C8

329 33 15
                                    


8. New Friend ..

Alexa's POV

Medyo magaling na ang sugat ko sa bandang tiyan kaya ngdesisyon na kaming pumasok sa school. Baka kasi makahalata pa ang mga BM sa pagkatao namin.

Nakatambay lang ako sa campus mag isa. Wala kasi kaming klase ngayon pero yong lima, meron. Fourth year kasi sila samantalang ako third palang.

"Hi!" bati sakin ng isang estudyante. Sa tinagal tagal ko dito, ngayon lang may kumausap sa akin.

Tinitigan ko lang sya. Ayoko kasing kumausap kahit kanino dito sa school. Walang dapat pagkatiwalaan dito dahil wala ako sa ordinaryong eskelahan kaya walang ordinaryong estudyante dito.

"Im new here. Transferee. Walang gustong kumausap sakin kaya sana ikaw ang unang kumausap. By the way, I'm Paul. Third year student. Ikaw?" Nang marinig ko ang pangalang Paul, napatingin ako sa kanya.

"Paul?"

"Yes! Paul Domingo." Lalo akong nagulat nang banggitin nya ang buo nyang pangalan.

"Paul Domingo?"

"Yes!" Nakangiting sabe nya.

"If you don't mind, pwede magtanong?" saad ko.

"No problem."

"Galing ka ba sa ampunan?" nag aalangan kong tanong.

"Yes! Paano mo nalaman?" tanong nya.

"Kasi, galing din ako sa ampunan. And I have a friend na Paul Domingo ang pangalan."

"Ha? Saang ampunan ka ba galing?"

"San Agustine Homes." Nanlaki ang mata nya sa sinabe ko. Ibig sabihin, sya ang Paul na kilala ko.

"Ano bang pangalan mo?"

"Alexa Ramirez. Pero sa ampunan, ang pangalan ko ay Hazel."

"Talaga? Ikaw ba talaga ang kaibigan ko sa ampunan?" tuwang tuwa nyang tanong.

"Oo!" Walang ano ano'y niyakap nya ako bigla.

"Miss na miss na kita Hazel."

"Call me Alexa."

"Ok! Alexa!"

Nagulat ako ng may biglang humatak sakin. Nagulat din si Paul kaya napatayo sya.

"Dude --"

"Wag kang mangingialam dito. Di kita kilala." sigaw ni Richmont. At hinila ako papuntang likod ng isang building.

"Ano ba? Bakit bigla bigla kang nanghihila ha? Anong problema mo?" sigaw ko.

"Sinong nagsabe sa'yo na makipag usap ka sa iba? Lalo na sa estudyante ng eskwelahan na to?"

"Ano naman sayo? Hindi mo ako pag aari para pagbawalan at hawakan sa leeg."

"Hindi kita hinahawakan sa leeg. Ayo--"

"You know what, lagi kang ganyan. Wala akong ginagawang masama pero lagi kang galit."

"Pinoprotektahan ko lang ang mga kagrupo ko."

"Pwes, wag mo akong pigilan sa mga gusto kong gawin." sabe ko at umalis na sa lugar na kinakatayuan namin kaso di pa ako nakakalayo muli syang nagsalita na naging dahilan ng paghinto ko.

"Ayoko lang mawala ang taong mahalaga sakin." Nilingon ko sya pero naglalakad na sya palayo sakin. Doon sya sa kabilang direksyon dumaan.

-----

Lyka's POV

Nakahiga lang ako sa dorm nang biglang nagvibrate ang phone ko. And like what I expected, si Mr. F ang nagtext. Sinasabe nyang may laban daw kami ngayon sa DC. Partners ang category. And I knew kung sino ang excited sa laban na to.

Hinanda ko ang fighting costumes ko at syempre, and arnis ko. Mahirap na kung bigla kang tawagin para sa surprise battle. Madami kasi talagang pauso ang DC.

Lumabas ako ng dorm at nakasalubong ko sila Steven at Regina. Mukhang ngiting tagumpay si Steven dahil may laban na sya. Ganon din siguro si Rain.

Nagkita kami sa likod na bahagi ng School. Naghihintay doon si Richmont at Rain. Pero si Alexa? Nasaan si Alexa?

"Nasaan si Alexa?" tanong ni Regina.

"Kanina ko pa nga din tinatanong tong si Richmont pero ayaw naman sumagot." naiinis na sagot ni Rain.

"Alam nya naman na di tayo makakapasok sa DC kung di tayo kumpleto, nasaan na ba sya?" pati ako naniinis na din.

There's a rule kasi na kailangan kumpleto ang anim na miyembro ng isang grupo bago makapasok sa DC. at dahil kulang kami, kailangan namin hanapin si Alexa.

"She's with her new friend." biglang sabe ni Richmont.

"Ano? Anong new friend? May kaibigan sya sa school na to?" Hindi umimik si Richmont kaya alam na namin ang sagot.

"Fine! I look for her. Hindi maganda ang pakikipagkaibigan nya sa ibang tao dito. Lahat ng estudyante dito, galing sa ibat ibang organisasyon." saad ko.

"Wag mo nang subukan. Sinubukan ko na din syang kausapin pero nagalit lang sya."

"Wow! Lily's look a like, ha?"

"Pero Richmont, kailangan natin syang ingatan. Hindi pa nya ata alam ang kalakaran dito." sabe ni Regina.

"Dapat kasi sinabe na natin sa kanya na alam ni Mr. Gonzales ang identity nating Chess Pieces. Mamaya paing lang nya yon." saad naman ni Steven.

"Susubukan ko pa din." sabat ko at nagsimulang maglakad para hanapin si Alexa.

-----

Nakita ko sya sa isang garden na kausap ang isang lalaki na nakatalikod. Lumapit ako sa kanila.

"Lyka sya ---"

"We need to go." pagpuputol ko sa sasabihin nya.

"O? Kailangan nyo na atang umalis. Sige mauna na ako." paalam nong lalaki.

"Sige Paul. Bukas nalang ulit."

Umalis na yong lalaking tinawag nyang Paul. Tumingin naman sya sakin ng masama.

"What?" irita kong tanong.

"Bakit ka gumanon? Gusto ko lang makilala mo si Paul."

"Wala akong pakialam sa ibang tao dito sa school. Dahil hindi sila katiwa tiwala. As long as hindi kami parehas ng Organization na sinasalihan wala akong balak na kilalanin sila."

"Pwes ako may tiwala kay Paul. Kababata ko yon sa ampunan."

"Pero iba ang organisasyon nya, Alexa. Hindi mo alam ang buhay nya paglabas nya sa ampunan."

"Wala akong pakialam sa inyo. Wala kayong karapatan para diktahan ako." sabe nya. Biglang umiinit ang ulo. Parang gusto ko syang bugbugin.

"Lyka!" Biglang may humawak sa braso ko. Si Steven.

"Ikaw! Didiktahan mo din ako?" pagalit na sigaw ni Alexa sa kanya.

"No! Pero sana hindi mo kinakalimutang may grupo ka na naghihintay sayo." halata sa boses ni Steven na pinipigil nya ang magalit. "May laban tayo sa DC. Kaya sana pumunta ka dahil di kami makakapasok kung kulang tayo." dagdag pa nya bago ako hilahin palayo sa babaeng yon.

"She hits your temper right?" tanong nya sakin.

"Like Lily did to me when we met at first time."

"She had Lily's attitude." saad ni Steven kaya pareho kaming natahimik.

-----

ahahaha!

kakapikon ba si Alexa?

@suhojames004

Chess Pieces #BSAwards2017 #BestBloodyAward [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon