangiti habang kumakanta sya. Hindi ako nagsisi na mas pinili ko sya kaysa sila.

Pero bigla na namang nagflashback sa utak ko lahat ng sinabe ni Richmont.

"Stay away from our life. At sana wag ka nang magpakita samin."

"Stay away from our life. At sana wag ka nang magpakita samin."

"Stay away from our life. At sana wag ka nang magpakita samin."

"Stay away from our life. At sana wag ka nang magpakita samin."

Paulit ulit. Parang sirang plaka. Bakit ba kasi iba ang naramdaman ko nang sabihin nya yon? Hindi ako dapat maging ganito. Punyeta! Ayoko na!

"Alexa!" Nagulat ako ng hawakan ni Paul ang mga kamay ko. Medyo nagulat din ako dahil may dugo ang mga ito. "Alexa ano bang ginagawa mo? Bakit mo sinasaktan ang sarili mo?" medyo galit na tanong niya.

"Sorry!"

"Halika! Sa clinic tayo. Mabuti nahila ko kaagad ang ballpen na tinusok mo sa kamay mo kundi baka napuruhan ka. Tss."

-----

(A/N: Karugtong po ito ng Chapter 10 nong nag walk out si Richmont)

Richmont's POV

Patuloy lang ako sa paglalakad habang humahabol ang apat sa likod ko. Nakalabanas. Hindi naman nya kilala ang taong yon eh. Hindi nya kilala ang Paul na yon pero mas pinili nya ang lalaking yon kaysa samin.

Sinipa ko ang upuang nadaan ko. Punyeta! Kung alam ko lang na sisirain na naman nya ang Chess Pieces sana hindi ko sya tinanggap sa grupo.

"Richmont!" tawag sakin ni Rain nang mahawakan nya ako sa braso.

"Anong problema nyo?" sigaw ko.

"Ibig bang sabihin non, wala na naman ang Chess Pieces?" tanong sakin ni Regina.

"She made her choose. Nagmamatigas sya kaya wala na akong pakialam doon."

"Alam mo wala kang pinagkaiba kay Alexa. Wala kayong pakialam pareho sa grupo." sigaw ni Rain na kinabigla ko. Rain is known as a Joker kaya di ito sumisigaw lalo na sa grupo namin.

Chess Pieces #BSAwards2017 #BestBloodyAward [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon