Unusual

13 1 0
                                    

Sunshine



"So Levi will be our presenter. Any questions, suggestions or violent reactions?" Announce ni Less. Nandito kami sa bahay niya. Or mansion yata na matatawag to. Nasa loob kami ng mga kagrupo ko sa thesis sa malaking library ng Bartolomeo. And guess what, magoovernight kami!!!!!!



Nagtaas ng kamay si Karl, na kanina nakatutok sa laptop niya. Psh. Rich kid eh.



"Yes, Karl?" Oo, si Less na ang ginawa naming leader sa grupo. Wala namang babagay samin sa pwestong yun kundi siya lang.



"Then si Levi na lang lahat magpapaliwanag all of this?!" Ngiting ngiti na tanong ni Karl. Tinaasan naman ni Levi ng kilay si Karl at tinignan ito na parang 'are you an idiot?'. Nag 'oo nga' naman si May sa tanong ni Karl. Pasecret na nagroll eyes lang si Levi. Ang taray talaga ng lalakeng to.




"No, even he's our presenter. He needs our help to defend our thesis at the professors by also stating facts about the research." Maliwanag na sabi ni Less. Yeah kaya nga tinawag na defense yun.




"Aren't you familiar about thesis pre such as defenses? Bobo na." Mahinang sabi ni Levi kay Karl na ikinasimangot ng huli. Nagpout si May dahil doon.


"Aww. That's so sweet pre." Sarcastic na sagot ni Karl. Napangisi lang si Levi sa asaran nila.


"Grabe si Levi, ang akala ko kasi na ang porma is lahat tayo ang presenter neto!" Pagtatampo naman ni May. Natamaan sa pagiging bobo.




"Iniba lang ang style para di magulo." Singit ko naman. Oo medyo unfair yun sa part ni Levi na hindi namin hinati hati yung research, sabi naman ng prof namin eh ayos lang kung anong style nang pagprepresent ang gusto namin basta ma-defend namin ng ayos. Alam namin na sobrang galing ni Levi sa pagrereport. Na para bang, kabisado niya na yung buong topic na binigay sa kanya at napapaliwanag niya pa ng mahusay! Ang genius talaga ng crush ko!



"Sun is right. And we all know that this guy here is brilliant as ever. So we count on you Levi." Matamis na ngiti ni Less while sinasabi yun. Nag-ehem si Karl. Nag-goodluck lang si May at go go go kaya mo yan'. Napansin ko ang pamumula ng pisngi ni Levi. Di ko alam kung sa pag-asa namin sa kanya o kay Less. Blessed is weird when it comes to Levi. Iba eh. Di siya ganyan sa ibang lalake. Normal siya kay Karl o Dan pero pag kay Levi, all smiles siya at pacute. Ta, nagpapacute na si Less! Shocks.




"Yeah thanks. Let's continue this. Too many works for idling." Sabi ni Levi at balik uli sa apple laptop niya. Eh di kami na ni May ang poorita at smartphone lang ang pang-edit at research.


-----

Napipikit na ang mata ko ng may pumalakpak.



"GUYS! SIGURO BREAK MUNA! I NEED A BEAUTY SLEEP NA!" sigaw ni May na nagliligpit na sa lahat ng scratches at papel na kinalat niya.




"You're right May" sagot ni Levi na humikab na. Waaah, ang cute! Inaantay ko ang pagtili ni May na 'I know right baby ko' pero wala. Isang tango lang ang ginawa niya at tinawag si Less for confirmation. Tinignan ko si Karl at ta, humihilik na pala. Asensado. Pinitik siya ni Levi sa tenga at nagising sa gulat at sinabing 'what's that'.




"Alright. Let's call it a day guys" Sabi ni Less na nakangiti at halatang inaantok na din. Because hello, 2am na ho.



"Anong call it a day? Eh hatinggabi na! I thought na sa bed na ko..." Antok na sabi ni Karl. Mukhang nakakalimutan niya ang kausap niya. Tumawa lang si Less kay Karl dahil ata ngayon lang siya sinagot ng ganun ng lalakeng to. Eh playboy to eh.



"Oh sorry Karl. My wrong." Nag-chuckle lang siya uli at nililigpit na ang mga papel, books at notebooks na ginamit niya.




"Yah. I'm so very sleepy na oh. Saan ba matutulog? Yaan niyo na yang mga things sa table di na--- ARAY!!! ANO YUN PARE!!!" Sigaw ni Karl sabay hawak sa paa niya na mukhang inapakan ni Levi ng napakalakas.



"Would you shut up, this is not your house. G*go neto." Iritang sabi ni Levi na tapos na ligpitin yung gamit niya sa mesa.



"P*tek naman pre! Ang sakit ng paa ko!" Reklamo pa ni Karl. Nasisiraan na ng bait ang lalaking to. Nagbagong anyo siya. Iba to pag midnight.



"Sorry Bartolomeo, the idiot wouldn't stop. He really needs a room." Banas na sabi ni Levi. Patuloy pa rin ang pagtatantrums ni Karl. Nakapikit yung mata niya dahil sa antok.



"That's ok. Follow me." Sabi ni Less na may ngiti at lumakad palabas.



"Follow her Karl or else susuntukin kita para matapos na" Badtrip na badtrip na sabi ni Levi at sumunod naman si Karl.



"Grabe si Levi oh at mukhang wala sa sarili si Karl pag inaantok" sabi ni May na medyo tumawa. Si May ba to?



Sa guest room ang dalawang lalake at kami sa kwarto ni Less. May king-sized bed siya kaya pwede daw na magtabi tabi kami. Di naman daw siguro kami malikot at bahala na daw kung may malalaglag. Ang nangyari ako ang napagitna. Di naman gaano kasikip kaya sakto lang. Nagbihis nang pantulog si Less. At kami eh nagbaon ng pambahay naming damit. Mahihiga na sana kami habang nagkwekwentuhan sa buang na si Karl eh may kumatok. Binuksan naman yun ni Less at sumunod kami.



"Yes, Levi?" Tanong lang ni Less kay Levi na nakapambahay lang na damit. Shorts and white sando.


"Goodnight." Sabi ni Levi na nakatingin sakin habang simpleng nakangiti. Tinusok naman ako sa tagiliran ni May. What? Di ba siya magpapapansin kay Levi? O magagalit? Tawag niya lagi kay Levi ay baby. Dahil siya ang pinakacute na guy sa section namin. Magogoodnight na din sana ako ng di ko inasahan na nagsalita si Less.



"Goodnight also Levi" di ko makita ang ekspresyon ni Less habang sinasabi yun pero napatingin bigla si Levi sa gulat kay Less at namula.


"A-ah, yeah. Bye." Agad na umalis si Levi na walang tingin tingin samin. Tumawa si May bigla pagkapasok ni Levi sa guest room.


"Ano yun Blessed?" Tanong niya. Isinara ni Less ang pinto habang humanda na sa paghiga si May.



"Why are you laughing there May?" sabi ni Less at Medyo natawa din. Humiga na rin ako sa kama at sumunod si Less.



"The goodnight is not even for you. Para kay Sun yun ah. Crush mo si Levi nuh?" At ipinikit lang ni May ang mata niya at nakangiti. Tinignan ko si Less na di alam kung ano ang isasagot.




"Less, yung totoo? Gusto mo si Levi?" Grabe. Kasi kung oo, di ko naman kaya na i-busted ang crush ko din.



"Sorry Sun. I guess yes." What.



"OH MY GASH! SI BLESSED BARTOLOMEO MAY CRUSH!!!" Mukhang nagbabalik ang dating May. Nang marealize niya ang malakas niyang boses, humagikhik siya. "Sorry, nakakakilig lang."



Naguguluhan ako kung ano sasabihin ko o ano irereact ko. Happy ako kay Less kasi for the first time nakita ko siya na humanga. Akala ko manhid na siya forever. Kaso paano to? Gusto ko din si Levi.



"Uy don't be angry with me Sun! Promise! I wouldn't do anything na agawin siya or ano mang tawag niyo. I just... iiwasan ko na lang siya as long as possible" pilit na ngiti ang pinakita ni Less habang sinasabi yun. Bumuntong hininga ako.



"Hindi ako galit. Alam ko naman na di mo yun gagawin. It's fine kung medyo magpakita ka ng motives kay Levi. Don't worry."



"I'm so sorry Sun. I don't know what happen to me..." mahinang sabi niya na may konting pout.




"Eh matinik talaga ang lalakeng yun. Tignan mo, tatlo tayong may crush sa kanya!" Bulalas ko na lang. Ikaw na Levi. You.




"Hmm? Why also me? I don't have a crush kay Levi." Sagot ni May. Gulat ko lang na tinignan ang nasa kanan ko.


"Uy wag mo i-deny , halata naman May" sabi ko sa kanya at tumawa lang siya. Ay.






"Maybe back then, pero now, hindi. And.. that May.. is wala na. I like someone new already. And praising boys like that is a waste of time. Ang OA ko kaya"


"Buti alam mo." Walang malay kong sabi. Natawa siya ulit.




"Right but it ended. I'm the new May na. And the new guy I like now is Omi." And she giggles. What. Anong rebelasyon to. Wala akong masabi kaya pumikit na lang siya at ngumiti. "Yeah. Goodnight guys"




Tinignan ko naman si Less at nagkibit-balikat lang at nakangiti.



"Goodnight Sun."



"Goodnight..."




Gusto niya daw si Omi...



A Story and TreasureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon