The Boys

27 4 0
                                    


Tumawa siya ng napakalakas. Ok. Di niya ata matanggap na nabuking ko siya.




"Ahahaha, Sunshine, ahahaha, that is funny! Lalo na yung face mo so serious, oh goodness.."




"Ok. Im kidding." Oo na. Sinabi ko yun para magalit and mainsulto siya at ok, nakakakilabot na kasi siya nuh. Grabe yung insisting niya. Ghad!



"Seriously, with that mind of yours, you need this.."



"Ng ano?"



"This."



"What?"



"Ok, I know, may vacant time ka tomorrow, magkita tayo ng 4pm sa linear park, sa may mga tables, dont be late, kung di ka pupunta, pinapatunayan mo lang na you are the one whose a lesbi.. Oh goodness, I can't move on with that.. Well then bye!!!"




Tae talaga oh. Eh di pumunta. Badtrip naman, sayang yung free time ko.



Pagkalingon ko, nakita ko si Less na nakatayo, na parang nakikinig sa pinag-usapan namin.



"Kilala mo pala si Misty?" tanong niya agad. Well Santa siya at Santa yun, malamang magkakilala ang dalawang to.



"Oo, at kilala mo rin pala siya Less.."



Nagpatuloy na ako sa loob ng room ng muntikan na ako mabangga ng President namin na malikot at sumigaw.



"PARATING NA SI MAAM!!!"



"You are so harsh to Misty, what did you just say to her, Unbelievable!" sabi ni Less habang naglalakad kami papunta sa upuan namin, at si Ros na umayos na ng upo at kausap lang kanina si Dante.





"Less.. Diba nga, nagbibiro nga lang ako? The h*ck, kung alam mo lang na ang kulit niya, hindi ako nadadaan sa pasweet at pag-eenglish niya" sabi ko na naiirita sabay upo sa tabi ni Ros, nasa gitna namin siya ni Less.




"Pero sa mukha mo hindi ka nagbibiro, halatang badtrip ka na"

A Story and TreasureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon