Ros' Boyfriend

26 1 1
                                    


"What are you reading?"Nabitawan ko yung phone ko at narinig kong nag-woah si Levi at nasambot yun. Agad kong kinuha yung phone ko sa kanya. Nilock ko to agad at ngumiti kay Levi. Tinaasan niya lang ako ng kilay. Taray talaga nito.

"W-wala to. Nandyan ka na pala." Aligaga kong sabi at nakapokerface lang siya. Lagi naman.

"Ang aga mo naman, you are so early na naunahan mo pa ko." masungit niyang sabi at nagcross pa siya ng braso. Halos isang oras kasi akong maaga. Kaya habang naghihintay sa kanya sa gate. Umupo muna ako sa benches at nagbasa.

"Nge, sorry na." Tampo naman siya agad, ang cute talaga ng bf ko. Charot. Bf to be pa lang. Ehehehe. Kukuhanin na sana niya yung bag ko pero umiwas ako.

"Paz?! What the?!"

"Ano?!" Natawa ako sa ekspresyon ng mukha niya. Ang dali naman nitong mairita. Hahaha.

"Akin na yung bag mo" Mahinahon niyang sabi pero kilala ko to. Kilala ko mga ganyang lalake. Nagtitimpi yan.

"Eh wag na! Ayokong may hihila na naman sayo at di ko na alam kung saan ka hahagilapin" Nagsimula na akong maglakad. Natrauma na kasi ako na mawalan ng bag. Saka bakit ba kailangan buhatin niya? Eh ang gaan gaan naman nito. Kaagad naman siyang sumabay sakin.

"Hey, this is part of being a suitor so let me do it Paz!"

Di ko na siya nasagot dahil nakita ko si Ros. Nilapitan ko siya kaagad. Sinundan lang ako ni Levi at medyo gulat kasi tumakbo ako.

"Where the--- Luna?" di na natuloy ang sinasabi ng makulit na si Levi dahil napansin na din niya si Ros.

"Ros! Anong ginagawa mo dyan?! At anong trip yan?" Tanong ko kaagad sa kanya . Nakashades kasi siya at nakaupo dito sa ilalim ng puno. Anong drama to?

Medyo nagulat siya sa pagdating namin. At tumayo na kaagad.

"Uy!!! Nandito pala ang lovebirds!!!" Masigla niyang bati samin. Ugh. Di kami ibon.

"Hiding something?" Nakapamulsang tanong naman ni Levi. Ano daw? Napaka-inglesero naman ng isang to.

"Pakshet! Ang talino mo talaga Levs!!!" Sabay palo ni Ros sa braso ni Levi. Medyo napangiwi siya dahil alam ko masakit yun. Buang talaga to si Ros.

"Ano ba yang shades na yan? Oo mataas naman ang araw kaya wala namang masama. May sore eyes ka nuh?!" Sabi ko sa kanya. Takte, bakit pa siya pumasok?!

"Ang genius mo talaga Sun!!!! Lupet!!!!" Ako naman ang pinalo ni Ros. Anak ng--- anong nakain ng bruhang to?! Bago pa ko maghurumentado nagsalita bigla si Levi.

"You cried." Pokerface lang na sabi ni Levi na naka-cross arms pa.

"Uy ano ba kayo! Malalate na tayo sa class natin!!!" Pag-aaya agad ni Ros na parang walang sinabi na kung ano si Levi. Tumakbo na palayo si Ros papuntang main building.

"Ano---"

"I think just ask her later personally. She could have a big problem or just fooling around" Sabay hablot ng bag ko. Hala!!! Ang kulit talaga niya!!!!

"Kasi naman eh! Bag ko!"

"Habulin mo muna ko!" At tae tumakbo nga!!! Argh. Bahala ka dyan. Naglakad lang ako na nakabusangot. Ng mahagip ng paningin ko si Misty na may kasamang lalakeng naka-cap. Si Omi...

Oo nga pala, after nung eksena namin na madrama tungkol sa cap niya. Eh hindi niya naman sakin ipinaliwanag. Bigla ba namang sinalaksak sa ulo ko yung cap niya at sumigaw ng secret! Tapos nag-aya mag-jollibee. Tsk, ang bango nga nung cap niya eh pero agad ko namang pinasuot sa kanya yun at sinabihang siraulo. Leche, bakit kaya? May sentimental value kaya yun?

A Story and TreasureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon