34. Realization ..
Third Person's POV
"Check her vital signs and pulse rate." utos ng doctor na umoopera kay Alexa. Nag-flat line na kasi ang heart monitor nya.
"No beats of pulse."
Ginawa ng lahat ng nasa loob ng operating room ang kanilang makakaya pero nanatiling flat line ang monitor ni Alexa.
Umiling ang doctor at tinigil na nya ang kanyang ginagawa. Tinignan nya ang kanyang orasan at nagsalita ng katagang hindi inaasahan ng lahat. "Time of death. 10:45pm. Cause of death.--"
"No!" napabalikwas ng bangon si Richmont at tinignan ang nakahigang si Alexa. Lumapit sya agad dito to check her condition. Buhay pa! Buhay pa ang mahal nya.
-----
Richmont's POV
"Richmont, ayos ka lang?" tanong ni Lyka habang pumapasok sa loob ng kwarto ni Alexa.
"Nanaginip ako. Akala ko patay na si Alexa."
"Unstable lang ang lagay ni Alexa but she's ok now. Yon ang sabe ng doctor diba?"
"Alam ko. Natakot lang ako."
"Yari ka pag narinig ka ni Alexa. At saka ilang beses nang nalagay sa kamatayan si Alexa pero nabubuhay parin sya. Alexa is a fighter. Kaya alam kong bukas makalawa, gigising na yan."
"Sana nga Lyka. Sana nga." tangi nyang nasambit.
Ilang araw mula nang sinagupa nila ang Barracks. Simula non, hindi pa nagigising si Alexa. Naging successful naman ang operation pero naging critical pa sta dahil natamaan ang internal organ nya. Isa pa sa kinakatukan ko, kapag hindi sya nagising baka mawala din ang buhay na nasa tiyan nya. Yes! One month pregnant na si Alexa pero hindi nya ito alam. Ayokong mawala ni isa sa kanila kaya sana lang magising na sya. Miss na miss ko na sya e. At alam kong magbabago na din ang isip nya kapag nalaman nyang buntis sya.
"Si Regina, kamusta?" tanong ko. "Yong kambal?"
"Ok na. Nasa incubator pa si Rain Jr. dahil mas mahina pa ang katawan nya. Pero si Storm, nasa tabi na ni Regina. Naku ang kulit ng batang yon, kabata bata pa napaka palangiti." kwento ni Lyka. Nasa incubator pa pala si Rain Jr. Actually pareho dapat silang nasa incubator dahil nga seven months pala ay labas na sila pero mukhang mas malakas si Storm sa kanya kaya nailabas agad sa incubator.
"Samahan mo ako, dalawin ko lang sya." tahimik na lumabas kaming dalawa sa kwarto ni Alexa.
Nakita kong palabas ng kwarto si Steven. Inutusan daw sya ni Regina na bumili ng pagkain. Pumasok naman kami sa kwarto ni Regina
"Rich!"
"Medyo ok na ang katawan ni Storm ha." bati ko sa bata.
"Oo nga e. Ang dali nyang nagrerespond sa mga gamot na sinasaksak sa kanya. Nawala din ang paninilaw ng balat nya."
"Sana maging ganyan din ang anak namin ni Alexa."
"Hindi mo na kailangang hilingin yan. Alam kong mas matatag at mas malakas ang anak nyo dahil pinagsamang dugo nyo yan ni Alexa."
"Sana nga!" sambit ko at naglagay ng alcohol sa kamay bago ko lapitan at hawakan si Storm.
"Pagtapos nito, anong balak nyo?" tanong bigla ni Lyka.
"Hindi ko alam. Naguguluhan na ako."
"Wala na si Gonzales, balak nyo padin bang patayin ang mga magulang nyo?" tanong din ni Regina.
![](https://img.wattpad.com/cover/59859036-288-k718831.jpg)
BINABASA MO ANG
Chess Pieces #BSAwards2017 #BestBloodyAward [COMPLETED]
AksiSA PAGKAWALA NG ISA. MAY PAPALIT.. SA MATAGAL NA PAGHAHANAP.. ITO'Y MATATAGPUAN.. SA HABA NG PANAHONG PAGHIHINTAY.. MATUTUPAD ANG PANGARAP.. SA TAGAL NA ITINAGO AT NILIHIM.. ITO AY LALABAS DIN.. HINDI ITO SIMPLENG KWENTO NA TUNGKOL SA MGA GANGSTERS...