C38

240 19 5
                                    

38. A New Beginning ..

Regina's POV

"Rain, ok lang bang magmahal akong ulit? Ok lang ba na palitan na kita sa puso at buhay ko?" mga katagang binitiwan ko sa harap ng puntod ni Rain. Isang taon na ng mamatay sya at iwan nya ako. Isang taon na din simula nang isara kong muli ang puso ko sa iba. Lalo na sa isang lalaki na naglakas loob na umamin sakin na mahal nya. Hindi nyo rin naman ako masisisi e. Takot na akong magmahal ulit. Baka mawala lang ulit sya sa buhay ko.

Limang buwan na simula nang umamin sakin si Basty. Limang buwan narin akong umiiwas sa kanya. Anino palang nya ay nagtatago na ako. Ayoko syang paasahin sa mga bagay na hindi ako seryoso. Oo! Humahanga ako sa kanya dahil hindi nya ako iniiwan sa lahat ng oras. Nandyan sya sa tuwing kailangan ko ng tulong kila Storm. Pero hindi ko parin alam kung ano ba ang nararamdaman ko sa kanya. Hindi naman sya mahirap mahalin pero ayoko rin syang saktan.

Binababa ko si Storm at inihiga ko sa kama nya katabi si Junjun (Rain) Mas mahirap kasi patulugin tong si Storm. Kailangan pang ihele ng kalahating oras bago pumikit. Si Rain naman, bigyan mo lang ng kumot mamaya nakapikit na. They are twins pero madaming pagkakaiba lalo na sa features. Although, pareho silang gwapo at  nagmana sa kanilang tatay pero mas makulit si Storm kaysa kay Junjun (Rain).

Umupo ako sa tabi ng kambal ko. Hinalikan ko sila sa noo. Nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto. Niluwa noon si mama kasama si papa at si Mr. F. Alam kong ama sya ni Rain pero nakasanayan ko nang tawagin syang Mr. F.

"Pwede ka ba naming makausap anak?" tanong ni mama at tumabi sakin.

"Opo! Ano po ba yon?"

"Tungkol sayo." sagot ni papa.

"Tungkol sakin? Ano pong pag-uusapan natin na tungkol sakin?"

"Kinasal na ang mga kaibigan mo at kapatid mo. Ikaw may balak ka pa bang magmahal ulit?"

"Ma. Napag-usapan na natin to diba?"

"Regina. Isang taon nang wala si Rain. Dapat siguro, tumingin ka naman sa iba. Alam kong hindi ito ang buhay na gusto ni Rain para sayo. Alam naming mahal mo parin si Rain hanggang ngayon. Pero paano ang sarili mo? Kailangan mo ding maging masaya." sabat ni Mr. F.

"Sa totoo lang po, nalet go ko na si Rain. Pero ewan ko po ba, hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon wala pa akong nagugustuhang iba. Siguro nga po hinahanap ko sa kanila ang features ni Rain. Masaya naman po ako kasama ang kambal kaya hindi ko muna iniisip ang magmahal ulit."

"Kung yan ang desisyon mo, wala na kaming magagawa. Pero paano si Sebastian? He's a good guy. Tanggap nya ang mga anak mo. Mahal ka nya. At ayon pa nga sa mga kaibigan mo, he made a biggest sacrifice. Alam mo bang matagal ka na nyang mahal? Kaso nakita nya kung gaano ka kasaya kasama si Rain kaya hindi na sya sumingit sa eksena." sabe ni papa.

"Matagal?" nagtataka kong tanong. "Matagal na nya akong kilala? Pati si Rain? How come? Akala ko ang ibig nyang sabihin na matagal na nya akong gusto e simula nong nagkakilala kami."

"No Regina. Matagal ko nang kasa-kasama si Basty. Hindi nyo lang sya napapansin kasi lagi syang nakacap noon dahil narin sa utos ko na magtago sila sa ibang tao. But yes! Alam ko din gusto ka nya noon pa pero pinayuhan ko syang si Rain ang gusto mo. Kaya ang sabe nya, mamahalin ka nalang nya sa malayo." paliwanag naman ni Mr. F. Hindi naman ako makapaniwala sa mga nalaman ko. Matagal ko na palang nasasaktan si Basty na hindi ko sinasadya.

"Hindi ka namin pinipilit anak. Pero huwag mo naman sayangin ang pagkakataong ito. Huwag mong sayangin ang taong nandyan para sayo. Bigyan mo sya ng chance. Kung wala talaga, so be it. Atleast you try."

Chess Pieces #BSAwards2017 #BestBloodyAward [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon