Dumaan ang Lunes at Martes na wala akong ginawa kundi magbasa ng fanfiction at manood ng anime. Malamang, ano pa bang gagawin ko? Tinitignan ko ngayon yung mga pictures na dinownload ko, ang gwapo ni Gareki!!!
"Sino naman yan?" Nakitingin sakin si Ros sa phone ko, nandito kami nila Less at Ros sa 6th floor North Dome, vacant time namin dahil hindi pumasok si Sir English aka Sir Pogi para kay Ros. Haay, nakakatamad naman! Sayang yung oras, kung magbabasa naman ako, maeempty batt ako at hindi makakapag soundtrip mamayang uwian. Mahilig kasi akong mag-earphones kapag nasa byahe maliban na lang kung kasabay ko si Ros tuwing uwian. 1 hour mahigit ang inaabot ko papasok papunta at pauwi galing university. Eh ako naman namili na mag university ako, rason ko nun para malibot ko ang Maynila, at maiba naman ang environment. Ayan ako nahihirapan sa byahe, at dumagdag pa ang trapik, umaabot ng dalwang oras ang byahe ko. Sobrang dyahe!
"Duh. May kilala ka bang anime character?" tanong ko naman kay Ros at tinabi yung phone ko.
"Oo ahh, si Luffy!!!" proud niyang pagkakasabi. Tss.
"Oo kasing-ingay mo kasi siya, at kasing-takaw" sabi ko sa kanya, ugh ang boring...
"Sun, anong hilig mo?" tanong ni Blessed, out of the blue. May tinitext siya kanina ehh, at kausap siya ni Ros kanina.
"Huh? Grabe naman Less, di mo alam kinahihiligan ni Sun? Akala ko ba magbebestfriend tayo?" Pagnguso ni Ros, sa lahat talaga may comment to.
"Hahaha, anime and novels?" patawang sabi ni Less, natatawa dahil kay Ros. Mababaw din ang kaligayahan nito ehh. Oo, ayos na kami ni Less kasi nagpaload ako nun at tinxt ko sa kanya na nakalimutan ko talaga. Ewan ko kung ano na namang tumatakbo sa isip nito.
"Bakit Less?" ngiti ko sa kanya.
"Si Sun ba? Mahilig yan sa gwapo, kita mo nga pati anime sinasabihan niyang gwapo, eh drawing lang naman yun hahahaha!!!" pagbibiro ni Ros, at hindi ko gusto yung biro niya about anime dahil hindi lang basta drawing yun, may puso yun.
"Milagrosa." sabi ko na lang. Pag binuo ko ang pangalan ng dalawang to, ibig sabihin seryoso ako at isa yung warning.
"ARGH. Eto naman si Sunshine hindi na mabiro! I admit, eleb ako sa mga manga artist, ok"
" Ang papayat nung mga lalake sa EXO? Mukhang silang babae, bat ganun?" asar ko kay Ros. Makabawi lang sana.
"Ulitin mo lang yang sinabi mo, isang libo or even millions na mandirigma ang sasabunot sayo girl!"
"Bakit ang papayat at---" bago ko pa matapos, tinakpan na ni Ros ang bibig ko at iritang irita.
"NO!!! MAY ABS SILA, tumigil ka Sunshine!!! Nasa paligid lang kaming mga humahanga sa kanilang kakisigan at ulitin mo lang talaga yun!!! May susugod sayo!!! I care lang for you girl!!!" di ko alam kung matatawa ba ako o maniniwala sa pinagsasabi ni Ros, si Less naman tumatawa lang. Tinanggal ko lang yung kamay niya sa bibig ko at humarap naman siya kay Less.
"Blessed, hindi ako nagpapatawa, Im serious! Oh my gad!!!" OA na pagkakasabi ni Ros. Kami lang ang maingay dito sa Dome. Haays.
"Ros, your words, again.." saway ni Less, teka anong problema nito?
"Sorry, Holy Blessed!" pagbibiro ni Ros, ewan ko lang kung biro nga ba.
"Ros..." Ok. Medyo naiinis na yan si Less dahil sa tono niya sa pagkakasabi sa pangalan ni Ros kaya siniko ko tong makulit na to.
"Ok sorry na Less, pagpasensyahan mo na ko pero ako to ehh! Hindi ako tulad mo, atsaka Less you are not my parents" sh*t ano bang pinagsasabi nito ni Ros? Pwede namang mag-sorry na lang ahh? Iniinis pa niya si Less. Bago pa makapagsalita si Less, magsasalita nga ba siya? Inunahan ko na siya.
BINABASA MO ANG
A Story and Treasure
Teen FictionSa araw-araw na ginawa Niya, isang ordinaryong babae ang nagbago.