23. Weakness Side ..
Alexa's POV
Nakatayo lang ako sa labas ng ginawa naming tent gamit ang mga punong-kahoy at dahon. Mabuti nalang talaga naabutan nila Regina si Rain kundi baka nalagutan na sya ng hininga.
Kaya pa ba naming lumaban? Tutuloy pa ba kami sa labang alam naming dehado kami? Paano kung maubos kaming anim sa gitna ng laban? Paano kung isa samin ang mawala?
"Hindi ka pa ba magpapahinga? Nagamot ko ang lahat maliban sayo." bigkas ni Regina na kalalabas lang sa tent namin nila Lyka. "Nawalan ka na rin ba ng pag-asa?"
"Ayoko nang ganito, Regina. Sa tinagal tagal ko sa ganitong buhay. Bakit ngayon pa ako pinanghihinaan ng loob?"
"Dahil dito." sabe nya at tinuro ang kaliwa kong dibdib. "Napalapit na tayo sa isa't-isa eh. Kaya iniisip natin ang kalagayan ng bawat isa. At alam mo bang normal lang ang kabahan sa ganitong laban. Hindi kasi ito normal na laban lang sa loob ng cage. Sigurado akong hindi lang ikaw ang kinakabahan. Hindi lang tayo. Pero lahat ng gang fighters na lalahok sa Survival game."
"Paano kung may isang mawala satin? Paano kung makalabas tayo pero kulang tayo ng isa o dalawa? Paano yong magiging buhay natin?"
"Isa lang ang motto ng Chess Pieces." Napatingin ako kila Steven at Rain na kalalabas lang din sa tent nila.
"Kung mamamatay tayo, edi mamatay. Pero mamamatay taying lumalaban." saad ni Lyka na kalalabas lang din.
"You know what Alexa. Hindi masamang matakot o manghina. Lahat tayo dumadatin dyan. Ako nga kanina akala ko mamamatay na ako eh. Akala ko hanggang doon lang ang kaya ng lakas ko. Pero hindi, lumaban padin ang katawan ko." sambit ni Rain.
"Ilang beses na tayong nasugatan. Ilang beses na tayong napuruhan. Muntikang maubusan ng dugo, pero nandito parin tayo. Ilang linggo nalang Survival Game na. Ngayon pa ba tayo susuko?" dagdag ni Steven.
"Simula nang mamatay si Lily, nawala din ang pag-asa naming makaganti sa mga taong naging dahilan kung bakit kami nandito. Kung bakit kami nasa sitwasyong ganito." sabe ni Lyka.
"Sabe mo dati, you can be a better subtitute of Lily's position in our group. Pero hindi ka naging subtitute. Kundi naging isa ka samin. Dahil ang subtitute, panandalian lamang pero ikaw tumagal ka. Tumagal ka hanggang ngayon." Napatingin ako kay Richmont na nasa likod ko na pala.
"Kanina tinanong mo ako kung subtitute ka din ba sa puso ko? The answer is no! Tulad ng sinabe ko, hindi ka naging kapalit ni Lily. Kundi si Alexa. Ang bagong Queen Piece ng Chess Pieces at bagong babaeng mahal ko."
"Hindi kita minahal dahil kahawig mo si Lily. Minahal kita dahil ikaw si Alexa. Ang minsang nanggalit. Nangbweset at nanakit sakin."
"Richmont--"
"Mahal kita Alexa dahil ikaw yan." Lumapit sya sakin at niyakap ako.
"Mahal din kita Richmont."
"Nandito na tayo sa bukana ng paghihiganti natin guys. Kaya dapat hindi tayo mawalan ng pag-asa. Tutuloy natin ang laban." sigaw ni Rain.
"Chess Pieces?!" Nilagay ni Steven ang kamay nya sa gitna. Kaya ginaya namin sya.
"Chess Pieces!"
-----
Richmont's POV
Pangalawang araw ng training namin kaya maaga palang ay nagising na ako para maghanda. Nahanap na namin ang bawat isa. All we need to do is look for the exit.
"Good Morning Richmont." bati ni Regina.
"Good morning. Tulog pa ba si Alexa?"
"Alexa? Akala ko nandito na sya. Wala na sya sa loob ng tent."
"What? Saan naman sya pupunta?"
"Gisingin mo sila Rain. Kailangan nating mahanap si Alexa." utos ni Regina at pumasok muli sa tent nila.
*****
"Sino ba ang huling kasama ni Alexa kagabe?" tanong ni Rain.
"Ako. Pero bago ako pumasok sa tent, sinabe kong pumasok na din sya sa loob." sagot ko.
"Akala ko magiging madali lang ang lahat. Pero may kasunod pa pala." galit na saad ni Lyka.
"Kailangan nating magmadali. Kailangan nating makita si Alexa." sambit ni Steven.
"Maghiwa-hiwalay tayo. Rain and Regina, magkasama kayo. Steven and Lyka, kayo."
"Ikaw sino ang makakasama mo?"
"Ok lang ako. Pero kailangan natin nahanap si Alexa. Kailangan bago kumalat ng dilim, makabalik na tayo sa tent. Nakakaintindihan ba tayo?"
"Sige Rich!" Naghiwa-hiwalay nga kami tulad ng inaasahan. Sigurado akong hindi magiging madali ang paghahanap kay Alexa dahil may mga makakaharap na naman kaming kalaban.
Ilang oras na ang inabot namin sa paghahanap kay Alexa. Pero wala padin kahit na anino nya. Nasaan ka na ba Alexa? Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung may mangyayaring masama sayo.
Patuloy padin ako sa paglalakad ng makasalubong ko ang grupo ng mga lalaki. Shit! Bakit ba puro grupo ang nakakalaban ko?
Kinuha ko ang sampung dagger sa bulsa ko. Hindi ako papayag na may humarang sa paghahanap ko kay Alexa.
sumugod agad ako para matapos ng maaga ang laban. Isa isa ko silang sinasasaksak pero nagulat ako nang may nagsalita sa likod ko.
"Tuloy mo yan, mamamatay ang babaeng mahal mo." automatic na napalingon ako sa likod ko. Si Alexa, hawak sya ng isang lalaki at may kutsilyong nakatapat sa leeg nya.
"Alexa?!"
"Huwag kang makinig sa kanya, tapusin mo ang laban." saad ni Alexa.
"Manahimik ka!" sinugatan ng lalaki ang braso ni Alexa.
"Hayop ka--"
"Sige sumugod ka! Hindi lang ganito ang mararamdaman ni Alexa." Napahinto ako. "Magaling! Masunurin ka pala. Ngayon, ibaba mo ang mga hawak mo."
Wala kong nagawa kundi itapon ang mga dagger na hawak ko. Ayoko nang maulit ang nangyari noon. Ayoko nang mawalan ng minamahal.
[Flashback]
Sinuntok ko ang BM na kalaban ko. Kailangan naming manalo para nakabawi man lang kay Gonzales. Tinaas ko ang dagger na hawak ko at akmang sasaksakin ang kalaban ko.
"Sige tuloy mo yan. Lalaslasin ko ang leeg nito." saad ni Fire. Hawak nya si Queen(Lily) at may kutsilyo sa leeg nito.
"Huwag kang magpadala sa pananakot nya King. Ituloy mo ang balak ko."
"Huwag mong sasaktan si Queen."
"Bakit kita susundin?" tanong ni Fire.
"King sa likod mo...." sigaw ni Queen pero huli nang mapansin kong tumusok na ang kutsilyo sa tagiliran ko.
"Patayin mo yan Fire para naman malaki ang premyo natin kay Mr. Gonzales." utos nong isang BM.
"Sige ba!"
"Wag..." Ngunit para syang bingi dahil tinuloy nya ang pagsaksak sa dibdib ni Queen. Nakita ko kung paanong dahan dahang pumikit ang mata ni Queen.
"Queen!!!!" gumapang ako palapit sa kanya. "Queen gumising ka! Please! Gumising ka!"
[End]
Hindi ko na papayagan ang kahit na sino na patayin ang mahalagang tao sakin.
"Uto-uto ka Richmont. Uto-uto." sigaw nong lalaking may hawak kay Alexa at bigla akong nakaramdam ng isang matigas na bagayna tumama sa ulo ko.
"Richmont!!" huli kong narinig bago ako mawalan ng malay.
-----
@suhojames004
![](https://img.wattpad.com/cover/59859036-288-k718831.jpg)
BINABASA MO ANG
Chess Pieces #BSAwards2017 #BestBloodyAward [COMPLETED]
AksiSA PAGKAWALA NG ISA. MAY PAPALIT.. SA MATAGAL NA PAGHAHANAP.. ITO'Y MATATAGPUAN.. SA HABA NG PANAHONG PAGHIHINTAY.. MATUTUPAD ANG PANGARAP.. SA TAGAL NA ITINAGO AT NILIHIM.. ITO AY LALABAS DIN.. HINDI ITO SIMPLENG KWENTO NA TUNGKOL SA MGA GANGSTERS...