Shocks! Wala ng Colgate! Shet naman, kung kailan ako nagmamadali.
"Law! bilhan mo ko ng Colgate, dali!!" sigaw ko sa nakababata kong kapatid. 3rd year high school, na kanina pa hawak yung phone niyang de keypad.
"EEEEH, nakauniform na ako eh!!" sabi ko na nga ba, yan yung katwiran ng bubuwit na to .. Kasi mamaya maya eh papasok na siya ng school. Eh bat kasi nagbibihis kaagad eh hindi pa naman siya aalis!!!
"DALIAN MO NA!!, Malalate na ko!!!!" argh. Napakatrapik pa naman! Kahit 10 na ng umaga..!
Hindi ako pinansin ng g*go.. ! Bat ba kase lalaki ang kapatid ko!!!
"Ano ba Lawrence!!! Bibili ka lang naman ng Colgate!!!"
"Lawrence, bilhan mo na ng toothpaste ang Ate mo.." sabi ni Papa na nanonood ng NBA.
Tumayo na ang loko na nakabusangot at binigay ko naman yung perang pambili. Yes, I win. Haha.
Habang naghihintay sa kapatid ko, nakinood ako sa pinapanood ni Papa.. Oh My G!!! Who is that guy having grey eyes?!! Ang cute niya, ang gwapo. Kahit yung buhok niya kulot , as in kulot na kingki, ang cute niya pa rin!!!
"Pa, sino yang number 30 ba yan, Curry?! Anong team ba yan? Golden S--"
"Ah sa Golden State Warrior anak, si Stephen Curry. Bakit na naman?"
"Golden State Warriors? Ngayon ko lang narinig yang team na yan" kasi naman ang mga kilala ko lang na teams sa NBA, ay Miami Heat dahil kay James Lebron, shet yun ang galing magthree-points, magdunk and all, yung Lakers, Bulls at mga pamilyar na logos na pag nakita ko alam kong magaling yan, may ibubuga.. Pero eto?
"Matagal ng hindi nananalo ang team na yan.." sabi ni Papa, sakto namang nag three-points shot si Curry. Wow. Ano ba ang score? Shucks. Lamang sila?!!!
"So may new members sa team na yan?"
"Oo.. Kaya nakikita mo naman, malaki ang inprovement.. Sa nakikita ko hindi pasikat yung mga shoot nila, madalang sila mag-dunk.. At vfjijbdswtyopkn.."
Hindi ko na narinig ang iba pang sinasabi ni Papa, ganyan yan pagdating sa basketball kaya nga nakilala ko si James Lebron dahil sa kanya hehe, ang galing talaga ng Warriors lalo na si Curry. Yes may bago na naman akong idol sa basketbol. Ilang minuto na ata ang lumipas at mukhang may nakakalimutan ako. Napansin kong nakaupo na sa sofa si Lawrence na nakikinood din pero susulyap sa phone niya siguro kung may nag-text. What?
"Hoy! Nasan na yung colgate Lawrence?!"
"Ayan oh sa lamesa!!! Nood ng nood ng tv"
"ARGH. LATE NA KO!!!"
-----------
Waaah. Ang saya rin palang mag soft ball. Ang saya pag nakakatira ka ng bola. May pagkamabigat nga lang yung bat. Hindi ako sporty na tao, may pagkalampa ako at tamad. Kaya, really ordinary..
"Sun!! Sun!! Si Blessed na yung titira!! Makakatira kaya siya? Isa lang kasi natamaan niya nung practice ehh, kung real game na kaya? Hihihi" tapos na kami ni Ros, magkagroup nga pala kami, nanalo ang group namin, si Less lang ang naiba ng group samin, Nakatira ako sa pangalawang beses, kaso nga lang hanggang first base lang ako at nataya pagkasecond base ko dahil ang bagal ko tumakbo. Eto namang si Ros nakaikot, eh di siya na sporty.
"Tumigil ka nga Ros, makatawa ka dyan, akala mo napakagaling"
"oh wag ka iyak.." pang-asar talaga tong bruhang to. Hindi kami member ng softball club, P.E subject lang namin to. Nung first year kami, swimming ang class namin, jusko, buti nakapasa pa kami ni Less dun.
BINABASA MO ANG
A Story and Treasure
Teen FictionSa araw-araw na ginawa Niya, isang ordinaryong babae ang nagbago.