Sunday

12 4 0
                                    


"Ate, maghugas ka na! Ano yan, ganyan ka na lang maghapon?" napatingin ako sa kapatid ko mula sa pagbabasa ko ng ebook sa phone ko, nasa climax na eh, shems! Ang gara nang suot. Aba, saan to pupunta? May date ba siya kay Bonnie?

"Saan punta natin bata huh? Date kayo ni Bon?"

Namula naman siya sa sinabi ko habang nakatingin sa salamin at inaayos yung polo niyang kulay blue. Suot niya yung pinakamaganda niyang blue jeans. At naka-Under Armour shoes ang bata. Minsan niya lang suotin ang mga yan.

"Tss, kung pwede nga lang sana.." sabi naman niya, nagperfume na siya na sobrang tapang, ayaw ko pa naman ng ganyang pabango sa lalake, nakakasulasok lalo na pag nasa aircon bus ka at may katabi ka na ganyan ang amoy, o kahit anong sasakyan na may aircon.

"Bat naman hindi pwede? Hangang hanga ka nga sa sarili mo, halos maging narcissist ka na dyan.. " sabi ko sabay balik ko sa pagbabasa ko sa phone ko.

"Ano? Anong narcissist?" tanong naman niya. Habang inaayos yung bag niya, chinicheck niya ata kung may kulang pa.

"Bobo neto, nag-aaral ka ba? Pinapag-aralan niyo na ang Greek Mythology. Si narcissus ay nainlove sa kanyang sarili doon sa repleksyon niya sa ilog hanggang sa gusto na niya itong sunggaban, tuloy nahulog at nalunod siya sa ilog. Tinawag na Narcissist ang mga taong patay na patay sa sarili niyang hitsura."

"Ah, greek mythology, tanga naman nun, hindi ako ganun katanga, di ako nakikinig sa time namin sa English, malamang, pakelam ko sa hunghang na yan" sagot naman ni Law na handa nang umalis.

"Saan ka ba pupunta? 9am pa lang ah, ang aga naman niyan para makipagdate ka." tanong ko ulit sa kanya, Dahil di niya pa rin sinasagot yung tanong ko.

"SUNSHAYN!!! ANO BA HA?! PAAAMAGIN MO NA LANG DITO YUNG MGA HUGASIN?!" sigaw ni Mama, ok highblood na siya. Um-Oo ako kay mama na maghuhugas na, at chinarge ko muna yung phone ko saka tumayo para pumunta sa kusina.

"Saan ba dapat pumunta pag Linggo? At saka drummer ako nuh. MA! PA! ALIS NA KO. ATE!" saka umalis na pagkatapos ni mama sabihin na ingat. What? Anong drummer?

Makapaghugas na nga ng plato ng matapos ko na mabasa kung aamin na ba si Zoro kay Sanji na mahal na niya ito. Kyaaaa!!!

"Pagkatapos mo dyan, magwalis ka ng salas tapos maglinis ka sa kwarto niyo, napakaraming nakakalat na damit, hindi ko alam kung malinis ba o marumi at bago ako dumating mag- jodfnggikpdn jhgg gcjfpxn hsxddpn"nagtalak lang si Mama habang nag-aayos siya ng sarili niya dahil mamalengke at bibili ng ulam namin. Ano ba naman yan! Iniwan ako rito ni Lawrence! Tumakas sa gawaing bahay! Kaya pala! Grr! Bakit ako lang ba ang nagkalat sa kwarto namin? Bakit akin lang ba ang kwartong yan?!

Namalengke na si mama at patapos naman na ko sa paghuhugas ng plato. Kaunti lang naman ang hugasin dahil di naman kami nagkakanin tuwing umaga, madalang lang, nagkakape at pandesal lang kami at hindi rin ngayon nakapagalmusal si Papa dahil mga 3am na rin siya nakauwi galing byahe. Isang company taxi driver si Papa. Tulog pa rin siya. Pagkatapos ko magwalis sa salas at ligpitin yung higaan namin ni Law. Nagbasa na ulit ako sa phone ko. Di ko namamalayan, gising na pala si Papa at binubuksan na yung TV. Nasa salas ako at nagchacharge ng phone habang nagbabasa. Mabilis malowbat ang lecheng phone ko na to. At pag na empty batt. bigla na lang mamamatay. Kaya badtrip pag ganun. 1 year na rin kasi tong phone ko at di ko pa napapalitan ng battery dahil malamang walang pera, pinangbili ko ng diary ng panget book kompleto ko yung apat at yung 2nd book ng talk back your dead, may balak pa kong bumili pag nakaipon ako.

"Nasaan ang Mama mo?" tanong ni Papa. Nanonood siya ng NBA ulit, wala ata tong ibang pinapanood kundi balita at basketbol, isali mo na ang boksing. Hays. Malamang saan pa ba mapupunta si Mama?

A Story and TreasureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon