Crushes

19 4 0
                                    


"Hindi na dapat ang araw at buwan ang maging tanglaw mo sa pang-araw-araw kundi sino?"

Nandito ako ngayon sa linear park kasama si Misty at ang kasama niyang si Elizabeth. Eh di ayun nagr-group cell kami. Alam ko naman lahat to eh. Kung paano maging mabuti at masama. Ang dami dami ko nang nabasang novel at anime, maging manga at kung anu-ano pang panoorin.

" Punta ka bukas ng 10 am huh.. Hihintayin kita roon" sabi ni Misty, sa wakas natapos din to, syempre rumerespeto naman ako sa mga ganitong bagay, pero pwede namang tuwing Linggo lang at personal na magdasal?

"Sun, bukas ha?"

"Sun, kwentuhan mo na tayo, anong time ba ang class mo?" tanong naman ni Elizabeth.

Tumayo na ako para pumunta sa next class ko kahit maaga pa lang. Na-aawkward ako sa pagiging masyado nilang mabait. Sawang sawa na nga ko kay Blessed.

"Ah meron pa kasi akong pupuntahan, sige una na ako. Thanks Misty, Elizabeth. Bye." kinuha ko na ang bag ko at patakbong umalis. Narinig ko pa si Misty na pumunta raw ako bukas sa church nila.

-----

"Pssst, mag-sorry ka na kay Less!"

"Ros, mamaya na ha? Alam mong may report ako!! At nirereview ko to!!" inis na sabi ko sa kanya, nandito kami sa chapel ng university at 30 min. na lang class na namin. Nasa 2nd floor lang naman east wing yung room namin kaya yakang yaka takbuhin pag andyan na si maam. Nasa tapat lang naman ng building etong chapel. Tahimik dito mag-aral.

" Akyat na kaya tayo? Naroon na mga classmates natin. Ang boring mo na kasama ehh.." hindi ko lang siya pinansin.

"Ui gwapo oh!!!" bulong bigla ni Ros after 1 min. nyang manahimik. Naman.

"Saan?!" tanong ko ng matapos na.

"Ay wala na pero alam mo kamukha niya yung sa Wolf na si shlmbcfuobb cfdafi"

Anak naman ng. Paano ako makakapagreview neto?

"Milagr----"

"Ui Blessed!!!" sigaw bigla ni Ros at hayun nga papalapit na samin.

"Uhm Sun..." simula niya. Nanahimik lang si Ros. Iniligpit ko na ang mga gamit ko at tumayo.

"Not now Blessed, may report ako at hindi ako makapagconcentrate kay Milagrosa, mauna na ako sa classroom, hep hep dont talk Ros, please wag niyo muna akong susundan. Geh" at tuluyan na akong umalis at dumiretso sa classroom.

-----

" Okay ka na sa report Paz?" nagulat ako dahil nasa harap ko si Levi, nakasuot siya ngayon ng checkered long sleeves na brown with something na dirty white. Lalo siyang pumuti sa suot niyang yan, hiyang hiya yung kutis kong morena sa kanya, At ganun pa rin yung buhok niya na kasingkulay ng gabi at parang masarap haplusin. Naka justinbieber style siya na bangs, ganyan pa rin ba ang bangs ni bieber? At naka ripped jeans and converse siya. Mabango siya ngayon, malamang ilang beses lang naman kami nagkakalapit ng lalakeng to. Hindi naman halatang siya ang crush ko rito sa classroom. Tinatanong niya ako ngayon dahil partner kami sa reporting hindi dahil concern siya sa akin. Assuming lang ako na may gusto siya sa akin. Why not? Ahehe.

"Oh hey Levi, ahh medyo ehh, nirereview ko pa ng mas mabuti, ikaw ba?" Shucks. Ang singkit ng mata niya. So cute, by the way.

"I feel ready, I think. Perhaps, bcause you are my partner." teka nag-wink ba siya sa akin? Wag paasa kuya huh.

Biglang sinunggaban ni Dan si Levi at halos mapasubsob siya. Naksuot lang siya ng grey t-shirt at simpleng itim na pantalon, kulot ang buhok ni Dante na may pagkabrown, baka natural na yun sa mga kulot. At isa rin siyang mistiso at mas matangkad kay Levi.

A Story and TreasureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon