Ace Gaspar

22 1 0
                                    

Haaays. Natapos din yung open cell namin ni Misty. Ano ba to? Aaraw arawin na? Bakit ko ba to ginagawa?! Eeeh!!!! Si Omi kasi masyadong pa-mysterious.



"S-sunshine!" Pamilyar ang boses na yun ahh. Palabas na ko ng oval at sila Misty at Elizabeth ay nandoon pa din. Si Levi kasama malamang yung katropapips niya, at ayaw niya daw umattend sa ganito. Ako rin ehh....
Lumingon na ako kung sinong epal ang tumatawag sa buo kong pangalan.



Anak ng!!! Di ba ako tatantanan nito?




"Ikaw na naman!!!"



Nag-pout siya. OMG , kalalaking tao nag-popout! At hinawakan ang ulo niya at kumamot na akala mo may kuto.



"Noon, ang bait bait mo friends nga tayo eh!"


Ay. Pabebe.



Kumunot ang noo ko dahil FC siya!



"Dati yun hoy, pagkatapos mong saktan bestfriend ko, gaganyan ka sakin!"


Lumungkot yung mukha niya at tumingin sa lupa at parang na-guilty naman ako sa sinabi ko.



"HEY ACE!" Nagulat naman ako sa sumigaw na parang galit at papalapit samin. Kilala niya to?!


"Ro-romeo----"



"ARGH! I SAID OMI! AND! WHAT ARE YOU DOING WITH SUN, BOTHERING HER LIKE THAT?!" Tinignan ko ng maigi ang nagagalit na mukha ni Omi. Gash! Bagay sa kanya! Bakit ganun?! Yung iba pumapanget pag galit pero pag siya almos---



"Sun, are you ok?" Lumingon siya sakin agad na concern na concern. Tinitigan ko uli ang mukha niya kasi ngayon ko lang din yan nakita. "Sun?" Speechless ako kuya.



"LOOK, WHAT HAVE YOU JUST DONE TO HER! THE LADY COULDN'T EVEN SPEAK, YOU, DUM--- SH--- agh. I hate you." Magmumura ba dapat siya? Bakit ayaw mo magmura! Tae! Magmura ka! Sure you look so d*mn hot!



"Romeo---"



"HOW MANY TIMES DO I HAVE TO TELL YOU, IT'S OMI!!!"




"Romeo, wala naman akong ginagawang masama sa kanya" pagpapaliwanag niya kay Omi. Natauhan naman na ako sa nangyayari.



"Romeo again! Fine! Ar---"



"Omi, kilala mo si Ace? Paano?"

Tumingin agad sa akin si Omi at ngumiti.



"Buti naman okey ka lang Sun, what did this ugly man---"



"Oy, bad words, ugly daw... At mas panget ka" pang-aasar ni Ace. Wait. Close sila ni Omi?



"You shut up!" Tinignan siya ng masama ni Omi. Umakma namang sisigaw si Ace sa may bandang side nila Misty na masayang kausap si Elizabeth.



"MIST----" Pasigaw na sana ni Ace ng Tinakpan agad ni Omi yung bibig ni Ace. "Nakakabanas ka! Pwede ba par!" At tinulak siya ni Omi na ikinatawa lang naman ni Ace. Napatitig na naman ako kay Omi kasi ngayon ko lang siya nakitang makipaglandian, I mean, makipagkulitan o magalit sa isa pang lalake. Ngayon ko lang nakita na may kasama siyang ka-ibigang, I mean, friend na guy. Kababasa ko ng yaoi ehh.

Napansin naman ni Omi na nakatingin lang ako sa kanila. Nagulumihanan ang mukha niya. Ewan ko kung bakit.




"A-ah, sorry Sun, nakita mo ang katangahan ng kumag---"



"Misty oh, si Romeo, bad" mahina lang naman na sabi ni Ace at di lang pinansin ni Omi pero nakita ko ang paggalaw ng kilay niya dahil sa inis.



"Ahh, yeah, Sun. I know him SO WELL." Napayuko naman bigla si Ace at nakikita kong nakanguso siya."He's my friend and my disciple."



Napaisip ako. Kaibigan siya ni Omi at disciple, what was that? D-disipulo? Nevermind. Friend niya si Omi.



Nakikipagkaibigan siya sa ganyan. Kaibigan niya ay manloloko.




"Sun?" Napansin ata niya ang pagbabago ng emosyon ng mukha ko. Nagagalit ako. Ano bang nangyayari?




"Kaibigan mo siya?! Well, pagsabihan mo yang kaibigan mo na manloloko!!! At please lang tantanan niya na ako!!!" Nagulat na lang si Omi sa galit ko. At biglang kumunot ang noo ni Ace at guiltyng guilty. Tinalikuran ko sila. Kakainis si Omi. Nakakaturn-off.



"S-s-sun...!" Pahabol pa ni Omi na nakita kong gusto ako pigilan.




"Wait Sunshine!" Biglang humarang sa dadaanan ko si Ace. "W-wag ka magalit kay Romeo please. Di niya alam. Walang may alam. K-kasalanan ko tong lahat! Oo, nasaktan ko si Mila. Ang bobo ko, walang kwenta. P-pero sana... p-p-pa..." Biglang nawala ang galit ko dahil sa pagtulo ng luha ng lalakeng nasa harapan ko. Pinahid niya naman to agad. Ngunit pagharap ulit niya sakin, may tumulo pa ring luha kaya yumuko na lang siya. "Pakinggan niyo ko."




Tahimik lang ang paligid maliban sa singhot ni Ace. Lalapitan sana siya ni Omi, ng kumaripas na lang to ng takbo papalayo samin.




"Wag sana siyang magpakamatay"



Napatingin naman ako agad kay Omi. Ay adik din to.



"Uy!!!! Sira to!!!! Sundan mo kaya?"


"No!" Todo tanggi lang. "Iiyak lang niya yun then that's it. He knows what's right and he learn now from his mistakes. Ako papatay sa kanya kung magpapakamatay siya" Ngiting sabi ni Omi. Ano kaya yun? Baliw baliw talaga to. Tumawa naman ako at agad ding lumungkot.




"Pero bakit gumawa siya ng mali kung alam niya ang tama?"


Huminga lang siya ng malalim at inilabas to.


"Because people tended to know the right and wrong but they just alone knew it, nothing else. Action is another thing."



Parang naintindihan ko nga si Ace dahil sa sinabi ni Omi pero ang mali pa din eh. Ang pangit pa din nung ginawa niya. Ang sakit nun.



"You need something to fight and stop the urge ... to do wrong things." Sabi ni Omi with knowing smile. Anong something. The guy is so mysterious...




"Ano ka ba Omi?"


Nagulat lang siya sa tanong ko, sinuot niya lang ang cap niya at ngumiti ulit.




"I can be your mystery..." Pabulong na sabi niya na inilapit pa ang mukha niya. At ewan ko kung saan ko nakuha ang mga sumunod na sinabi ko. Kinuha ko ang cap niya at isinuot ko.




"Sige. Ako ang magiging detective Conan para ma-solve ang mystery ko..." Nginitian ko din siya. Kaybango naman ng cap na to. Amoy downy. Char.


Nagulat siya sa ginawa ko at may nakita akong takot sa mata niya pero bigla lang to nawala at tumawa.




"Please do solve me then, my lady" medyo nag-tilt ang ulo niya pagkasabi noon.



"Nge, ako kaya si Conan!"


"Lady Conan."



"Yuck! lalake si Conan" Tumawa lang siya sa sinabi ko." I know."



"Yun naman pala eh!" Nagsimula na akong tumakbo, baka malate pa ko sa class.




"Oh wait! Yung cap ko Sun!"




"Kuhain mo kung kaya mo!" Tumakbo ako pero dahil sobrang tangkad niya, nahabol niya ako agad.




Para akong nakuryente ng akbayan ako ng lalakeng to. Amoy lalake siya. Hindi yung mabaho. Basta, di ko gets. Hindi yung mamahaling mga pabango ni Levi yung naamoy ko kay Omi. Ay ewan! Nabubuang na ako!



"Gotcha" Tinignan ko siya. OMG. Nawala bigla yung lilim ng ulap at wow. Ang ganda ng scene. His hair. "You can borrow it if you want. Your wish is always my command princess." Bago pa ako matuluyan. Masiraan ng ulo. Lumayo na ako sa kanya at ibinalik yung cap. Naglakad na ko palayo



"Hey ayaw mo?"




"Ewan ko sayo! Bipolar!"


Narinig ko lang siyang tumawa.



"What is that? Bye, Sun! See you around lovely!!!"




Di ko siya nilingon.




"Hindi lovely pangalan ko!"



Tumawa ulit siya. Ang lakas naman tumawa.



"I know!"



"EWAN KO SAYO!"


Tch tumawa na naman. Baliw talaga. Bakit ba ko naiinis? Siraulo na ba talaga ako.




"Anong kalokohan yan Romeo?"
Rinig ko pang sabi ni Elizabeth. Medyo lumingon ako. Nilalapitan siya ng dalawa.



"I said it's not Romeo!!! Omi nga kasi yun! Pwede ba?" Eh? Nagmamaktol ba si Omi kay Elizabeth?!! Tantrums?!



"Romeo is a nice name naman" dagdag ni Misty.


"Oo nga, ang arte mo lang Romeo"



"Si Elizabeth naman eh! Ang baduy nga kasi nun! Pwede naman kasing Jeremiah, Jonas, David ang pinangalan sakin pero hindi eh! Makulit yung mama ko!"



"Mama mo pa yung makulit. Pwede ba Romeo umayos ka."

Pumapadyak padyak na si Omi. Hala bata.


"Hey stop it!!! Said it once again---"


"Romeo. Romeo Montague where is Juliet?"



"No! You said it ..." sumuko na lang si Omi. What a funny scene is this.




"Sun! You're here pa pala!" Nagwave bigla si Misty. Biglang tumingin sakin si Omi na shock na shock. OMG. Agad akong tumakbo. At narinig ko pang nag-bye si Misty at tumawa ng malakas si Elizabeth.


Bakit ganun sila ni Elizabeth?





A Story and TreasureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon