SPECIAL CHAPTER

356 23 4
                                    

SPECIAL CHAPTER
HOW IT ALL STARTED ..

A/N :
Dahil mahal ko kayo, ipapakita ko kung paano nabuo ang Chess Pieces.

So get ready to get some bloody scene.

hahaha.

------

Richmont's POV

Tahimik akong nakaupo sa sulok ng kulungan na kinalalagyan ko. Ilang araw na ako dito dahil sa hindi ko pagsunod kay Tanda. Anong magagawa ko? Hindi ko kayang saktan si Lily. Mahal ko sya at hindi ko kayang magalit sa kanya. Nakagawa kasi ng isang pagkakamali si Lily. Kaya bilang parusa, sasaktan ko sya gamit ang latigo. Pero ayoko! Hindi ko kaya. Dahil sa galit ni Tanda, kinulong nya kaming dalawa sa magkahiwalay na selda.

Bumukas ang pinto at biglang may hinagis na dalawang lalaki na puro pasa at sugat. Kilala ko sila. Sila ang dalawa sa magaling ma fighters ni Tanda. Si Rain at si Steven.

"Fuck you!" sigaw ni Steven nang makatayo sya. Pilit nyang hinahampas ang mga rehas pero alam naman nyang hindi nya kayang gawin yon.

"You better stop. Kahit anong gawin mo, hindi mo masisira yan." cold kong sabe sa kanya. Naupo naman sya at sumandal sa mga rehas.

"Sino ka?" tanong ni Rain.

"Ako si Richmont. Richmont Robles. Isa rin sa mga fighters ni Ta- Mr. Gonzales."

"Bakit hindi kita nakikitang lumaban?"

"Ako yong laging nakamaskara."

"Ikaw si Tiger?"

"Yeah!"

"Malakas ka. Bakit ka nandito?" tanong ni Steven.

"Malakas din kayo. Bakit kayo nandito?" balik na tanong ko.

"Pareho lang siguro ang mga sagot natin. Sya nga pala, ako si Rain. At ito naman si Steven. Mga fighters din kami."

"Alam ko. Napapanuod ko kayong lumaban."

"Napakatindi si Gonzales. Hindi ko na matiis ang ganitong buhay. Gusto ko nang umalis." sabe ni Rain at sumandal sa pader. May nilabas syang kung ano sa bulsa nya. "Gusto kong makatakas dito. Gusto kong makalawa."

"Pano mo gagawin yon? Bantay sarado lahat ni Gonzales ang mga lagusan dito." sabe ni Steven.

"Tutulong ako, pero pwede nyo ba akong isama?" tanong ko sa kanila. "May alam akong sekretong lagusan dito. Walang nakakaalam ni isa maging si Gonzales."

"Paano?"

"Oras na makalabas tayo dito, puntahan nyo ako sa kwarto ko. Katabi ng opisina ni Mr. Gonzales. Nandoon ang sekretong lagusan. Maghanda lang kayo kasi sa labas madaming bantay." Tumango ang dalawa.

"Kapag nakatakas ako dito. Gagawa ako ng bagong grupo. Lalabanan ko ang Cross Fighter ni Gonzales." sabe ni Rain.

"Pero kailangan mong sumali sa bagong organisasyon bago ka magkagrupo." saad naman ni Steven.

"Alam ko. Hahanap ako ng pwedeng salihan."

"May alam din. Sa frosted. Wala syang hawak ng grupo kaya hindi sya nakakasali sa laban sa DC. If you want, tayo nalang ang maging grupo."

"Mapagkakatiwalaan ka ba?" tanong ni Rain.

"Oo naman! Gusto ko rin makalabas dito kasama ang girlfriend ko. Gusto ko ding labanan at patayin si Gonzales."

"May kasama kami. Dalawang babae. Huwag kang mag-alala hindi sila magiging pabigat dahil may mga armas silang hawak."

"Si Lyka at Regina ba yan?" tanong ko. Tumango naman silang dalawa bilang sagot.

Chess Pieces #BSAwards2017 #BestBloodyAward [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon