C25

223 23 2
                                    

25. Elimination ..

Alexa's POV

Nagmamadali na ako sa pag-aayos ng gamit ko. Ngayon na kasi ang laban namin sa Torment of Death. Handa na akong harapin ang pinakamahirap na laban ng buhay ko. Hindi ko alam ang kalalabasan ng larong ito. Mabubuhay ba ako o hindi. Pero kung mabubuhay man ako, magagawa kong gumanti sa mga taong gumawa ng mundong to. Mula kay Mr. Gonzales hanggang sa mga opisyal ng Deathly Club.

Kinuha ko ang maskara ko sa tabing tokador pero nalaglag ito sa kamay. Dumapa ako para makuha sa ilalim ng kama. Ngunit may nakapa akong isang matigas na bagay. Hinila ko din ito palabas at nakita ko ang isang picture frame.

"Paul?" bigla kong nabanggit nang makita ko ang litrato na sana frame. Meron din ganitong litrato si Rain na pinakita sakin noong nasa ampunan pa kami. Bakit meron nito sa condo ni Mr. F?

Lalo akong nagmadali sa pag-aayos ng gamit. Lumabas agad ako ng condo at sumakay sa kotseng kanina pa naghihintay sakin sa baba. Kailangan kong makausap si Mr. F para malaman ko ang totoo.

----

Lyka's POV

Tahimik lang kaming lima habang nakasakay sa kotse na maghahatid samin papunta sa helicopter na magdadala naman samin sa isla. Yes! Lima lang kami dahil wala si Alexa. Sabe ni Mr. F nagkaroon ng solong training si Alexa na hindi nya sinabe para saan.

Tinignan ko naman ang mga kaibigan ko. Lahat sila ay tahimik at ginagawang abala ang sarili. Si Richmont, tinitignan lang ang cellphone nya. Si Rain, tulog sa balikat ni Regina na nagbabasa ng libro. Si Steven, naglalaro sa PSP nya. Kahit hindi nila sabihin, alam ko kung gaano sila kinakabahan ngayong araw. Hindi ko alam ang kalalabasan ng larong ito pero pipilitin kong mabuhay para sa mga magulang ko.

"Guys magkikita-kita pa tayo diba?" Napatingin ako kay Steven na pilit ang ngiti habang nagtatanong samin.

"Ano ka ba naman, Steven. Dinadagdagan mo ang kaba ko e." saway ni Regina.

"Hindi ko hahayaang may mawala sating anim. Kahit na sino. Sama-sama tayong papasok sa larong yon. Sama-sama tayong lalabas. Walang maiiwanan." sabat ni Richmont.

"Nandoon na kaya si Alexa?" tanong ko. Napatingin naman sakin si Richmont. "Hindi kasi sya nagtetext o tumatawag man."

"Susunod daw sya sabe ni Mr. F. Naipit daw sa traffic. Baka mauna tayo sa isla." sagot ni Richmont.

"Ilang araw na natin syang hindi kasama tapos hindi pa natin kasabay papuntang isla?"

"Susunod naman e. Kaya makikita pa natin sya sa isla." Nanahimik nalang ako.

-----

"Ito na ba yon?" nagulat ako nang makita ko ang islang tinutukoy ni Mr. F. Mula sa itaas maliit lang ito. Pero pag umapak ka na, kakabahan ka ng matindi. Nakakaligaw. Tig-iisang hellicopter ang naghatid samin dito. At binababa ako sa isang magubat na lugar. Ang bilin sakin, huwag muna akong gumalaw hanggang hindi ko naririnig ang signal mula sa ere. Kapag nakita ko daw ang isang pulang usok sa ulap, umpisa na daw iyon ng laban.

Hinanda ko ang arnis ko. Nilagay ko muna ito sa likod. Saan ako tatakbo kung sakaling magsimula ang signal?

"Welcome Fighters!" Napatingin ako sa taas ng marinig ko ang boses. Iba talaga ang nagagawa ng pera. "Ngayong araw magaganap ang laban na magpapaiba ng nakagawian Cage Fight ng Deathly Club. Dahil ngayong araw magsisimula ang Torment Of Death: The Amazing Deadly Race." Napabuntong-hininga ako.

"Bago tayo magsimula, gusto ko munang sabihin na nasa 500,000,000 na ang halaga ng pusta as of this moment. Mukhang magiging masaya ang laban. Sana naman ay bigyan nyo kami ng madugong laban ha." I roll my eyes. Laruan talaga ang tingin nila samin. Humanda talaga kayo kapag natira kaming Chess Pieces dahil babalikan namin kayo.

"Gusto ko rin sanang sabihin sa inyo na wala pa kayo sa Battlefield. Nasa bungad palang kayo ng isla. Kailangan nyong makapasok sa Battlefield bago magsara ang gate at sumabog ang kinakatayuan nyo. Elimination Round, isang oras na takbuhan, patayan at takasan. Isang oras lang ang nakalaan para mapasama ka sa loob ng Battlefield." May elimination pa? Bakit hindi to sinabe ni Mr. F? Letcheng buhay to.

"By the way, natatandaan nyo ba ang Rule (3). Find the Treasure? Well, isa lang ang masasabe ko, mahalagang mahanap nyo ang treasure bago sumabog ang Battlefield dahil ang treasure na hahanapin nyo ay isa sa inyo." sinabe ng announcer ang mga pangalan ng treasure. "Bloody Mary, Lily Zero also known as Era. The newest member of Bloody Mary." Napatingin ako sa taas. Tama ba ang narinig ko. Lily? Si Lily na dating Queen ng Chess Pieces ay nasa Bloody Mary? Paanong nangyari yon? Nakita namin ang pagkamatay nya. "And last but the least, Chess Pieces. Alexa Ramirez also known as Queen. The New Queen Piece of Chess Pieces."

Wala na akong naintindihan sa iba nyang sinabe. Ang gusto ko ngayon ay makita si Lily at malaman ang totoo. Nang makita ko ang usok sa ere ay nagsimula na akong tumakbo.

May nakasalubong akong babae. Tsk! Simula na ata ng laban ko. Nakita ko ang pagtaas ng mga kuko nya. Ang tutulis nito. Siguradong madikit ka lang dito ay mahihiwa ka na. Sumugod sya sakin at tinamaan ako sa mukha.

Punyeta! Kailangan kong magfocus dahil gusto kong makita si Lily. Gusto ko syang makausap.

Sumugod muli ang babae ngunit nakailag na ako. Hinampas ko agad sya ng arnis sa tuhod. Napaluhod sya. Tumayo ako at hinampas ang sintido nya. Bumagsak sya sa lupa. Tatapusin ko na to. Pinagsabay kong hampasin ang buto nya sa likod at ang bungo nya. Nakita ko ang pagputok ng ulo nya.

Muli akong tumakbo kahit hindi ko alam ang daan. Nagulat nalang ako nang may tumama saking kunai. Tumusok ito sa balikat ko. Walanghiya naman o. Pangalawang laban agad?

Pinakiramdaman ko ang paligid. Katulad ni Rain ang kalaban ko. Magaling magcomauflage. Muling may tumama na kunai sakin.

"Focus Lyka. Focus!" Pinikit ko ang mata ko. Natrain kami ni Mr. F sa ganitong sitwasyon. Wala kaming ibang gagamitin kundi pandinig at pangdama. Naramdaman ko ang kunai na papunta sakin. Mula ito sa kaliwa ko. Agad akong yumuko para ilagan ang kunai.

"Lumabas ka! Huwag kang duwag!" sigaw ko. Lumabas ang isang lalaki na kumakain ng prutas na mukhang nakuha nya sa kung saan.

"Hindi ka pala ganon kahina. Akala ko kasi madali lang kitang mapapatay."

"Don't underestimate me." tinaas ko ang arnis ko.

"Kunai versus Arnis? Masaya to." sumugod sya sakin. Kada atake nya, hinaharang ko ng arnis. Naturuan din ako ni Rain ng depensa sa ganitong armas. Pero nagulat ako nang bigla nya akong sapakin. Tumalsik ako at naramdaman ko ang pag-agos ng dugo sa ilong ko. "Bullseye!" nakangisi nyang sambit.

Medyo nahilo ako sa nangyari. Hindi ako makatayo. Lumapit sya sakin at pumatong.

"Ang kinis mo." sambit nya. Hindi ako makalaban. Umiikot ang paningin ko dahil sa sapak nya. "Masarap ka siguro." Umakyat ang kamay nya mula sa palad hanggang sa baba. Bumababa ito sa bandang dibdib ko. Hindi to maaari. Pinilit kong abutin ang arnis na nabitawan ko nang tumalsik ako. Unti unti na nyang tinatanggal ang damit na suot ko.

"Hayop ka!" sigaw ko at hinampas ang ulo nya ng arnis ko. Na out balance sya kaya tumayo ako. "Akala mo maiisahan mo ako ha." Sinugod ko sya. Pinaghahahampas ang ulo nya. Nakita ko ang pag-agos ng dugo nya pero hindi ako tumigil hanggang hindi ako nakukuntento.

Dinutdot ko ang daliri ko sa dugo nya at gamit iyon, sinulat ko ang pangalan ko sa lupa.

LARA

Tumakbo muli ako papasok sa isla. May mga nakasalubong ako pero pinatay ko na agad silang lahat. Hindi ko na pinatagal. Kailangang makapasok ako sa Battlefield. Kailangan kong mabuhay.

-----

Pasensya na po!
Talagang Slow Update to .
Pero tatapusin KO po .

Nais Ko Lang Hingin Ang Comment Nyo About This Part.

Please ..
Read, Share and Vote Po ..

Thanks in Advance

@suhojames004

Chess Pieces #BSAwards2017 #BestBloodyAward [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon