Levi Carillo

15 2 0
                                    


"ETO NA YUN GIRL!!! PUNTAHAN MO NA YANG OMI NA YAN!!!"

"Tngina Ros! Ang ingay mo! Nakakahiya sht!" nasa classroom kami ngayon at syempre walang prof kaya ganyan makasigaw tong si Milagrosa. "At isa pa! Hindi naman siya nagreply! Tignan mo oh!" pinakita ko sa kanya yung phone ko na naka-OL sa fb ko. "Kahit seen wala! Pinagtritripan lang ata ako neto ehh.."

"Tanga ka Sunshine! Kulitin mo kasi!!!"

"Eh di wow Milagrosa ahh!"

"Kaya single ka pa rin ehh"

"Anong pinapalabas mo?!!"

"Hep hep stop it na, nasa gitna ako oh, Im going to be deaf because youre shouting to each other" sumabat na si Less na ewan ko kung natatawa ba samin o naiinis, palagi lang naman yang nakikinig pag nag-uusap kami ni Ros or nakikitawa.

"Nosebleed ako dun Less..."

Nag log-out na ako sa fb ko habang pinapadescribe ni Ros ang hitsura ni Omi.

"Wait, eh di kilala mo yung Omi na yun huh Less? Kasi friend niya si Misty at friend mo si Misty" pagconclude naman ni Ros na tama nga naman.

"No, I dont know him, new friend perhaps ni Misty"

"ANDYAN NA SI MAAM!!!" sigaw ni May at nagsipag ayusan na kami ng upuan.

-----

Nandito ako ngayon sa canteen, wala akong kasama, si Ros may meeting sila sa thesis nila at si Less as usual, doing her so called 'business', eh di sila na busy , ako hindi. Shiz, actually, good timing to kasi kakausapin ko si Kuya naka-cap, I mean, Omi. Oo na, hindi naman na uso ang dalagang pilipina. Natatanaw ko na ang future boyfriend, I mean, si Omi na yes naka-cap at saktong wala pang customer. Kaya mo to Sunshine! Pagkalapit ko sa kanya, naglilinis siya ng lutuan whatever para sa burger, of course nakayuko siya. Naka-apron siya na white na medyo marumi dahil sa mantika or whatnot at naka blue shirt siya. Color black ang cap niya by the way.

"Ahhh... O---" tumingin siya sakin pero hindi nakikita ang mata niya, ayos ahh.. Maraming bibili rito kung di mo tinatago yang mukha mong gwapo. Argh anong sasabihin ko?!!

"Anong order mo Mi--- Sun?" hinarap na niya ako ng maayos at ng marealize na ako si Sun, ngumiti siya agad SH*T!!! at pinakita na niya ang mahiwaga niyang mukha, ugh, ang gwapo niyang mukha. " Sun, Hi..!" KININDATAN BA NIYA KO?!

"Hi O--- ARAY" T*ngina sino ba yang namamangga?! May naamoy akong mabango, hindi yung burger. Amoy pabango ng lalake, pagkatingin ko sa walanghiyang taong namangga sa akin na hindi agad nagsosorry. Si crush...

"O-oh Paz, ahh, err.. Pwede bang m--, NO, I mean, sorry, rather.."

"Oh Levi.."Nakasuot siya ng half sleeves na black and grey na stripe horizontally, white pants at nakared vans. Magulo ang buhok niya pero style ata yun, ayos lang naman dahil soft looking yung itim na itim niyang buhok. May mali kay Levi, bakit siya nabubulol?! At nasaan ang oh so famous niyang pokerface? Namumutla siya! No, may sakit ba ang crush ko?!! "Ayos ka lang?"

"A-ano? Ha? Ah.. Y-yeah. Yes." sabay ngumiti siya na pilit. What happen to my baby?! Er. Ako ba si May?

"You sure, pre? Baka gutom lang yan, mura lang to Levs, burger? Fries?" singit ni Omi na still smiling face. Tinignan naman siya ni Levi na naka pokerface na uli. Oo nga pala si Omi..!! Anong gagawin ko? Hindi to pwede makita ni crush!

"No thanks, man. I'm full." sabi ni Levi na hindi man lang ngumingiti.

"Haha well then.." Ahm anong nakakatawa run? Dahil ba sinungitan siya ni Levi?!! "How about you Sun, treat kita.." KYAAA! KININDATAN NA NIYA TALAGA AKO. Im sure!

"No time for flirting." Oh. Levi?! Anong nangyayari sayo?!

"Hah, what?" Nawala bigla ang nakakasilaw na ngiti ni Omi pagkatingin kay Levi. Oh noes.

"Because we're going to talk"

"Ha? Ano? Tungkol saan?" tanong ko sa kanya. Kinakabahan na ako rito kay Levi.

"Teka Levs, Im first sorry, Mag-uusap pa kasi kami ni Sun sa date namin.." sabi ni Omi na may ngiti.. !! OH MY G!!! OMI!!!

"Definitely that there is no way, dude." WHAT THE FUDGE LEVI YOU ARE SAYING?! Nanlaki ang napakagandang mata ni Omi at tinignan si Levi na 'are you nuts-look', at inakbayan ako ni Levi. Sh*t ang bango ng lalakeng to. "Kasi girlfriend ko siya, so hands off."

"Ooh, really. Sun, really?" tinignan lang ako ni Omi na nakangiti pa rin.

"Absolutely real bro, so If you may us well go, see you around dude" at umalis na kami ni Levi dahil nakaakbay siya sa akin kaya wala na akong nagawa. Narinig ko pang sinabi ni Omi na see you again. Ano to?! Nang makalayo kami ni Levi, at nasa tapat na kami ng chapel, infairness, humiwalay agad ako kay Levi at hinarap siya.

"HOY ANO YUN?!!!" sigaw ko kaagad sa kanya, ayaw ko man sigawan ang crush ko. Pagkasigaw ko, medyo yumuko siya at nilagay yung kamay niya sa bulsa niya na sa sobrang pagpasok ng kamay niya baka mabutas. At ginagalaw galaw niya yung kanan niyang paa. Ang cute niya kabahan. Kinakabahan siya? Si Levi? Sakin?

"Ah.. Paz, ahh no.. S-sun.."tumingin siya sakin at oh my fckng sht! Sobra siyang namumula! Ang cute TA*!!!!"!

"Can I court you?"

F*ck! Shems! THIS IS dscbjgv gjfvvdccvv vvcackkm!

A Story and TreasureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon