14. Welcome To My Life ..
Alexa's POV
Masarap gumising sa umaga na alam mong may mga taong naghihintay sayo. May mga tao kang karamay at pinagkakatiwalaan.
Muli nilang binuksan ang manhid at bato kong puso. Muli nila akong tinuruang magtiwala.
Nag ayos ako ng sarili bago bumababa. Nadatnan ko sila Lyka at Regina na nagpeprepare ng kakainin. Sya pala nandito na kami sa Resthouse ni Mr. F. Gabe na kami nakarating dito kahapon.
"Good morning!" bati ko sa kanila.
"Good morning Alexa." balik nilang bati at nagbeso beso kami.
"Tulungan ko na kayo dyan."
"Sure. We need it." pabirong sabe ni Regina.
"Nasaan pala sila Steven?"
"As asual tulog pa rin. Tanghalian na yon lalabas. Mga señorito eh." sagot ni Lyka kaya natawa ako.
"Pero si Richmont, nasa garden nagkakape." dagdag ni Regina. When I heard his name, nag iba na naman ang tibok ng puso ko. Sh*t! I hate this feeling.
"Wait lang girls. Check ko lang yong niluluto ko ha baka masunog." saad ni Regina at pumunta sa kalanan.
"Bakit ka natahimik? Dahil ba kay Richmont?" biglang tanong ni Lyka.
"Ha?"
"Napapansin ko ang mga kilos mo kapag malapit si Richmont. Parang laging malalim ang iniisip mo."
"Hindi no!"
"Ok! Sabe mo eh." saad niya na may kakaibang ngiti sa labi.
-----
Sabay sabay kaming apat kumain sa kusina. Wala pa sila Steven at Rain. Mukhang tama nga si Lyka, tanghalian na ang baba ng dalawa.
Habang kumakain, pasimple akong napapasulyap kay Richmont na tahimik lang kumakain. Ewan ko ba! Nitong mga nakaraang araw. I like to see his face. Gusto ko lagi ko syang nakikita at natititigan.
"Regs pasulyap este paabot nga ng kanin." sabe ni Lyka na kahit hindi sakin nakatingin, alam kong ako ang pinapatamaan.
"Hay! Naku! Lyka. Bakuran mo na bago makakuha ng iba." pang aasar pa ni Regina. Nakita ko namang napangiti si Richmont. Sabay tingin sakin kaya nailang ako at tinapos agad ang pagkain.
----
Nakaupo lang ako sa swing sa garden. Nakakamiss talaga ang ganitong buhay. Simple. Tahimik. Walang amo. Walang sakit. Walang aalalahanin.
Pinikit ko ang mga mata ko para damhin ang ihip ng hangin nang may maramdaman naman akong umupo sa katabing swing. Pero di ko to pinansin.
"Sarap ng buhay kapag ganito no." Tama ang hinala ko. Base sa amoy ng pabango at boses palang kilala ko na kung sino ang umupo sa swing.
Si Richmont.
"Nong nagsisimula palang ako bilang isang fighter, binuhos ko ka ang lahat ng makakaya ko para matuwa ang tatay kong si Mr. Gonzales." Teka! Bakit nya to kinukwento? Alam ba nyang gising ako? Didilat na sana ako ng magsalita ulit sya. "Tulog ka naman diba? Kaya papakinggan mo akong magkwento. Kapag gising ka kasi lagi kang galit sakin na akala mo may nagawa ako sayong napakalaking kasalanan."
Mas pinili kong manatiling nakapikit. Hinihintay ang mga susunod nyang sasabihin. At di naman ako nabigo dahil muli syang nagsalita.
"I was seven years old ng iwan ako ng tatay ko sa ampunan. I was crying out loud every night. Wala kasing nagawa si papa kundi iwan ako sa ampunan dahil iniwan kami ni mama dahil sa isang lalaki." Tumigil syang muli ng ilang minuto.
"Di nagtagal, nakapag adjust ako sa loob ng ampunan dahil sa isang bata na nagturo sakin kung paano makisama. Paano ngumiti. At paano maging masunurin. Naging masyado kaming malapit sa isa't isa. She was my very first girl bestfriend."
"Nong nag eleven kami pareho, kinuha ako ni papa. Ayoko na sanang sumama sa kanya dahil maiiwan ko ang kaibigan ko pero pinilit ako ni papa. Akala ko magandang buhay ang ibibigay nya sakin pero nalaman kong isa pala sya sa mga taong pinaglalaruan ang buhay ng mga tulad nating bata. Isinali nya ako sa Barracks at di ako pinakilala bilang anak."
"Dahil sa kanya, naging basagulero ako, natututong magbisyo at pumatay. Tanong ko sayo, masama bang magalit ako sa kanya?" Gusto ko sana syang sagutin pero ang alam nya tulog ako. Baka magalit sya at sigawan ako pag nalaman nyang kanina pa ako gising.
"Nalaman ko din, kinuha nya ang kaibigan ko sa ampunan at pinangalanan nyang Lily. Nong una, naniwala ako sya ang kaibigan ko. Naging kami pa nga dahil sya ang unang babae na nagparamdam sakin ng pag ibig."
"Pero, nong dumating ka. At lumabas sa eksena si Lyric bilang Paul. Doon na ako naghinala. Alexa ----"
"Richmont! Richmont!" narinig kong sunod sunod na sigaw ni Rain.
"Thank you sa pakikinig. Kahit tulog ka." saad nya at naramdaman ko ang mainit nyang hininga sa noo ko. Naramdaman ko din ang isang dampi ng halik. "Welcome to my Life Alexa."
----
Richmont's POV
"Ok Mr. F sabihin ko nalang sa kanila." saad ko bago binababa ang phone.
"Anong sabe ni Mr. F?" tanong sakin ni Rain.
"Call them. May importante akong sasabihin." sabe ko kaya agad na tinawag nya ang apat..
Lahat kami ay nakaupo sa sala ng resthouse. They are staring at me. Naghihintay lang sila ng pagsisimula ko.
"May dalawang mahalagang bagay na sinabe si Mr. F sakin kanina. Yong isa ngayon magaganap at yong isa, pagkatapos ng isang buwan." panimula ko.
"Unahin mo na yong mangyayari ngayon." sabe ni Regina.
"May pupunta daw dito, isang writer ng DC Magazine. Kukuha ng interveiw about us."
"Sounds interesting." sabe ni Steven.
"But we can't give our personal information. Kaya kailangan magsuot tayo maskara." saad ni Alexa.
"Right! And be careful sa mga sasabihin natin hindi natin alam ang tunay na plano ng DC tungkol sa surprise interview na yan." dagdag ko.
"Done with the interview thingy, how about the event that will happen after one month?" tanong ni Lyka.
"DC make a game. An extraordinary game." sagot ko.
"Extraordinary game? Wala namang normal na laro ang DC. Laging patayan. Laging may dugong aagos." sabat ni Rain.
"This is not a normal extraordinary game. Its a survival game."
"Survival game?" tanong ni Regina.
"A game of life and death. Kailangan mong pumatay para hindi ka mapatay."
"Ano?"
"More informations will tell by Mr. F kapag nakabalik na tayo sa Frosted. By now, kailangan nating unahin ang interview." saad ko nang makita ko ang mukha nila. Kahit ako, kinabahan ng marinig ko ang Survival Game na yon.
----
@suhojames
BINABASA MO ANG
Chess Pieces #BSAwards2017 #BestBloodyAward [COMPLETED]
AcciónSA PAGKAWALA NG ISA. MAY PAPALIT.. SA MATAGAL NA PAGHAHANAP.. ITO'Y MATATAGPUAN.. SA HABA NG PANAHONG PAGHIHINTAY.. MATUTUPAD ANG PANGARAP.. SA TAGAL NA ITINAGO AT NILIHIM.. ITO AY LALABAS DIN.. HINDI ITO SIMPLENG KWENTO NA TUNGKOL SA MGA GANGSTERS...