"S-shopping?"
"Correction! Window shopping!" Excited na sagot ni Ros kay Omi. Nagtext nga kami na makasama siya, diba sabi niya, one call away i-accompany niya kami. Nagkita-kita kami sa labas ng SM. Syempre, nandito na kaagad si Omi.
"I need to buy new clothes and other things that I might want to buy if it interest me" yayamanin talaga tong si Less, eh ang gagara pa nga ng mga sinusuot niyang pang-pasok, samantalang ako ilang beses sa isang linggo ko nagagamit yung t-shirt ko. Syempre nilalabhan..
"O'rayt, I'll be your butler" Umakto pa siyang para talagang butler. Simpleng shirt na blue at jeans lang naman ang suot niya. And ang ganda lang ng mood ko kasi wala siyang cap. Grabe nga ang pagpupumilit ni Ros na tanggalin niya yung cap niya, para daw siyang snatcher, lol.
"Ayeee! Nakakakilig siya oh, Sun..."
"Pwede ba Ros!" Mahinang sabi ko sa kanya. Pakababaw nang babaitang to. Lagi ako inaasar kay Omi. Pumasok na kami ng mall at ilang lakad pa lang kami, nagtitili na tong si Ros.
"AY AY AY!!! WAIT!!! LET'S GO DUN!!!" napakabunganga talaga ng babaeng to at mukhang pupunta sa isang music chu chu, na puro CD and all about songs. Sinundan naman namin siya.
"BTS EXO CNBLUE!!! T*NGINA!!!! LUMABAS NA!!! I NEED THIS!!!"
Tuwang-tuwa na ipinakita ni Ros yung mga CD nang mga hinahangaan niyang mga boy group. Lumayo layo ako sa kanya kasi di naman ako makarelate sa sinasabi niya. Kaya kay Less siya nagkwento. Poor Less. Nabutas na siguro ang eardrums, kakatili ng luka-luka. Nagtingin tingin lang ako at kinuha ang isang CD ni Bruno Mars, yung latest niya.
"Di ka ba mag-aapply?" Kumabog ang dibdib ko kasi nasolo ko siya. Shucks! Ano ba yun Sun! Nakatingin din siya sa isang CD, it says, Planetshakers. Anong band yun? Not familiar.
"Sa Starbucks? Hindi. Baka di ko kaya ehh. Wala ako alam sa mga ganyan, tungkol sa kusina." Hmm. Di ko pa narinig ang kantang Dance in the Mirror ni B.Mars. Pakasexy kumanta ng singer na to. Nung marinig ko palang yung featuring niya sa Billionnaire. This guy is woah.
"Just try it. Sayang if you let that opportunity." Di naman ako tulad mo. Talented.
"Di na lang. Di ko naman masyado kailangan ng pera."
"If that's what the lady want, no objection. So... a fan of Bruno Mars and Paramore?" Napansin niya pala ang mga kinukuha at tinitignan kong mga CD.
"Ah medyo lang hehe. Ahm basta nagagandahan lang ako sa mga songs nila" Tinignan ko naman yung CD ni Birdy, argh, gusto ko bilhin.
"Sexy and Rock one huh. Oh, that's a good one." Tinignan ko siya na nakatingin sa CD na hawak ko habang siya may hawak na Hillsong United. Well, I know that band. Christian.
"Ah oo, nakilala ko lang siya dahil sa Fault in our Stars. Ang epic ng Tee Shirt niya." Gustong-gusto ko yung intro niya. Kahit simple lang yung guitar chords, nakakarelax lang pakinggan. Pero wala naman kasi akong pambili at nasa phone ko naman na lahat ng mga kanta niya even Paramore. I don't need na bilhin pa to. Di tulad ni Ros, na nag-iipon ng mga CD nung mga kpop na hinahangaan niya.
"Well, choose songs wisely." Ibinalik na niya yung CD sa rack at ngumiti lang sakin.
"Wow, parang boboto lang ako ah." Patawa kong sabi sa kanya.
"Music can influence a person so much. So powerful, milady."
"That's a wow! A new cd release of Planetshakers. Misty have this already" Bigla namang sumingit samin si Less at tuwang tuwa na kinuha yung cd na tinutukoy niya.
"Oh, may bago na naman pala kaming pagprapraktisan niyan kung may binili si Misty" sabi ni Omi. Maybe, a Christian band din ang Planetshakers na sinasabi nila.
"Hey Less! Bakit bigla mo kong iniiwan dun! Ano yang bibilhin mo, Infinite ba yan?!" May limang cd si Ros na dala-dala. What?!! Akala ko ba window shopping itu?!!!
"For the last time Ros, I don't know any kpop band except Wonder Girls"
"Napakaoutdated mo naman Less!!!"
"Ang konti nyan Ros ah." Pangiti-ngiti na sabi ni Omi.
"Oh my gash Omi!!!" Agad naman lumapit si Ros kay Omi na medyo ikinabigla niya. "Alam mo ba Omi, may kahawig ka dito!!! Here look at this!!!" May ipinakita lang si Ros kay Omi na isang CD na may 4 guys ata na mga British. 1D ba yun? Di ata.
"Really? Mas gwapo kaya ako."
"Oh please." Natawa lang si Omi sa expression ng mukha ni Ros.
"Sun, wala ka bang bibilhin?" Tanong naman sakin ni Omi.
"Wala akong pambili eh. Bayaran niyo na yan Ros. Ano ba yan, ang dami naman nyan." Magkano naman kaya yan? Yung kay Bruno Mars nga eh, 300 na.
"This is all limited!!! Let's go Less!!! Ano yang kinuha mo?!" Hinila na ni Ros si Less sa counter.
"So this is how girls are..."mahinang pagkakasabi ni Omi pero tengang pusa ako pagdating sa kanya ay narinig ko. Tinignan ko siya at parang malungkot ang mukha niya. Bakit? Anong ibig niyang sabihin dun?
"Ano bang akala mo?" Pabiro kong sabi sa kanya at para naman siyang nabigla sa sinabi ko.
"A-a-ahm, ahh, n-ngayon ko lang kasi naranasan samahan a-ang mga babae sa pagshoshopping." Medyo nakayuko niyang sabi na nakapamulsa. Nagsalubong naman ang mga kilay ko sa sinabi niya.
"Di mo sinamahan ang mga naging gf mo sa mga mall?" Imposible naman. Saan niya dinadala yung mga gf niya if ever? Kahit nbsb ako, alam ko na minsan nagpapasama ang isang girlfriend sa boyfie niya para mag-shopping. For suggestions sa mga bibilhin naming mga damit or whatever. We need comments from boys sometimes.
"I didn't. I-I mean, wala pa akong naging girlfriend eh." Sabi niya na may shy smile. At kinakamot kamot ang ulo niya.
"HA?! Maniwala ako sayo?!" Ang gwapo mo brad!!! Ngsb?!!! Paano yun nangyari?!!
Medyo natawa siya sa gulat ko at sabay ngumisi. "Gwapo ko kasi nuh tapos ngsb. Impossible, isn't it?"
"Wow ang yabang." Aware naman pala siyang gwapo siya tapos wala man lang siyang niligawan, di man lang niya sinubukan at pansin ko namang medyo flirt siya. Eh bakit siya flirt kung ganun!
"Seryoso Sun totoo yun, ang bading nuh." Ngingiti ngiti niya lang na sabi, may konting hiya.
"Bading ka?!" Hindi pwede. I mean, sayang. Sayang yung genes niya, yung grey eyes, lahat, hindi makakalat! Tumawa na siya nun ng malakas. So totoo?!
"Huy! Grabe, bakla ka girl!" Napatigil naman siya sa pagtawa nun, at sumeryoso. Oh gash, nabuking ko na ba siya?! Omg, bakit?! Sayang to! Bakit kasi nadulas siya.
Ngumisi siya playfully. "Sa tingin mo?" Nilapit niya ang mukha niya sakin at bumulong. "What if, halikan kita?" Bumilis ang tibok ng puso ko. Ang lapit lapit niya. Ok. Ok. Ok. Sige. Ha?!!! Anong sinasabi mo Sun?! Nakatitig lang ako sa abuhin niyang mata, na minsan nagiging asul. Kakainggit naman ang pair of eye niya.
"Ehem."
"Ships! Bakit mo pinigilan Less?! It is definitely a kiss kung hinayaan mo!"
Agad kong tinulak si Omi at lumapit sa dalawa. Pulang pula na ang mukha ko, I know. Grabe ang moment na yun. Para akong nahihigop na ewan. Na alam kong dapat tulakin ko na siya pero di ko magawa. Badtrip! Pwede naman niya sabihing hindi siya bakla! Na totally straight siya walang liko!
"Kanina pa pala kayo nakapagbayad! Bakit di niyo ako agad tinatawag?!" Mahinang tumawa si Less.
"Ros insist me not to disturb you for a moment."
"Omi naman!!! Ang bagal bagal mo eh!!! Di mo agad kinagat!!"
Yak!!! Anong kabaliwan ang sinabi ni Ros?!
"W-what a term Ros h-hehe." Sabi ni Omi na halatang hindi komportable sa nangyari. Argh, may nangyari ba?! Di ko sila nilingon. Kasabayan ko lang si Less sa paglabas sa music chu chu. Habang nasa likod malamang si Ros at Omi.
Pumunta naman kami sa isang girl botique. Tsk. Ang ganda. Humanga ako agad sa mga fashionable na damit na nakikita ko. Ang swerte ni Less na kayang kaya niya bilhin ang mga to. Wait. Baka mura naman. Pumunta ako agad sa dress na nakakuha ng interes ko. Isang peach color dress, knee-length. Tube ito. Tingin pa lang, makukuha nito ang figure mo. Di ako marunong mag describe ng mga damit, halata naman, pero maganda siya talaga, simple at mukha talagang high quality yung tela. Halos maluwa ang mata ko pagkakita ko sa tag price.
"That will suit you beautifully." Nagulat naman ako sa pagsulpot netong si Omi. Paano naman siya nakakasigurado na babagay to sakin? Bakla talaga to nuh?!
"Sure ka?"
"With your pale complexion, it will make you bloom." Ngiti niyang sabi.
"So fashionista ka pala?"
"Oh Sun, alam ko na naman yang iniisip mo. Baka kailangan ko talagang halika---"
"Isa Omi ." Babala ko sa makulit na to. Nakakabaliw na siya ah. What?!
"Sorna!" Tawa niyang sabi at nagsurrender pa talaga nang kamay. "Ikaw kaya paghinalaang gay... that's so mean." Pout niyang pagkakasabi. That is.. childish. Nagpopout siya sakin. Naiinis pa naman ako sa mga childish na tao pero bakit sa kanya, nakakagigil? Orayt, thats enough Sun. Hinampas ko lang siya ng mahina sa balikat at ibinalik sa lagayan yung dress.
"Oo na, sorry kung nag-assume ako na bading ka. Sayang kaya..."
"Ha? Sayang alin?"
"Wala! Sabi ko sayang di ko mabibili yung dress." Susko Sun, nadudulas ka pa.
"OMI!!!" Agad bumulaga samin si Ros na nakasuot ng pulang bestida?! At halos madamba na si Omi. "What do you think?! Bagay ba sakin?!"
"Ahhh, you're still pretty whatever dress you wear." Sabi niya pagkatapos tignan si Ros saglit.
"Bolero! Di bagay nuh?! Liar!" Ngumuso lang si Ros at nag-cross arm.
"No, rea---"
"Dun ka malapit sa fitting room! Marami pa ko itatry dali!!!"
"What? But I---"
"TARA!" Masayang hinila ni Ros si Omi kung saan man yung fitting room. Good luck Omi good luck sa babaeng yan. Sinulyapan ko uli yung damit kanina. Ta* kulang kulang 3,000 ang price.
"I'll buy this for you." Sabi ni Less na nasa tabi ko na pala at may dala-dalang iilang dress na may hangers pa. Akmang kukunin na ni Less pero pinigilan ko.
"Hala ang mahal niyan nuh!!! Wag na, di ko lang din yan magagamit eh!"
"Please?" Hala siya pa ang nagmakaawa na bilhin niya yun?! Grabe. Napabuntong hininga na lang ako.
"Nakakahiya Less..."
"Don't be, halika sa fitting room." Kinuha na niya yung dress at pumunta kung saan pumunta si Ros. Nakita kong nakaupo lang si Omi, hinihintay malamang si Ros magbihis. Taga-comment siya diba? Dahil dalawa lang ang fitting room at occupied by Less at kay Ros na ilang beses na ata pabalik-balik, kaya di na ko nang-istorbo sa kanya at hinintay na lang si Less, matapos itry yung mga napili niyang damit. Natapos rin naman si Less at sinabing gusto daw niya ako makita na suot ito kaya lumabas nga ako na suot to.
"Because you are skinny and tall, ganyang tela, you look much thinner." Rinig ko na sabi ni Omi habang nasa harapan niya si Ros na nakasuot ng dress na may sunflower prints.
"Talaga? Oo nga nuh! Galing mo talaga girl!" Hangang sabi ni Ros at di napansin ang pagsimangot ni Omi. Tumayo siya. Mahinang tumawa si Less na nakaupo lang sa tabi ni Omi.
"Siguro, sa labas ko na lang kayo hihintayin." Aw. Napikon na si Omi. Bakit kasi alam niya ang mga ganoong bagay? Usually, walang pake ang mga guy sa kung ano ang bagay sayong damit at whatnot.
"NO! Wait! I need you pa Omi! Ang galing mo eh! Magfashion designer ka na lang kaya?!" Lalong bumusangot ang mukha ni Omi. Oh ship, ang cute niya pag ganyan.
"No Ros, this is your 10th try. I guess just wear what you want."
"Omi naman eh, last n---"
"Oh there you are Sun. What do you think Omi?" Singit ni Less. At nahiya naman ako nung tumingin si Omi na medyo nakasimangot eto pero nawala agad, at nag gaped ang bibig. Ang pangit ba sakin?! Kaya mukha siyang shocked?
"Ang ganda ba Omi?" Sabi naman ni Ros after ilang seconds na nakatingin sila sakin.
"Ha, ah, y-yeah. Yeah. It really suits you.." Blush ba yung nasa mukha niya?! Anong ibig sabihin nun? Yes, maingit kasi dito. Napagod siya sa kakulitan ni Ros. Yun yon.
"T-thanks." Dahil nakakahiya bumalik na ako sa fitting room at nagpalit.
After nun, dahil gutom na daw si Ros, kumain kami sa Bonchon.
"Haays! Isa lang ang nabili kong dress! Hopeless ba talaga ako pagdating sa mga bestida?!" Pagrereklamo ni Ros, habang kumakain kami.
"Sa pagiging baduy Ros, doon." Sagot ko naman sa tanong niya.
"Ang hard mo Sun! Buti na lang nandyan si Omi kasi siya yung pumili nang damit na yun! Ang cute sakin! For the first time may dress na bumagay sakin! Ang taray talaga ni Omi" Para atang nabilaukan si Omi sa sinabi ni Ros. Hinagod lang siya sa likod ni Less. Pasaway talaga ang babaitang to.
"I agree with Ros, you're good when it comes to clothes" sambit ni Less na ikinasimangot ni Omi.
"Pati ba naman ikaw Blessed.." mahina na pagkakasabi niya.
"Why? But that's the truth. You're still a straight man for us not a gay, don't worry" Lalong bumusangot ang mukha ni Omi. At tumawa naman si Ros. Malakas. Ako, inienjoy ang hitsura ng mukha niya.
"Paano mo ba kasi natutunan ang tungkol sa mga ganun?" Curious na pagkakatanong ko. Nagtrabaho ba siya sa isang clothing line? Naging mananahi? Napansin ko na sumeryoso na naman ang mukha niya at nakatingin lang sa kinakain niya. Pero nawala na naman agad yun at ngumiti.
"Sa pinagtrabahuhan ko dati, ahh, punta lang akong restroom ah." Agad siyang tumayo at iniwan kami. Nagtinginan lang kaming tatlo. Hindi niya kasi inelaborate.
"Naiisip niyo ba ang naiisip ko?" Tch. Puro biro talaga tong si Ros.
"Hindi Ros hindi."
"Misteryo si Romeo Lancelot!!!"
"Like I said---"
"Oh my gash Less!!!! Anong dark past pala yun?!!! May kinalaman ba to sa pagiging fashionista niya?! Minaltrato ba siya ng isang mananahi?! Tinusok ng karayom?!"
"My gad , Ros!!! Anong kanonsense-an na naman ang sinasabi mo?!" Natawa lang si Less. Haaays. Ako lang ata curious dito.
"We can't intrude on his personal life, guys. There will be a right time for us to know who he really is or... nevermind it anymore." Tama. Sino ba kami para sabihin niya sa amin ang mga hinanakit niya sa nakaraan. Di kami ang ka-church, ka-ministry o bestfriend niya. Just a mere friend. O aquintance. At di ko rin naman alam kung magtatagal ang friendship namin sa kanya. Di naman namin siya nakakasama palagi o classmate man lang. Agad namang bumalik si Omi, at di na naibalik pa yung naging topic namin kanina. Nagkwentuhan lang kami, si Ros eh sige kwento sa mga kpop idol niya habang sinasabi naman ni Omi na mas cute daw siya kaya natatawa na lang ako sa nagiging reaksyon ni Ros. Para bang hindi sila nag-away at nagbreak ni Ace. Hanggang sa mabanggit niya ang pangalan nang ex niya at mapahinto. Nanahimik kami dahil doon.
"Timezone tayo." Basag ni Less sa katahimikan. Nagtaka lang si Omi sa pagtigil ni Ros, sa nangyari at piniling wag na magsalita.
"GAME! TARA GUYS!" Masigla ulit na sabi ni Ros at tumayo, sumunod na rin si Less, at kami ni Omi.
"Sorry but who's Ace?" Mahina lang na tanong sa akin ni Omi. So di din siya nakatiis.
"Chismoso. Ex niya." Pang-aasar ko lang sa kanya na ikinatawa niya lang ng mahina.
"I notice that..." Napatingin ako ng magsalita siya. "You girls always talk about good-looking men, therefore, you also talk about me?"
"Oy wag mo ako malogic-logic, fallacy naman." Nag-chuckle lang siya sa sinabi ko. "And fyi, mas matindi kayo magkwentuhan tungkol sa magagandang babae."
"Well, the truth is no." Nagkasalubong ang kilay ko sa sinabi niya. "Natatapos ang kwentuhan namin sa mga laro."
"Anong laro?!" Kaya ba nabuo ang word na playboy dahil nature na yun ng lalake. P*cha, ang gwapo niya ngumiti.
"Laro.. Online games, basketbol, cars at kung anu-anong kabulastugan. Minsan lang kami magkwentuhan about ladies because we don't want a rival on that girl, we are secretly possessive or..." lalo niyang hininaan ang boses niya sa mga huli niyang sinabi"..it make us turn on.." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.
"Yak!" Mahina kong sambit at hinampas siya sa braso. Tumawa lang naman siya at parang di ko siya pinalo.
"What?" Tawa niya pa ring sabi at nag-shrug siya." As much as I hate it, pero totoo yun. And hindi rin naman lahat ng lalake ganun eh... katulad ko. I'm wholesome." At kumindat pa siya nyan.
"Kapal mo! After mo yun sabihin? wag ako Omi." Medyo pabiro kong sabi sa kanya.
"Hey, I'm just being observant, haaaay kung pwede nga lang araw-araw babae na lang ang kasama ko because we, men, are really gross. Kung pwede nga lang araw-araw ikaw kasama ko."
"Ha?!!" Namula naman ako sa sinabi niya. Ano ibig niyang sabihin dun? Dahil lang sa gross and whatnot ang lalake?
"Yes. It's a logic diba? I want to be with a girl and Sun is a girl therefore I want Sun to be with me." T*ragis diba siya titigil sa kakakindat niya?!
"Hay naku Omi, fallacy na naman yang pinagsasabi mo." Pulang-pula na ang mukha ko for sure, as in. At lalo ata akong nabato nung hinawakan niya ang ulo ko para ata i-pat.
"How I wish." Rinig ko yun kahit pabulong. Birthday niya ba para mag-wish, titingnan ko pa sana siya para magtanong sa sinabi niya ng tanggalin na niya yung kamay niya sa ulo ko at sumigaw si Ros.
"OK IT'S GAME TIME, LET'S GO!" Pinabayaan ko na ang sinabi ni Omi at sinundan sila Less kung saan nila gusto maglaro.
So men are supposed to be like that? Their games and toys.
BINABASA MO ANG
A Story and Treasure
Teen FictionSa araw-araw na ginawa Niya, isang ordinaryong babae ang nagbago.