Ministry

30 1 0
                                    


"Akala ko kasi nagtampo ka sakin. You didn't even follow me to get your bag back"

Uwian na, nauna na agad si Ros dahil gusto niya muna daw mapag-isa. At si Blessed may gagawin daw. Alam na syempre. Naglalakad na kami ni Levi pababa ng hagdan. Hindi naman na nagpakita si Ace. At nung makausap ulit namin si Ros about dun. Hindi niya alam kung makakausap pa ba niya si Ace na hindi napapatay ang kumag. Pero syempre joke lang yun. Bahala na lang daw muna.

"Kasi naman, kailangan pa bang buhatin mo bag ko" kaya pala binigyan ako ni Levi ng toblerone dahil akala niya nagalit ako pero ang totoo nakita ko si Omi. Argh. Para naman akong cheater neto!

"Yes. Whether you like it or not" Oo bitbit niya talaga bag ko. Eh di sige, that's part of man's ego, joke, chivalry pala hehe.

"Ah nga pala, si Misty..."

"Misty? What about her?"

"Oo si Misty, gusto kasi pumunta tayo sa open cell niya"

"What? She's like that?! I can't believe it" Bakit di naman siya makapaniwala?! Dahil sobrang ganda?! Tss. Napaka neto!!!

"Oo, pupunta ba tayo?"

"Ahm, k-kung gusto mo yes, I'll come with you"

"Hey Levs!!! And Sun" narinig kong sigaw ni May at papalapit samin. Napansin kong tumahimik ang section namin dahil sa kanya. Hindi na siya gaanong nagtitili o sumisigaw. Bakit kaya? Nag-uy lang ako at ngumiti. Duh. Di kami close.

"Congrats Levs!!!" Sabi niya sabay tawa. Nge, di ko pa nga sinasagot ehh.

"She's not my girlfriend yet" tamad na sagot ni Levi.

"Oo nga May"

"Sus, sasagutin mo rin naman siya Paz!" Yan ang positibong tao. Ahehehe. Syempre.

"Right. Why don't she give me her sweet yes already" pangising sabi ni Levi. Achuchu. Sagutin kita dyan after 2 years eh! Napatawa lang si May nun, at parang may naalala.

"Oh you're pauwi na both?" tanong niya. Conyo naman. Tama pa ba sinabi niya?

"Obviously. Why, di ka pa uuwi?" Pagtatakang tanong ni Levi. Wow. Di ko pa nga sinasabi kung ayaw kong pumunta kina Misty o pupunta. Ayaw ni suitor pumunta. Bad boy hehe.

"Nope! I will meet Omi kasi sa oval, so see you tomorrow byiiiieee Lovey-doveys" at tuluyan na nga siyang umalis. WAIT. Tama ba ang narinig ko! Omi daw! Shemay bakit ako nacucurious!

"It seems that Omi is a flirt."

ANO DAW?!

"Ahh shh shhh! Judgemental si Levi oh! Selos ka na naman!" Asar ko sa mainiting ulo na si Levi. Flirt agad. Malandi. Ang saya nga nun kasama ehh. Mukhang mabait.

"I said I'm not jealous! Let's get out of here na nga!" Achuchu. Ang cute talaga nito asarin!!! Kyaaa!!! Sarap kurutin!!! Hinawakan ko siya sa balikat. Kasi wala lang, gusto ko manantsing ehh.

"Uy, ayaw mo pumunta kina Misty?" Tinignan niya ako ng nakakairita at bumuntong hininga. Naku tatanda to agad.

"Then hurry up. Gusto mo naman pumunta then I'll go too" sabi niya sabay hawak sa kamay ko. Uy di pa kaya tayo mag-on, sige na nga hahaha!

At saka, dun daw magkikita sila Omi at May. Nacucurious ako. Pagkarating namin, nandoon na si Misty at Elizabeth. Tuwang tuwa na binati kami ni Misty at nahalata ko na medyo natulala tong si Elizabeth. Shiz. Gwapo ng manliligaw ko nuh. Ahehehe. Ipinakilala lang ni Misty si Levi kay Elizabeth. Cool lang na bumati sa kanila si Levi.

Nakita ko si Blessed sa next na waiting shed na may tatlong girl na kasama at hinanap ko naman sila Omi at May. Nang may marinig ako na lalakeng kumakanta na may nagplaplay din ng guitar. The voice is familiar. Kumakanta siya ng isang christian joyful song.

"That's Romeo"Nagulat naman ako sa biglang pagsasalita ni Misty. Hala di ko naman tinatanong. Naalala ko pala na ka-ministry daw ni Misty si Omi. Eh ano ba ibig sabihin nun? Org ba yun?

"Who's Romeo, anyway?" Simangot na tanong ni Levi. Hala, malditong bata talaga to.

"Oh it's Omi's first name. He's Romeo Lancelot. In our music ministry, he's our guitarist. It's rare to hear him sing while playing a guitar."

Oh.

"So... he's like you? A missionary?" Tanong ni Levi na nakacrossarms at prenteng nakaupo katabi ni Elizabeth. Ay bakit dyan sya?! Natawa naman si Misty sa tanong ni Levi at ngumiti lang si Elizabeth. Nge, mali ata yung term ni crush.

"No, pero malapit lapit na. Missionaries are also doing this, perfectly." Paliwanag naman ni Misty. At kumunot lang ang noo ni Levi. Hindi ko makita si Omi mula sa pwesto ko. Nasa next next waiting shed ata siya.

"For more information. You should go in the process" ngiting sabi ni Elizabeth at nakaturo pa ang hintuturo niya na akala mo she knows everything. Tinignan lang siya ni Levi habang nakangiti yung dalawang babae.

"This is weird" mahinang sabi ni Levi, at natawa naman ng mahina sila Misty.

"Believe me, we are not the weird one."Sabi ni Misty with a meaningful smile. Kunot lang na noo ang ginawa ni Levi dahil tulad ng iniisip ko gaya ni crush ang weirdo nang dalawang sosyaling babaeng to. Hanggang sa nagsimula na kami.






A Story and TreasureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon