Pinapakinggan ko lang kung gaano siya kabadtrip at kastress sa school niya. Nakayakap ako sa may likod niya at pinulupot ang braso sa leeg niya. Kahit ang hirap ng posisyon ko duh, nakaluhod kaya ako at dinadagan ko na lang ang bigat ko kay Ace pero di naman niya alintana. Gusto ko lang kasi yakapin siya mula sa likod kasi ang ganda ng view at amoy na amoy ko pa siya. Sarap panggigilan pero... Nakaupo kami dito sa kama niya at nanonood ng movie. Tuwing linggo ng hapon na lang kami nagkikita.
Pinipilit niya pa nga ako paalisin sa likod niya pero ayaw ko. Nakakatuwa kasi pag nagpopout siya. Akala ko nga bakla to nung high school dahil ang hilig ngumuso.
"Tapos tuwing Sunday lang kita nakikita... tsk, di ka naman nakikinig eh! Ako lang ba affected dito?!" Kumunot ang noo niya. Napapansin ko din na nagiging bugnutin ang lokong to.
"Affected saan?" Ang bobo kasi, bakit Engineering pa ang kinuhang course kung mahihirapan siya ng ganyan. Sarap batukan neto lagi.
"Ba naman Mila! Mukha ngang hindi, wala lang sayo!" Galit na ang mukha niya. Hala, anong ginawa ko sa buang na to. Napakabipolar. Umalis na ako sa pagkakayakap sa kanya at hinawakan ang mukha niya para humarap siya sakin pero ayaw niya. Nagtampururot.
"Kung stress ka na sa studies mo, eh bakit di ka na lang mag-shift bhie! Tignan mo ang dami mo ng crinkles!" Pero joke lang yun. Makinis pa ang balat ng babe ko. Baby face pa din pero may eyebags eh. Stress Baby face na siya.
"What crinkles?! Mila naman eh, di ako nakikipagbiruan! Ni hindi mo alam kung ano yung tinutukoy ko!" Tinignan niya ako na inis na inis. Badtrip na si mahal.
"Crinkles! Yung guhit sa mukha, my gash, Engineering ka, di mo yun alam!"
Napahilamos siya ng mukha at umungol nang malakas.
"Lintek naman Mila." Humiga na lang siya at tinakpan ang mga mata. Haaay ang pogi niya pa tuloy lalo dahil ang serious niya. Kahit nakapambahay lang siya especially nakaboxer siya. Gaaah. Manyak me. Lagi kasi yang joker, puro biro.
Humiga na din ako sa tabi niya at pina-pat yung ulo niyo. Gusto neto binebebe.
"Bakit ayaw mo na lang kasi lumipat sa university namin? Para lagi tayo magkasama" Alam kong hindi lang dahil sa studies naiistress tong si Ace. Di ko mapaliwanag kung ano.
Tumingin siya sakin at hinawakan ang mukha ko. No. His eyes is kakaiba. No. Di ako mahuhulog diyan. No!
"Kung pwede lang sana Mila, kung ganoon lang sana kadali, para lagi tayong ganito." Pumaibabaw siya sakin. At hinalikan ako. Sa tuwing gagawin niya yun, parang lagi kong first time. Oo, we did that. Alam kong mali, lalo nung nakilala ko si Blessed at sobrang naguguilty ako dahil ginawa ko yun. Kahit hindi pa kami mag-asawa, ginawa namin yun. Hinayaan ko mangyari yun. At maswerte ako kasi di ako iniwan ni Ace pagkatapos niya makuha yun. Dahil di lang isang beses yun nangyari.
Ginantihan ko lang ang ginawa niya. Hinawakan ko ang malambot niyang buhok. Lalong nagiging torrid ang halik niya. Para bang uhaw na uhaw siya. Matagal na niyang hinahanap. Bago din to sakin, dahil noon malumanay at may hiya pa sa tuwing ginagawa niya ang paghalik.
Medyo nagulat siya ng itinulak ko siya at ako ang pumaibabaw. Kitang kita ko sa mata niya ang pagnanais.
"You are really strong babe..." Well, wala siyang magagawa, isa akong sporty na tao. Saka naitulak ko lang siya dahil hindi na siya in-control sa katawan niya. Nagulat siya yung niyakap ko lang siya at sumiksik sa kanang side ng leeg niya. Idinampi ko lang ang labi ko doon at di na gumalaw.
"Tsk. What the heck are you doing?" Ang husky na ng boses niya. Ewan ko kung anong nangyari at tinamaan ako sa sinabi ni Blessed at ayaw ko na ng ganito. Ilang linggo na namin hindi iyon ginagawa dahil palagi naman ako nakakalusot na kailangan ko na umuwi. "Mila, nauubos an----"
"Ssh. Naantok ako."
"What?! Sh*t. Anong oras pa lang?!" Bumalik na yung tono niya ulit na badtrip. Kahit ako, di ko na rin maintindihan si Ace. Mahirap ba talaga ang LDR? "Get off."
"Ayaw." Pagmamatigas ko. Gusto ko lang ganito. Yakapin siya. Ganito kalapit. Saka para namang ang bigat ko.
"Kung ayaw mo, bigyan mo ko ng pabor at bumangon ka dyan!"
"Bakit matigas na ba? Hindi pa naman ah?" Duh nakadagan ako sa kanya kaya alam ko.
"Oh f*ck. Lintek ka talaga Mila" Naramdaman kong napahilamos siya ulit nang mukha.
"Oh noes. Stop mo yang pagpupunas mo sa mukha mo! Papangit ka nyan!" Patawa kong sabi. Nagmura uli siya pero di ko narinig ng bumangon siya pero inalalayan lang ako na mapaupo ako sa kandungan niya.
"Mababaliw ako sayo Mila. Umuwi ka na, if you want." Monotone lang na sabi ni Ace. Hinalikan ko na lang siya bilang pambawi at bago na naman maging torrid. Dahil napapansin ko talaga na madaling mawala sa sarili si Ace sa ganitong bagay. Bumitaw na ako agad.
"Sorry Ace, kailangan kasi umuwi ako agad, magrereview pa ako para sa finals ehh." Syempre palusot ko lang yun, tagal tagal pa ng finals nuh.
"Yeah. Hatid na kita pauwi."
"Wag na, di pa naman ganoon kagabi ehh. Ang kailangan mo ay mag-rest dahil tignan mo yang hitsura mo bhie!!!" Inayos ko na ang shoulder bag ko ng yumakap siya sa likod ko. At hinahalik halikan ang leeg ko.
"Pero ikaw ang kailangan ko..."
Milagrosa kaya mo to! Labanan mo! Tiisin mo ang paglalambing ng mokong na to! Alam mong he wants that! And must be stop! Hinawakan ko ang ulo niya at ginulo ang buhok niya.
"Sorry Ace, kailangan ko na talagang umalis." Tumigil naman siya at binitawan na ako. Sinuklay niya lang ang buhok niya ng kamay niya at bumuntong hininga.
"Yeah... Hatid na kita sa labas..." At nauna na siyang lumabas ng kwarto.
Sorry talaga Ace. Pero this must be stop. Alam kong may mali. May mali sayo. Kailangan mong malaman yun sa sarili mo. Dahil duh di naman ako lalake.
----
Ilang linggo na hindi ko siya sinipot, nagtetext naman ako sa kanya at nagcacall kapag di ako pupunta. Pero ang totoo umiiwas ako para may iba naman siyang pagkaabalahan. Kahit ano. Mag-dota siya ulit o magparty party siya sa mga friends niya. Sa totoo lang, namimiss ko na ang dating Ace. Adik yun sa dota o LOL.
Araw na ulit ng linggo. Tawag siya ng tawag sakin at text na pumunta naman na daw siya sa bahay nila. Sobrang namimiss niya na daw ako. Iwan ko daw muna yung mga pinagbubusyhan ko. Medyo nainis ako dun kasi parang wala siyang pake sa studies ko. Well, wala naman talaga akong ginagawa at namimiss ko din naman siya.
Napagdesisyonan ko na sorpresahin siya. Kasi hate niya ang surprises dahil di daw siya ready. Bobo kaya nga surprise ehh.
Kinabahan ako dahil wala sa garage ang kotse niya. Mahal niya ang kotse niya, mas mahal pa niya ata yan kesa sakin. Pangalan nga niyan Miley. Bwst. Kaya agad kong pinindot ang pincode.
Mas lalo akong kinabahan nung wala sa lock ang pinto. May narinig akong ungol ng lalake. What the cheese is happening sa loob? Parang ayaw ko pumasok sa loob kasi alam kong di maganda makikita ko. My gush! He's doing that to himself?! Malala na siya. Well, normal din naman yun pero bakit kasi sa sala. Haaay makapasok na nga, maganda naman siguro ang view...... err.. Sinadya kong lakasan ang bukas ng pinto.
Mali ako ng hinala. Mas malala pa pala ang ginagawa niya.
Bakit?
Nagngitngit ang ngipin ko nang mahuli ko siya. Ngayon lang ako tumingin sa isang tao nang ganito. Namumuhi.
Hindi siya lasenggero. Ayaw niya nga ng lasa nun. Hindi siya babaero. Dahil sakin lang daw siya nagkainteres. Hindi siya manyak. Wala akong nakitang men's magazine sa kwarto niya pero.... lately nagkaroon pero naisip ko normal yun sa lalake.
Bakit?
Nag-ingit ang mata ko. Naawa ako bigla sa sarili ko.
Tumakbo ako palayo. Maganda ang bruhang yun sosyalin, makapal ang lipstick, nakahigh heels at may kulay ang buhok, di tulad ko na tomboyish manamit pero wag ka, alam kong hot pa rin ako tignan kahit nakajersey at maong shorts ako.
Wala na.
Wala na si Ace.
Wala na ang nakilala kong Ace.
Nasaan na si Ace?
BINABASA MO ANG
A Story and Treasure
Teen FictionSa araw-araw na ginawa Niya, isang ordinaryong babae ang nagbago.