After namin magkopyahan sa long test sa Ecology, dahil sa vacant time naman namin, naglunch na lang kami. At ang lunch namin ay FEWA with chocolate shake, ganito pag tinatamad kami maghanap mg pwesto para kumain. Nasa 4th floor na kami at wala pa rin kaming makitang bakanteng benches kahit sa mga dome. Napakaraming business ad. students. Hanggang sa makarating kami sa may dulo nang north wing at may nakitang mga upuan. May malapit na section dun na wala pang prof. Sa tingin ko, mga HRM student, 3rd or 4th year to dahil ang gaganda at gwagwapo, at highly confident na, di gaya namin na mukha pa ring neneng. May iilang nakatambay sa railings at nakaupo sa iilang upuan na nilabas nila mula sa room nila.
"Dito tayo guys! HRM boys here we come!" Mahina lang na sambit ni Ros pero halatang gustong tumili. Umupo na kami sa may malapit sa railings, ang nakakairita lang dahil ang lapit ko pala sa may basurahan, nakakabadtrip kaya pala ang baho.
"Hey girl, tignan mo yung nakatshirt" bulong sakin ni Ros na nagmamatang lawin, at himala palang kasama namin si Less mag-lunch kasi alam niyo na.
"Dami-daming nakatshirt dyan." May dalawa kasing lalake na nagkwekentuhan sa railings at mga babae, tatlo sila na may tinitignan sa phone nung isa tapos limang lalake na medyo malayo na sa sight namin.
"Naman! Siya lang naman cute eh! Yung iba maputi lang! Yung nakablack!"
Tinignan ko naman ng maigi yung tinutukoy niya. Kaya naman pala, kahawig nung Ace niya. Tsk tsk. Poor Ros. Hirap magmove-on. Nag-oo na lang ako sa kanya at nagtingin tingin pa kami ng mga boys na labas pasok sa classroom na to.
"Wait, is that Omi?"
"Ha?"
"Saan?" Tanong kaagad namin ni Ros. Grabe mas matalas pala ang mata ni Less. Mas malupit sa lawin naming mga mata.
"He just got out from that classroom. Look!" Tumingin kami banda sa may pintuan at nakitang lalake na nakatalikod at palakad papalayo sa amin. Ang ganyang likod ay si--
"Oy Romy wait!" May tumawag sa kanyang lalake na ang cute pero medyo payat at na-confirm namin na si Omi nga yun dahil lumingon siya kay kuya cute. Di namin narinig ang sinabi ni Omi, pero blank lang ang mukha niya at masayang nakangiti si kuya cute at nagsimula na silang umalis.
"Section niya to! Gash! Tanong natin!" Bulalas ni Ros at agad na naglakad para magtanong, sumunod na lang kami sa kanya at ako naman ay tinignan yung loob ng classroom. Mukhang may reporting na mangyayari, dahil may projector silang inaayos. Grabe, lunch na pero may class sila. Well, baka iba yung schedule nila. Eh di nandito rin si Misty? Sinilip ko kung nandito siya pero ang daming nakatayo at medyo magulo sila at maingay.
"HRM 3-4N sila guys! Ayos! Nakuha ko number ni kuya nakablack!" Bulong niya sakin. Nagulat naman ako dito kay Ros dahil nagtanong lang siya ay may nakuha nang number. Nagawa nang makipaglandian. Nakakaloka.
"Sino ba hanap niyo mga ate?" Simpleng ngiti lang ni kuya nakablack, humarap din samin si kuya na kausap niya, may hitsura din naman to pero masyado siyang maputla tapos ang gulo pa ng buhok niya.
"Ay Ros na lang Morgan! And ito naman si Blessed at Sun! Siya naman si Niel girls." T*kte, high level ang kawalanghiyaan ni Ros. Nagkaalaman na din ng pangalan?! Well, nakuha na nga niya yung number ehh.
"Hi." Bati lang samin nung Niel. Wow, cute din naman pala siya. Maputla lang talaga. Nakulangan ba ng dugo si kuya Niel. Nakakatuwa talaga si Ros,may nakikilala kaming boysssss.
"Ayun, hinahanap ni Juliet si Romeo, alam niyo ba kung nasaan si Romeo?" What the eff! Baliw talaga si Ros. Natawa yung dalawang boys.
"Bakit di na lang ako ang maging Romeo mo?" Sabi ni kuya Morgan playfully. So 3rd year na ang mga to, dahil classmate nila si Omi.
"Well why not babe" tch. Nakakapandiri tong si Ros. Kakabreak lang nila ng boyfriend niya
"Oh! I like that!" Tawa lang na sabi ni kuya Morgan.
"Tama na kabaduyan , Mor." Nakapamulsa naman na sabi ni kuya Niel at nginitian kami. Parang wala namang narinig si Kuya Morgan at nakangiti lang samin. "Si Romeo Lancelot ba mga miss? Oo classmate namin siya"
"Ano bang meron ang Lancelot na yun na wala ako? Lagi na lang siya hinahanap ng mga chicks." Nagdrama na sabi ni kuya Morgan at humarap sa railings, nag-emo, hala, well, kahit saang anggulo naman, mas gwapo si Omi. Sorry kuya Morgan. Ay bakit ko ba sila kinukuya.
"Pagpasensyahan nyo na siya girls, wag niyo siya pansinin, ako na lang kausapin niyo." Natawa naman ako sa sinabi ni kuya Niel. Alam kong pabiro ang sinabi niya. Ang bait naman ng mga senpai namin!!! Senpai notice us!!! Well, na-notice na nila kami hehe.
Natawa kami sa sinabi ni kuya Niel. "Pre, wag ganun." Humarap na samin si kuya Morgan at nakangiti. "Is Mystique Sandoval your classmate too?" Tanong ni Less na nagpaalis sa ngiti ni kuya Niel. Oooh. Why's that? Fishy.
"Well si Misty ba." Sabi ni kuya Morgan na nakasmirk. Napansin namin na sinamaan ni kuya Niel si kuya Morgan pero humarap na siya agad samin at ngumiti.
"Ah oo, mga kaibigan niyo ba sila?"
"GUYS! NANDYAN NA SI PROF!" Bago kami makasagot may babaeng sumigaw at nagmadali sila pumasok sa room.
"Nice to meet you girls! See you again huh! Istorbo talaga yang prof namin hehe." Sabi ni kuya Morgan, nag-ok lang kami at ngumiti lang si kuya Niel at napasok na sa room. Napansin namin na dinadala ng iba yung mga upuan papasok nung room.
"Sayang di natin makakausap si Omi, pero may katextmate ako yeee!" Kilig na sabi ni Ros kay Less at nauna sa akin at medyo pumwesto sa kalayuan. Ako naman naubos ko na ang FEWA ko at shake.
"Ikaw!" May nasigaw pero di ko pinansin at itinapon sa basura yung pinagkainan ko. "I SAID YOU!" Pupuntahan ko na sana sila Ros ng napatingin na ako kung sino ba yung nasigaw. T*ragis, nakatingin sa akin yung prof na babae at parang galit na galit. OMG , anong ginawa kong masama?! Dali-dali naman akong lumapit sa kanya. T*kte, tinapon ko naman sa tamang basurahan yung kalat ko ah?!
"BINGI KA BA?! BAKIT NASA LABAS KA PA?! ANG SABI KO DALHIN MO YUNG UPUAN NA GINAMIT MO DITO SA ROOM!" Kumabog nang malakas ang puso ko dahil sa kaba. Natakot ako. Napagkamalan niya ata ako na estudyante niya. T*ngina, di pa ako nasisigawan ng isang teacher sa tanang buhay ko. Sumunod naman ako agad, at kinuha yung upuan, pksht, ramdam ko yung tingin nilang lahat sakin. Pinagpapawisan ako ng malamig. Di ako tumingin sa kanila. Nakakahiya. Ang bobo mo Sun. Atsaka bwst ang prof na to! Pagkatapos nun, humarap ako sa prof na to pero nakayuko ako.
"Di mo ba ako narinig kanina? Tumatakas ka nuh?! Tumatakas ka sa trabaho!" F*ck! T*ngina! Bakit?! Menopause na ata ang propesor na to! At napag-iinitan ako, t*kte naman, hindi to ang klase ko maam! Ang boplaks mo lang!
"Ah maam sorry, hindi po kasi dito section ko."
"Ah kahit na!!! Nagpapalusot ka pa, anong pangalan at section mo?!"
Eto na nga ba ang kinatatakutan ko! Anong gagawin niya sa name at section ko! Wag naman sana niya akong tanggalin dito. Kailangan ko ang scholarship dito!
"Sunshine Paz po, BSBA-HR 2-2D po."
"Bakit di mo ako pinansin nung tinawag kita?!" Ano bang pinaglalaban ng pest*ng to!!! Natatakot na ako sa mangyayari. Pwede bang tama na.
"Sorry po maam di ko talaga alam, di na po mauulit." Todo sincere na yang sinabi ko. Nagmamakaawa ako maam, wag niyo ko ikick out. Malalagot ako sa mga magulang ko. Ta*.
"Di na talaga mauulit! Umalis ka na,nakakapang-init ka ng ulo!" Medyo niyukuan siya para sabihing aalis na ako. Agad ko naman na akong lumisan at nasulyapan ko pa ang dalawang lalake sa likuran ng prof na to pero dahil gusto ko na talagang lumisan dun as soon as possible, di ko na sila natignan. Pagkadating kina Ros, agad naman silang lumapit sa akin.
"Ano yun girl! Anong nangyari?! Bakit nagalit sayo si Dean."
"Ano?! Dean yun?!" Ang swerte ko talaga, Dean pa ang nagalit sa akin. Shemay, baka nga ipatanggal na ako dito sa university. Ang idiot mo talaga Sun.
"Oo! Dean ng College of Business! Dean natin! Bakit di mo alam?! Kaya nga umalis kami dun agad kasi nakakatakot siya kaso ang bagal mo! Jusko Sun, narinig mo naman na terror yun ever diba?! nakakakaba ka girl! Oh ano sabi?!"
"Are you ok Sun?" Alala na sabi ni Less.
"Kinabahan ako! Napagkamalan niya ata ako na estudyante niya! Hiningi niya yung name ko at section! T*ngina wala naman akong ginagawang mali. Parang g*go!" Asar na asar talaga ako kasi in the first place anong karapatan niyang sigawan ako eh hindi ko naman siya prof! Paano kung maging prof ko siya in the future?! Leche! Dean?!
"Ayos lang yan! Di naman siguro aalalahanin ang name mo! Napagbuntunan ka lang ng matandang dalaga na yun."
"Bwst!"
-----
'Anong ginagawa mo sa class ko kay prof chavez, Sun? Ayos ka lang ba, princess?'
'Sorry about that, ganun naman talaga ang prof na yun. Galit lagi. Parang ang daming problema sa buhay hehe.'
'Cheer up ok? Wala lang yun ;)'
4 hours ago
Habang nasa byahe ako, kakaupo ko pa lang sa bus na pa-fairview, nag-open ako ng phone. Nagpop sa messenger ko si Omi, pagkabukas ko ng data, at habang naghahanap ng story sa fanfiction. Pinindot ko naman yun. Nakakahiya nakita niya pa ang nangyari pero happy ako sa concern niya.
'Why you didn't tell me na nasa labas ka pala ng room namin?'
'Im sorry because of our grumpy prof. Don't mind it, ganon siya palagi samin'
Just now
Si Misty naman. Haaays! Kahihiyan Sun sobra! Nag-ok lang ako at tnx' sa kanila. Pero may smiley kay Omi hehe. Kahit papaano nawala ang pagkabadtrip sa concern nila. Sumpain ang dean namin!
BINABASA MO ANG
A Story and Treasure
Teen FictionSa araw-araw na ginawa Niya, isang ordinaryong babae ang nagbago.