A/N:
May Mga Maseselang Salita Sa Kabanatang Ito. Kung Hindi Ka Sanay Sa Ganito Skip This Chapter. Thank You.Enjoy Reading.
Don't Forget To Vote And Give A Comment. Thank You.LILY ZERO SA MM
------
26. Face Off
Alexa's POV
Agad akong bumababa ng makita ko ang hellicopter na sasakyan ko. Nandoon din si Mr. F na mukhang naghihintay sa pagdating ko.
"Finally! Let's go! Kanina pa nandoon ang mga kagrupo mo."
"Mr. F sandali. May itatanong ako sayo."
"Alexa hindi to ang tamang oras para kung anuman ang katanungan mo. Kailangan na nating magmadali."
"Kailangan nating pag-usapan to ngayon. It's about Ra-- I mean Paul. Paul Domingo."
"Bakit mo sya nakilala? Bakit mo nakilala ang anak ko?"
"Anak? Anak mo si Paul?"
"Oo! Baby palang sya nang mahiwalay sya sa sakin. Ayaw ng mama--"
"Mr. F any moment magsisimula na ang laro. Kaya kailangan na nating umalis." singit nong piloto.
"Alexa tara na! Sumakay ka na sa hellicopter. Nandoon na ang grupo mo."
"Pero Mr. F, si Rain at si Paul ay iisa." sabe ko.
"Ano? Paano?"
"Sabay kaming lumaki sa ampunan. At may pina--"
"Mamaya na ang chismisan nyo. Kailangan na namin syang dalhin." Hinila ako ng dalawang lalaki at pilit na sinasakay sa hellicopter.
"Mr. F ito ang picture. Merong ganyan si Rain." sabe ko at hinagis ko ang picture frame na nakuha ko sa condo ni Mr. F. "Kailangan mabuhay ni Rain. Kailangan nyong mag-usap."
Tuluyan na akong naisakay sa hellicopter. Lumipad na ito sa ere. Mula sa itaas, nakita kong tinignan ni Mr. F ang picture frame. Kailangan ko tong masabe kay Rain.
Nabigla ako nang may isuot ang isang lalaki sa kamay ko. Para syang relo.
"Para saan to?" tanong ko.
"Dyan lalabas ang points nyo sa laban. Tanging points nyo lang ang makikita nyo. Once na nakapatay ka, matatransfer sayo ang points ng kalaban mo." sabe nito. "One more thing. Kailangan mo to." at bigla nya akong tinurukan ng kung ano sa bandang balikat. Maya maya pa'y nahilo ako at nagdilim ang paningin ko.
-----
Nagising ako sa isang mapunong lugar. Hindi ko alam ang lugar na to. Wala rin ang mga gamit ko. Tinignan ko ang kinabit sakin kanina.
150 points ang nakalagay dito. Akala ko ba 100 lang ang points ko? Anong ibig sabihin nito?
"You're awake!" napatingin ako sa harap ko. Isang babae ang nakatayo. Nakangiti at para bang maamo ang mukha nito. Pero nasa laban ako at hindi sya pwedeng pagkatiwalaan. "Kamusta maging isang Queen Piece, subtitute?"
"Paanong?"
"Well! Sabihin nalang nating naging ako ikaw. Minsan akong naging Queen Piece, pero ngayon ako na si Era."
"Ikaw si Lily? Paano? Patay ka na daw sabe nila."
"Tanga ka ba? Sa mundong to, pwede kang gumawa ng isang palabas. Palabas na kapani-paniwala. Isang palabas na kikita ang mga mayayaman."
"Kung ikaw nga si Lily. Ibig sabihin, niloko mo sila. Niloko mo si Richmont." sigaw ko.
"Pasensya naman. Tanga lang talaga sila. Nagawa ko silang lokohin ng matagal na panahon."
![](https://img.wattpad.com/cover/59859036-288-k718831.jpg)
BINABASA MO ANG
Chess Pieces #BSAwards2017 #BestBloodyAward [COMPLETED]
ActionSA PAGKAWALA NG ISA. MAY PAPALIT.. SA MATAGAL NA PAGHAHANAP.. ITO'Y MATATAGPUAN.. SA HABA NG PANAHONG PAGHIHINTAY.. MATUTUPAD ANG PANGARAP.. SA TAGAL NA ITINAGO AT NILIHIM.. ITO AY LALABAS DIN.. HINDI ITO SIMPLENG KWENTO NA TUNGKOL SA MGA GANGSTERS...