Henry Abalos. Matthew Jan Borromeo. Nag-aantay sa entrance gate at nakaupo sa benches. Sino ang inaantay nila?! At nag-iintay ba ang mga katulad nilang pabibo at epal?! Ano ba yan. Awkward naman, eh kailangan ko ring mag-intay dito eh para kay Levi. Alangan namang tabihan ko sila. Nang mamataan ako ni Henry, oh ship. Ngumiti siya ng malapad at kumaway.
"SUP SUNSHINE!" Ang pinakabibo sa pagrerecitation at pagrereport. Ang dami niyang alam. Napakafriendly at napakajoker. Napatingin na rin si Matt mula doon sa phone na hawak niya. "uy nandyan na pala si Sun." Ngumiti na rin si Matt. Isa sa mga raketero at laging nanghihiram ng pamaypay, at madrama sa kanila, na nakakainis kasi ang corny niya. Lumapit na ako sa kanila kasi wala naman na akong magagawa.
"Anong ginagawa niyo dito?" Naupo ako sa tabi nila. Kinuha ni Henry yung phone na hawak ni Matt.
"Mangchichicks hehe! Joke lang!" Patawang sabi ni Matt. Kailan ba hindi kayo nagtingin sa mga babae dito. Ang alam ko may bago na namang girlfriend tong si Matt.
"Talaga ba? Joke yun." Walang katono-tonong sabi ni Henry. Sa kanilang lahat, kay Matt sila sobrang hard, grabe pagtripan. Oo, napapansin ko yun kasi stalker ako ni Levi, at lagi naman kasama ni Levi ang mga to. Tsk tsk.
"Sumakay ka naman pare!" Hinampas lang siya ni Matt sa balikat. Wala lang naman ito kay Henry at umiiling lang ang ulo.
"Eto real talk bhe" Sabi ni Henry at umakto pang umayos ng upo paharap sakin. Pksht, sabog ba to? Nakakabanas to minsan pag kausap. Anong real talk, ang tinatanong ko bakit sila nandito." Gusto ko na talagang makagradweyt kaya nakikicooperate kami sa thesis. Seryoso na to woooh" Tapos kinuha niya yung isang envelope na pagkakapal at nilabas ang survey questionnaire. Ta*, siya ata ang mas madrama kaysa kay Matt. P*tris, 2nd year pa lang kami, graduate na agad sa isip niya.
"Nice yan Henry, good boy na kami Sun." Tawang pagkakasabi ni Matt. Argh. Mga buang mga to. Nakitawa na rin ako, makiride sa kalokohan nila.
"Ah magpapasagot din kayo ng survey, ako rin eh, para naman may maitulong ako sa group namin." Sa totoo niyan para kasing ang konti nang naitutulong ko sa thesis, minsan tinatama pa ni Less yung mga mali kong naipapasa na binigay sa aking parte na gawain, sa kanila. Kami ni Levi at Karl ang naassign sa pagpapasagot.
"I feel you girl!" Oo, ganyan siya magsalita, pero maniwala kayo totoong lalake si Henry, straight as in. Pero kung makatawa, ang tinis, alam mo yun, tawa siyang panglalake pero matinis, basta ang lakas neto tumawa at ang babaw niya. Mistiso ang lalakeng to, di siya kagwapuhan pero ma-appeal, hindi siya singkit, matangos, mapula pula ang pisngi nito na may konting mga tigyawat, mukhang rich, nakabraise ang ngipin at mahilig mag-cap pero di gaya ni Omi, pangjaporms niya lang talaga ang cap niya at minsan paiba-iba ito. "Hahaha! Ako nga walang ina-assigned sakin! Eto palang!"
"Kalokohan, badtrip na badtrip na nga sayo si Amy wala kang naiambag" Si Matt naman, masipag naman yan, pero di mo yan makikitang single, laging may jowaers, siya ang pinakapoorito sa kanilang lahat. May hitsura naman si Matt at minsan may side siya na gwapo, maputi pero dahil ata sa raket niya eh nangingitim, clean cut ang buhok, maganda ang katawan. Di gaya ni Henry na may pagkataba at di ganoon katangkad. Sakto lang ang tangkad neto ni Matt.
"Pansin mo pala? Hahaha. Oy may pinapasa ako sa kanya ah."
"Mali mali naman. Di niyo rin mapakinabangan."
"Aww! Di nga kita nakita na nag online sa FB once. "
"Busy ako, saka wala kaming computer sa bahay. Ikaw nga maghapon nakatutok sa iPhone mo. Ano kinalaman nun sa pinag-uusapan natin? Labo mo."
"B*bo kung di ka nagoonline, paano mo ipapasa sa kagroup mo yung inassigned sayo na chapter?"
Takte, ano bang pinaglalaban ng mga to?! Pareho lang naman silang walang ginawa. Hanggang sa may sarili na silang mundo at kung anu-ano na pinag-uusapan. Nakakarindi, sa totoo lang. Si Matt daw Toronto, si Henry, Warriors. Anak ng di pa naman magkalaban ang dalawang yun. Siomai, magandang si Ros ang nandito.
BINABASA MO ANG
A Story and Treasure
Teen FictionSa araw-araw na ginawa Niya, isang ordinaryong babae ang nagbago.