Matthew
"Bakit Lexa?"
Pinilit kong kausapin ang ex nang bestfriend ko. Na kailan ko lang din nalaman nung sinapak niya ako pagkatapos kong ipakita ang picture naming dalawa.
"TINATANONG KITA!" Inis kong pigil ko sa kanya. Lagi niya akong iniiwasan nang magkabukingan na.
"Bitawan mo ko!" Hinila niya lang nang malakas mula sa pagkakahawak ko ang braso niya. Hindi niya ako matitigan nang maayos. "Look, di ko alam na bestfriend mo siya."
"Pero hindi yun yung point Alexandria! Yung point is may boyfriend ka na pala! Tinotwo-time mo ako! Naiintindihan mo ba?!" Frustrate na frustate ako sa ginawa niya.
"I'm sorry ok?!"
Napangiti ako nang mapait sa sinabi niya. Na parang wala siyang ginawang mali. Na parang siya pa ang nagmamalaki.
"Bakit?" Bakit niya to nagawa?
"Kasi ang kulit mo! Gustong gusto mo akong maging girlfriend so pinagbigyan lang kita! I'm sorry kung nagsinungaling ako sayo! Naging masaya naman tayo diba?" WOW. Minahal ba ako neto? O para lumaki lang ang ego mo?
"Ano lang ba sayo to Lexa? Palaro?! T*ngina naman!" Tumaas na nang tuluyan ang boses ko.
"Anong gusto mong gawin ko hah? Nangyari na ang nagyari. Naging tayo na at nalaman niyo na!"
"I can't believe you.." Napatingin lang sa sahig si Lexa. Nasilip ko ang sakit sa mga mata niya ngunit agad naman yung nawala at tumingin sa akin.
"I'm sorry..."
Gin*go kami nang babaeng to? Sa maamo niyang mukha nagawa niya yun sa amin?
Wala na akong sinabi pa at iniwan na siya doon. Well, 6 months lang naman yun. Parang contractual. Endo na niya. Pero ang masakit dito, masisira pa ang pagkakaibigan namin ni Henry.
Mahal na mahal siya ni Henry. Nakikita ko yun sa mga mata nang kaibigan ko. Sa tuwing nagkwekwento siya tungkol sa girlfriend niya na kahit walang kwenta o nakakaurat na pakinggan. Mahal niya ang babaeng yun.
At ako si tanga, di alam na shota na niya ang shota ko, sinira ang tiwala nang bestfriend ko.
Pumasok na si Henry nun pagkatapos niya akong sigawan at itaas ang middle finger niya sakin. Naiwan lang ay ang katulong niyang si Nana.
"Sige Nana babes, salamat hah. Maingit nga talaga ang ulo nang amo mo hehe. Sorry ah. Mmm. U-una na ako."
Nginitian lang ako nang babaeng hindi nagsasalita sa harap ko.
"Good night baby. See you na lang next time. Bye. Thanks." Ang lungkot talaga nang feeling pagkatapos nang 'matinong' usapan namin ni Henry. Tinalikuran ko na si Nana na nagkaway lang nang kamay at naglakad na ako paalis sa bahay na yun.
Bumuntong hininga na lang ako at ipinamulsa ang aking mga kamay at tumingala.
Dapat di na ako pumunta dito. Kita na ngang galit na galit pa sakin yun at siguradong sigaw at mura lang ang matatanggap ko. At heto na nga nangyari na.
Pero... "di ko naman alam.." Di ko alam na sila. Saka.. "minahal ko si Lexa.."
Anong oras na. At kailangan ko nang umuwi sa bahay. Nagugutom na ako at wala pang nalutong hapunan.
Binilisan ko na ang lakad ko hanggang makalabas nang subdivision na yun at makaabot sa highway. Naging maingay na ang paligid. Mga busina nang mga sasakyan at mga taong naglalakad o tumatakbo sa mga sidewalk.
Naisip ko na baka tama ang sinasabi nila Henry na ang tanga tanga ko pagdating sa babae. Kaya walang tumatagal sa aking babae dahil ganito ako.
Kaya mali mali rin ang napipili kong maging girlfriend kasi di ako wise.
Pero ano bang mali kong ginawa?
Nakakatagpo ako nang isang magandang babae, nililigawan ko at sinasagot naman ako.
Ginagawa ko naman yung tama. Kinakausap ko naman sila nang tama. Sinusunod ko naman yung gusto nila. Binibigay ko naman ang buong puso ko sa kanila. Ipinapakita ko naman na mahal ko sila. Ipinapakita ko ang pagpapahalaga sa kanila.
Pero bakit?
Bakit nagawa niyang magsinungaling nang ganun?
Paano niya nasikmura na lokohin pa ako?
Bakit parang ang cheap kong lalake?
May bumagsak na luha sa mata ko na agad ko namang pinunasan. Di oras para ngumawa ako lalo't nasa gitna ako nang kalsada.
"YUNG LALAKE!" Rinig kong may nasigaw.
"TUMABI KA IHO MAY SASAKYAN!"
Isang nakakasilaw na ilaw ang papalapit sakin. Ginawa kong umiwas ngunit huli na.
-----
"Ayoko na sorry."
Isa
"Magbreak na tayo.."
Dalawa
"Hindi na nagwowork Matt eh..."
Tatlo
"Sorry."
Ilang beses?
"This is enough."
I even couldn't count.
"I think.. we're done Matthew."
Di ko alam.
"Wala na.. h-hindi na kita mahal."
Bakit?
"Sino yung kasama mong babae?!"
Anong mali?
"Playboy!"
Paanong nagkamali?
.....
"Break na kami."
"Again?" Itinigil ni Henry ang paglalaro sa cellphone niya. Matagal ko nang gustong magkasmartphone pero di sapat ang hawak kong pera para bumili pa nang ganyan. "Bakit na naman? You know, stop mo muna what man ang ginagawa mo."
"Anong stop?"
"Di ka naman mamamatay nang walang girlaloo." Nagtuloy uli siya sa paglalaro nang phone.
"Anong pinapalabas mo? Na di na muna ako manliligaw?!"
"Correct. Nadali mo!"
Ikinakunot ko yun nang noo ko. Paano yun mangyayari?! "Tanga ka ba? Anong klaseng advice yan? Pucha."
"Alam mo kasi pre. Tsk. Nakakailan ka na ba ha? Tigil tigilan mo muna yan fre."
Sira tuktok neto. Paano nga kasi yun! "Alam mo 'fre', manahimik ka na lang. Ang tanga tanga nang sinasabi mo. Paano kayang titigilan ko. Dapak men."
Lumumbaba na lang ako at inaantay namin sa railings ang pagdating nang propesor naming laging late o laging wala.
"Don't try every girl bro. Na akala mo soulmate mo. Stop flirting every single person with boobs and wearing panties. And love them like they're your f*cking asawa! Dude ji-ep mo palang yung tao."
Nagsalubong ang kilay ko sa sinabi niya. Ipinapalabas niya pang mukha akong bobo sa babae.
"Pinagtatatalak mo?! T*ngina mo hindi ako ganun!"
"Namura pa ako oo!" Ibinaling niya ang mata niya sakin. "Matthew ang sinasabi ko, maghinay-hinay ka pagdating sa babae."
Di ako makapaniwala sa sinasabi nang gunggong na to. Ginawa niya pa akong adik at manyakis pagdating sa babae.
"Hoy Henry pag di ka pa tumigil. Susungalngalin kita g*go. Kung anu-ano lumalabas sa bibig mo di naman tama." Tuluyan nang lumukot ang gwapo kong mukha.
Bumuntong hininga lang siya pagkatapos nun. "Matt.. concern lang ako sayo, yang sinasabi mong pag-ibig.." Tinignan ko lang siya. Seryoso yung mukha niya. "Binibigay yan nang tama... Binibigay yan sa tamang tao at panahon."
Nakita kong paparating na ang prof namin.
"G*go anong sinasabi mo. Tara na."
Natawa na lang siya nang marahan at sumunod sakin pumasok sa room.
"Matt.. bigay mo sa tama.."
-----
Bumuntong hininga ako pagkalabas nila Nana at Henry. Sa wakas, nagkaayos din kami nang ungas na yun. Kailangan pa talagang maaksidente ako para maghumiyaw siya at patawarin ako.
Pagkamulat ko nang mata mula sa aksidente ay mga magulang ko ang nasilayan ko na nagbabantay sakin. Mabuti at di daw ako napuruhan nung kotse. Dahilan din siguro ako'y nakaiwas nang kaunti at nakapagreact bago mabundol nang kotse.
At meron akong hinihintay... kung darating nga ba siya.
Pero sino namang magbabalita sa kanya na naospital ako. Asa pa akong may concern pa sakin ang babaeng yun. Baka nga di naman niya ako minahal at trip niya lang akong maging boyfriend.
Tsk. Nakakaawa ang sarili ko.
Baka nga lahat nang naging syota ko puro laro lang. Hindi seryoso.
Samantalang ako sineryoso ko naman yun.
Laking gulat ko nang bumukas ang pinto at niluwa dun ang babaeng akala ko di pupunta.
"L-lexa.."
"Matthew.." Binigyan niya ako nang isang malungkot na ngiti at dahan-dahang naglakad palapit sakin.
Bakit ko ba siya inaaasahan? Bumalik na naman tuloy ang sakit nang panloloko niya sakin. Naisip ko na ang kapal nang mukha niyang pumunta dito.
"Anong ginagawa mo dito?" Halos ibulong ko na lang ang tanong ko sa kanya.
"Kamusta Matthew? Ok ka na ba?"
Nakaramdam ako nang saya sa loob ko. Nakakabanas ang sarili ko.
"Ayos na. Wala namang malalang injury."
"Buti naman." May relief sa tono nang boses niya. Gusto ko malaman kung minahal niya ba ako kahit konti. Pero para saan pa. Nakakainis ka na talaga Matthew. "Magiingat ka kasi."
"Pakealam mo ba." Medyo nainis ako dahil sa sinabi ko. Dapat di ko na yun sinabi pa at nanahimik na lang.
"Nagalala ako Matt, after nang breakup natin. Sobrang.."
"Naguguilty ka?!"
Nanlaki ang mga mata niya at nangingilid na ang kanyang mga luha. Inalis ko ang tingin ko sa kanya dahil baka anong katangahan ang masabi ko dahil sa mata niya. "Ok na ako Lex, saka nandito pa si Henry, buti pa umalis ka na bago pa magkagulo uli." Ngayon ayos na kami nang ugok na yun.
"R-right. Bye Matt. Take care." Tumalikod na siya. Tinignan ko lang yun.
Madami akong katanungan tungkol sa ginawa niyang panloloko samin.
Kaya di ko napigilan ang sarili ko maging isang malaking tanga na naman para magtanong.
"Minahal mo ba ko Lexa?" Agad siyang napatigil sa paglalakad nun. Pataas baba na din ang balikat niya. Tuluyan na siyang umiyak.
Hanggang sa hinarap niya ako. Patuloy lang siya sa pagluha. Bawat patak parang nakakasaksak.
"I'm sorry Matthew.." Lalo nang sambitin niya yan.
"Yes minahal kita."
Ikinagulat ko ang sunod niyang sinabi. Nagtanong ang aking mga mata nun.
"And I'm sorry kung niloko ko kayo. I'm really sorry. Y-yun lang ang magagawa ko, ang magsorry of what I did. I don't deserve you or even Henry. I'm a b*tch and a f*cking liar."
Tama ka dyan. Youre a b*---nvm.
"Sabihin mo yan kay Henry, Lexa."
"Yeah. I-I'm sorry if I'm one of those b*stards out there na nagtwotime. Di ko rin alam kung bakit ko yun nagawa."
Alam kong alam mo kung bakit mo to nagawa.
Greed.
Ayoko nang sabihin pa ang ibang dahilan kung bakit.
Tinignan ko lang ang kamay ko na may dextrose. Naaksidente ako dahil sa sobrang pagiisip. Pag-iisip sa kanya. At sa pagiging tanga ko.
"I-I'll go now." Pinunasan niya ang mga luha sa pisngi niya. Ngumiti siya nang mapait. "P-pagaling ka. See you."
Wala na akong sinabi at tuluyan na siyang lumabas nang kwarto.
Napaatungal na lang ako nang iyak.
"Baste?" Pangatlong araw ko na dito sa ospital at maaari na akong lumabas sa makalawa. Di ko inaaasahan na bibisitahin ako nang taong ilang oras ko lang nakausap.
"Elizabeth?!" Lalong gumanda ang araw ko nang makitang kasunod siya ni Baste. Sino ba ako para bisitahin nang mga to?!
"Hi Matt!!!!! Kamusta ka na?!!! Mukhang ok ka naman na ah!!!" Napakasiglang nagtatalon si Baste papalapit sakin. Parang uminom to nang isang malaking pack nang Milo.
"Di ko alam na pupuntahan niyo ako." Mangiyak ngiyak na sabi ko. Di ko kasi akalain to. "N-natouch ako!!!!!" Agad umiwas si Elizabeth nang subukan kong yakapin siya. Halos ikalaglag ko yun mula sa kama ko.
"Nagalala kami nang sobra nang mabalitaang naaksidente ka pala kaya di ka nakapunta sa meet-up natin!" Bakas na bakas ang pagaalala ni Baste habang nagsasalita.
"Ah ehh.." Naramdaman ko ang pagingit nang mukha ko sa pagbisita talaga nila. "G-grabe thank you sa pagpunta ahh. Sobrang naaappreciate ko ang pagbisita niyo sakin."
"Baste contacted you. Ang parents mo ang sumagot. Then they tell him what happen. Ok ka na ba?" Matamis akong nginitian ni Elizabeth.
"Ah oo naman beautiful! Lalo na't binisita mo ko! Binuo mo ang araw ko!" Medyo napangiwi siya sa sinabi ko.
"Buti naman Matt. Di din natuloy ang lakad syempre. Sayang nga ang pagpunta ni Karl." Baste.
"Pumunta pala yun, wala siyang sinabi." Lungya na Karl yun. Wala man lang ibinabalita na sumipot pala siya. Pakipot pa ang g*go na walang interes pumunta.
"Here." Inilapag ni Elizabeth ang paprutas niya. Ang saya saya ko na para pala yun sakin.
"Uy thank you my baby!" Halos maging bituin ang mata ko sa sobrang kasiyahan. Si Elizabeth na ba ang future wife ko?
"Mukhang ang happy happy mo Matt ah! Wala bang nakapagbigay sayo nang pakwan?"
Napangiwi naman ako sa lalakeng to. Medyo nakakawala nang mood eh. "Syempre meron nuh ang peymus ko kaya! Ikaw ba naman bigyan nang prutas ni Elizabeth di ka ba matutuwa? Diba bethsi~~"
Tumikhim lang si Elizabeth sa sinabi ko at nginitian ko lang siya.
"Haha ayaw ni Elizabeth tinatawag siyang baby o kung anu anong nickname. Lalake kasi talaga yan eh! Mas lalake pa ata to sakin eh hahaha! Ang jologs daw. Eh nakakakakilig nga pag ganun eh!"
"Baste! Shut up!"
"Pero dapat may kadugtong pa yan na 'sasapukin kita!' Hhahaha!" Sinapok nga siya ni Elizabeth. "Waaa! Violence!"
"Kailan ka makakalabas Matthew?" Pagiiba ni Elizabeth nang usapan.
"Sa makalawa na. Gusto ko nga bukas na ehh. Nakakabagot dito grabe."
"I'll buy drinks. Dyan muna kayo."
"Hah?! Naku Elizabeth w---" Pero mabilis siyang nakalabas nang kwarto at di ko na siya napigilan. "Di na dapat siya nag-abala! Hoy Baste! Di ka man lang nagprisinta na bumili! Eh di dapat nasolo ko si Elizabeth!"
"Hay naku Matt, di ka type nang babaeng yun! May kinakikiligan na yung lalake! Minsan nga lang yan magtititili pagdating sa lalake akala ko nga tomboy na siya!" sinabi niya yan sa seryosong mukha.
"Bakit sila na ba nung lalakeng 'kinakikiligan' niya?! Di hamak na mas gwapo pa siguro ako dun. Liligawan--" Bigla akong napatigil sa sinasabi ko. Liligawan? Oo liligawan ko.
Pero...
Di ko na natuloy ang sasabihin ko. Iniisip ko baka mangyari na naman sakin yun. Masasaktan na naman ako. Magmumukhang tanga.
Di ko alam kung ilang minuto akong nanahimik.
"Ano? Liligawan mo yun? Diba wala ka ng girlfriend?" Medyo nagulat ako sa pag-imik ni Baste. Nakalimutan kong may kasama pala ako.
"Ha. ah. Oo! Kaya nga liligawan ko eh!"
"Bakit manliligaw ka kaagad?"
"Eh anong---teka ano bang pake mo dyan? Sa ganda ni Elizabeth, sinong di mabibighani?! Gusto ko siya."
Kumunot ang noo niya.
"Ganun kabilis?"
Mabilis? Anong mabilis.
"Ang gulo mo, eh sa nagustuhan ko na siya eh."
"Paano yung ex mo? Di mo na siya mahal?"
Pumasok sa isip ko kaagad si Lexa. Yung ginawa niyang panloloko at ang maamo niyang ngiti.
Ano bang pake nang isang to. Ang personal na neto ah.
"Hoy ikaw na ba yan Kris Aquino? Iniintriga mo pa ko. Gusto ko siya tapos."
Tinawanan niya lang ako.
"Nakakatawa ka kase Matt! Hahaha. Di mo binibigyan nang break ang sarili mo kakahanap! Di ka napapagod?" Sabi niyana tatawa tawa na akala mo binanatan ko siya nang joke.
Napagod?
"Here are the drinks guys!"
Teka. Ang bilis niya makabili ah? Oh sadyang matagal akong magisip o matulala ngayon.
"Yown! My orange juice!!!!! Thanks Beths!!!!" Hiyaw niya at para siyang bata na patalon talon na lumapit kay Elizabeth.
Magkasingtangkad lang sila ni Baste dahil nakaheels si Elizabeth. Maliit para sa isang lalake si Baste.
Ngumiti lang si Elizabeth. "Stop that." Ginulo niya ang buhok ni Baste pero wala lang to sa lalake na excited na nilalagyan nang straw ang orange juice. "Damulag ka na Baz. Para kang bata."
Kahit kailan wala pang humawak sa ulo ko nang ganun.
Having a girlfriend. It's all about making-out or whatever.
'Di ka napapagod?'
Anong ibig sabihin nang sinabi niya?
Ibinaling na ni Elizabeth ang tingin sakin at ngumiti. "Here's yours." Iniabot niya ang isang chocolate caramel. "Are you ok? Tumahimik ka. Is there something wrong?"
Wrong?
"Ha? Wala haha wala. T-thank you!" Agad kong kinuha ang inumin at nilagyan nang straw.
"Elizabeth so funny! Liligawan ka daw ni Matt haha!"
Agad nagingit ang tainga ko at pinanlakihan ko siya nang mata kaso ngiting ngiti lang ang idiot. Bakit niya ako binubuking?! At saka bakit kailangan ipagsigawan niya yun kay Elizabeth?!
"Hey! What are you talking about Baz?! Nakakahiya ka. Tigilan mo na ang pagiging childish mo. I'm warning you."
Ngumuso siya. Nakakasura ang mukha niya sa kanyang ginawa.
"I'm sorry about that Matthew But.. don't even try it trust me." Sweet niyang sabi.
Napanganga na lang ako. Hanep to, pagkatamis tamis pa naman nang pagkakasabi niya pagkatapos rejected ako agad! Wala pa nga?!
"Anyway! Magkita kita uli tayo Matt sa makalawa. Di ko pa naman nakakalimutan yung pramis ko sayo. Marami pang mas maganda kay Elizabeth~~~"
Napatawa ako dun. Oo nga pala!
"I guess I need to go Matthew. Get well soon."
"Ha pero!!!" Di ko siya masyado nakausap! Bakit kasi bumili pa siya nang juice! "Kararating mo pa lang ah! Stay ka muna!"
"Hala hala hala Beths! Aalis ka na kaagad?! Paano ako?! Ayoko pa umalis!!!" Parang bata siyang nagmaktol sa harapan ni Elizabeth. Ilang taon na ba ang surot na to?
"Tumabi. Ka. Sebastian. I don't want to disturb your girl-to-girl talk"
"G-girl? A-anong girl? Ehhh naman Elizabeth ehh!! Talaga namang may mas maganda pa sayo sa church----"
"Baz."
"Ayan na nga ehh. Bye bye Beths! Thanks sa pagsama mo!"
"Y-yes. Thank you baby!!! See you soon!!! Mag-ingat ka sa daan!!!" Masigla kong paalam sa kanya. Pinasaya niya ang boring kong araw.
"Nakakatakot talaga ang mga babae!" Tuluyan nang nakaalis si Elizabeth at nagsara ang pinto.
"No they are dreamy~~" Inaaalala ko kung paano magsway ang dress ni Elizabeth sa bawat galaw niya. Napakaelegante. Nakakaakit! I want her to be my girlfriend!
"Dreamy?! Baka nightmare ahahahaaha!"
Nabanas ako sa comment niya. Bakit ba nandito pa ang ungas na to. Kanina pa ako nauumay kasama siya.
"Hoy bading ka ba?!"
"Haha pag nakilala mo si Elizabeth. Pipiliin mo na lang icuddle ang pusa! Waaah my pershy!!!" Sabi niya na may iniimagine siya na may kayakap.
"Anong pershy?" Bading ata ang isang to. Di ako makarelate sa mga sagot niya. Malala pa siya kay Henry.
"Alaga ko si Pershy! Pusa siya!"
"Aba'y malamang pre?!" Persian cat. Ang galing mo gumawa nang pangalan tol.
"Di ko alam kung bakit gusto mo siya ligawan eh ang dami daming namang cute sa mundo! Tulad na lang nang racoon hahaha!"
Saglit lang namin nakasama ni Karl ang isang to pero feeling neto kilala na niya ako since birth. Epsi ang powtek.
"Hoy ang bading mong magsalita. Potek pare bakla ka ba?"
"Wag mo kong insultuhin Matt! Alam ko ang kasarian ko! Wag mo kong inaano!"
Niroll eyes ko na lang siya. Well alam ko naman pag bakla ang isang tao. O kaya naman ay paminta. Diba nararamdaman naman yun?
"Alam mo umuwi ka na lang kung di ka naman matino kausap. Nakakatawa ka na eh!"
Huminto siya kakalikot sa harap ko. Napakanimated niya kanina pa. Nahihilo ako sa pagiging kiti kiti niya sa totoo lang.
"Itatanong ko lang, ano bang meron at gustong gusto niyong magkagirlfriend, masarap ba?" Umupo na siya *sa wakas* at nagtanong sa seryosong mukha.
Nginisihan ko siya. T*ngina neto nagbibiro ba to o ano.
"Syempre masarap."
"Ahhhh." Tango niya na akala mo tinuruan ni Kuya Kim.
Kaya hinampas ko siya sa braso.
"T*ngina mo tol anong tanong yan. Saan ka ba pinanganak." At tumawa tawa lang ako.
"Ah masarap. Paano?"
Napatigil ako sa pagtawa. G*go ba to?
Habang tumatagal naiinis na ako dito ah. Seryoso ba siya?
"Tanong mo sa lolo mo."
"Weh."
"Baliw ka na?"
"Joke lang ito naman!"
"Pwes ang weird mo!"
Tumawa na lang siya pakatapos nun.
"Pero nakailan ka nang girlfriend?"
Tinaasan ko siya nang kilay.
"Madami. Ikaw?" Hula ko wala.
"Wala pa."
"Haha I knew it! Kawawa ka naman pre. Gusto mo ba, turuan kita nang mga tips?"
"Bakit madami kang naging girlfriend?" Di niya lang ako pinansin at nagtanong uli. Pake ba neto sa lovelife ko.
"Ha??? Kasi ang gwapo ko?"
Parang biglang nagbago ang ekspresyon nang mukha niya. Nawalan nang sigla ang mata niya pero nakangiti pa din siya.
"Dahil... di mo alam .. kung tama bang... magbigay?"
Ha?
Ikinasalubong ko uli yun nang kilay.
"Ano?"
"Wala! Hahaha!" Bumalik uli siya sa pagiging mukhang bata. "Asan pala parents mo?"
He's weird.
"Ewan. Pero bumibisita sila."
"Bakit di mo alam?"
"Broken family."
"S-sorry."
"Ok lang. Matagal ko nang tanggap yun. Sanay na rin akong independent." Tumawa ako pero lumabas lang yun na malungkot. "Eh ano palang course niyo ni Elizabeth?"
"Ahhh kami?! Magclassmate kami. Psychology."
"Ohhhh." Kaya naman pala. Ang weird niya. "Kaya pala ang labo mo kausap."
"Ha ang linaw linaw ko kausap ah!"
Whatever.
"Nga pala Matt bakit ka nasagasaan? Di ka ba tumitingin sa stop light?"
Dahil..
Dahil sabog ako sa kakaisip kay Lexa at Henry. Sabog ako kung bakit nagawa niya yun sakin. Gusto ko malaman kung anong kulang sakin.
"Gusto ko malaman kung anong meron si Henry na wala ako."
"Ha?" Takang takang tanong ni Baste.
"Ha ano?! Ha ah eh wala! May sinabi ba ako?!" Oh sheyt nasabi ko ang dapat ay sa loob ko lang. Saka pabulong lang yun ah! Ang lakas naman nang pandinig neto.
"Bakit mo naman kinukumpara ang sarili mo kay Henry?" Aba parang kilala na niya si Henry ahh.
"Oy di ko naman kinukumpara noh! Wag mo na nga yun intindihin! Nasagasaan ako kasi akala ko red light pa din! Medyo mabagal akong maglakad."
"Ah ganun."
"Teka di ka pa ba uuwi?"
"Ayy pinapauwi mo na ako agad?" Sabi niya habang nakanguso.
"Ang weird mo tol!" Tama nga ang sabi ni Karl. Isa siyang geeky or nerd something kaya ang weirdo. At hate daw ni Karl ang kind niya. Potres nauurat lang ako sa kaartihan nang isang yun.
"Diba bibisita mga kaibigan mo dito?"Ano. Gusto niya pa bang makilala ang mga yun. Ayaw na nga sa kanya ni Karl.
"Ewan ko lang. Magaling naman na ako kaya tatamarin lang ang mga yun."
"Gusto ko kasi sila makilala eh! Konti lang kasi ang mga kaibigan ko!" Kasi weirdo ka.
Medyo naawa naman ako sa isang to. Ugh erase that, palagi niyang kasama Elizabeth, maswerte na siya nun.
"Makikilala mo din sila kung gusto mo isasama ko pa sila."
Bigla siyang napatayo at parang sinapian siya nang milo everyday. "Talaga?!"
"Oo at saka mahilig ang mga yun mag LOL, may account ka ba? Mas magkakasundo kayo nang mga yun sure ako."
"W-wala akong LOL." Nalungkot naman siya nun at umupo uli. Halata namang wala. Hitsura pa lang niya.
"Wala din ako ehh."
Nagulat naman siya sa sinabi ko.
"Wala akong panggastos, mukha mang masaya maglaro nun, natry ko na kasi nang isang beses, di ko na sinubukan magpakaadik, ikakain ko na lang kaysa ilaro."
"Wow."
Natawa naman ako sa hitsura niya. Hangang hanga lang boy. "Wow talaga nuh. Ganyan ako kapursigidong mag-aral. Lalo na't pinapatunayan ko sa tatay ko na kaya kong tumayo sa sarili kong paa pagkatapos niyang... mangiwan."
Ngumiti siya. Napangiti din ako. "Oh ano eleb ka nuh? Haha."
"Nice one." Naghigh five lang kami.
-----
Maraming nangamusta sakin pagpasok ko nang school. Marami akong namiss na mga lesson buti na lang may nerd kami sa grupo *Levi* at nakakopya ako nang mga notes.
Eto namang si Tom binomba ako agad tungkol sa thesis. Nangangayayat na daw talaga siya dahil kulang ang grupo. Wow mukha bang tumataba siya para sabihin yun.
Kinumusta din ako nang mga amo ko sa mga part-time ko. Lalo na sa tutorial ko sa isang music class. Well ako ang nagtuturo. Imba ata to. Raketero. Gwapong raketero.
Pagkatapos nang last class ko sa araw na to. Dali dali kong niligpit ang mga gamit ko at sinakbit ang bag ko. Kailangan ko magmadali sa music class ko para makapunta pa ako kina Elizabeth. Well eto ang pinakahihintay ko sa araw na to.
Di ako excited dahil lang kay Elizabeth.
Baka kasi panahon na para intindihin ko kung paano----
"F*ck Matthew! HOY MATTHEW!"
Natulili na ako sa kakatawag ni Karl. Nasabi ko nang busy ako ngayon! After nang music class ko pupunta pa ako sa Jollibee para magexcuse na ilipat muna ako sa panggabi. Ngayon lang.
"Naknampucha." Huminto naman ako sa pagtakbo. "Ano yun?!"
"Para kang bingi eh! Kanina pa kita sinisigawan!" Badtrip yung mukha niya.
"Bakit nga?! Dalian mo masyado akong peymus para sayo!" Sa totoo lang kailangan ko nang umalis.
"G*go ka! Si Elizabeth.. uhm.." T*ngina ang torpe naman nang isang to! Siya ba ang pinagmamalaki nang grupo na playboy prince? o prince of dumb*ss kingdom?!
"P*tang*na ano?!!!"
"ARGH! PUPUNTAHAN MO BA SIYA KAYA KA NAGMAMADALI?!"
"G*go hindi!!! May music class ako dapak ka!!!" Sinimulan ko na uli tumakbo pero inawat niya ako pero di ko siya pinansin.
"Bastusan ka! Saglit nga Matthew!" Hinahabol niya lang ako hanggang sa maabutan ako.
"Ano bang kailangan mo Karl?! Seryoso! Malalate na ako sa class ko!"
"Feeling teacher ampucha." Di ko siya pinansin at malapit na ako makalabas nang gate. "Erm. Sabay ka na sa kotse ko."
Nanlaki ata ang tainga ko sa sinabi niya. T*ngina. Libre agad ang naisip ko. LIBRE! Napakabigword!
"Tara!" Agad akong pumunta sa parking lot at hinanap ang kotse niya. Di naman ako nahirapan dahil sa kalayuan may manong na nakatayo dun. Kilala ko ang hitsura nang driver neto.
"P*tang*na mo talaga." Sabi niya pagkaupo namin sa loob nang kotse. Tatawa tawa siya.
"Yun oh! Kuya manong sa may Libertad Musics!" Sumandal ako. "Haaaay nakatipid ako!" Bigla kong naisip si Karl. "Ay t*ngina Karl salamat! Bakit pala pinaservice mo ko?! Ano bang kinain mo kanina?! Lagi mo yung kakainin huh." Masayang masaya kong sabi sa kanya.
"Sasama ako sayo kay Elizabeth." Nakacrossarms siya at nakadekwatro.
"Ha tanga ka ba?" Nakapagtataka ang isang to.
"WHAT'S THE TANGA DUN?!" Hirit niya kaagad. Talaga namang sinamaan niya ako nang tingin. Powta ayoko talaga sa konyo.
"What's the tanga dun is I'm going to my music class and go to the Jollibee and you'll wait for crying out loud!" Ginaya ko kung paano siya mag-ingles.
"Nakakadiri ka pare! Wag ka na mag-ingles! At alam ko yun!"
"Oh bakit nga?"
"Nothing."
Nagtaka lang ako sa kanya. Ano to bumait siya pagkatapos ko maaksidente. Ayos naman pala eh haha!
"Eh kasi sir Matthew." Kahit naiilang ako tawaging sir gaya neto ni manong driver ni Karl at yung cute na katulong ni Henry si Nana babes, medyo natutuwa ako kasi kahit papaano tinitignan nila ako na katulad nang mga amo nila. "Bantay sarado po siya kay Sir Vince."
"Sheyt manong! Why ang daldal mo na lately!"
Oh? Si Tito Vince chinicheck na ang anak niya. Nakilala ko na siya minsan, isa siyang cool na tatay kaso hindi maganda ang relasyon nila ni Karl.
"Haha talaga manong? Nice nice! Ang alam ko kasi dapat nasa bar na to nang Timog, nagpaparty party." Minsan gusto ko din makapasok sa isang bar. Gusto ko makita kung paano magenjoy ang tulad ni Karl na mayaman.
"That frt is a pain in the *ss"
"Kawawa ka naman boy. Bakit kasi hinigpitan ka ni tito?"
"Ewan ko ba! He's sticking on my nose! Irita men"
"Oh pati ilong pala?"
"Do you even understand what I'm saying f*ck!"
"Chill lang tayo pre"
Masayang masaya lang ako. Kasi naman hindi basta basta nagpapasakay si Karl sa kotse nila or niya. Ewan kung may kotse ba siya.
One day, magkakakotse din ako. You'll see.
You'll see...
"Eh Karl.." Naalala ko naman uli tong ugok na to na ngayon ay may nilalaro sa phone niya. "Sigurado ka bang aantayin mo ko sa pagtututor ko?" Sayang naman yung oras niya diba. Highblood nga siya pag naaabala sa pokemongo.
"Sure as h*ll."
Psh. Eh di wow. Ikaw na sure.
"Okay!" Sinandal ko na lang ang sarili ko at nilagay ang braso ko sa ulo ko para gawing unan.
Sarap matulog. Walang kaingay-ingay ang sasakyang to kundi mahihinang mura ni Karl dahil sa nilalaro niya.
"Wake up Matthew!" May nag-alog sa balikat ko. Idinilat ko ang mata ko. "We are already here."
Tinignan ko ang labas. Oo nga.
Binuksan ko naman agad ang pinto at lumabas.
"Hey wait for me!!!" Pinabayaan ko lang siya at nginitian si manong guard sa may entrance.
"Manong Ram wazup!!"
"Oh Matt naandyan ka na pala. Ok lang naman. Kamusta hah, ayos na ba ang mga sugat mo?" Kasabay nun nang pagaabot ko sa kanya nang I.D ko.
"I said wait for me! Are you that deaf?!" Bago pa ako makasagot, binanas na naman ako nang konyong to.
"Oh Matt may recruit ka uli?"
"Excuse me? What recruit? I'm not magtuturo or something here. Do I look na---" Maarte niyang sagot.
"Ohhh jusko kuya! Kaibigan kong mahadero pala pasensya na ah! Isasama ko lang sa klase ko, interedado daw ehh."
"What--"
"Ah ganun ba."
"Oh sige kuya Ram una na kami. Kwentuhan na lang sa susunod!" Kinawayan ako pagkatapos ni manong at nagtuloy tuloy na ako umakyat nang hagdan.
"So much of your business!" Nakasunod lang ang isang to.
"Oy Karl wag ka ngang magulo dyan! Tinatanggal ko na nga yang pagkabagot mo! Sumosobra ka naman!" Ang sungit sungit kasi nang g*go. Dinudugo na ako sa kakaingles niya.
"You! Psh! I'm not sumusobra! Whatever." Sa lahat, siya ang pinakaspoiled brat samin. Sobrang bully na nga , brat pa. Saan ka pa.
"Ayan dito na tayo. Magbehave ka Karl. Sit behave ok." Binalaan ko siya bago buksan ang pinto.
"Don't treat me gaya nang dog. How stupid." Nakacross arms lang siya at nakatingin sa pinto.
"You're the stupid." Lumukot ang mukha niya pero dinedma ko lang at binuksan ang pinto.
Agad naman akong naexcite nang makita ang dapat kong turuan last week kaso hindi natuloy dahil sa accident ko.
Tinuturuan ko sila mag-drums. I have here 5 students.
It's just a 7 days tutorial basically pero depende sa galing mong matuto, pwedeng maextend if talagang nahihirapan. May binibigay namang sched para sa kanila. Pwedeng 2 times a week o araw arawin nila kung nagmamadali. Pero mas magandang may agwat ang araw nang tutorial para nakakaself-study sila.
I know how to use guitar and drums. At iyon ang itinuturo ko.
Nagpapasalamat din ako dahil nagagamit ko ang talento ko para magkapera nang ganito kahit maliit lang.
"Hi kuya Matt!" Bati sakin nang lima. Yung tatlong babae at isang lalake ay college na. At yung isa ay kaedad ko.
Huminto ako sa pagaaral nung high school since humiwalay ako sa mga magulang ko. Bente uno anyos na ako.
Pero di halata mehehe.
Kinumusta lang nila ako kung okay na ba ako sa aksidente ko at pinagawa ko sila nang basics. At dapat lang kabisado na nila.
Di muna sila sa drums kundi sa mga dummy muna, warm-up lang. May grades din naman ang mga ginagawa nila. At may module sa aking binibigay ang management.
"Kuya Matt, sino yun?" Tanong ni Kelly na mukhang hindi nagpopokus sa pinapagawa ko. At tinignan din ako ni Candice na may pagkainteres dun sa sa ugok na yun na busy sa phone niya.
"Nakikisit-in lang, pinabayaan ko na kawawa ehh haha." Mukhang nakaramdam si Karl at tumayo mula sa pagkakaupo niya.
"He's coming here!" Hirit naman ni Vine na nakikinig din pala samin. Halata namang kinikilig ang tatlong babae at nanahimik lang nang malapit na si Karl.
"Hi ladies." Pagkalapit samin agad siyang kumaway sa kanila.
"Hi po!" tugon naman nang tatlo.
"Hey!" Bati din ni Karl sa dalawang hindi naimik dahil busy sa pagprapraktis at sila ang best students ko. Si Ren at Ana.
Tumango lang ang dalawa sa kanya.
"I'm Karl, his classmates. Nice to meet you guys. And tama, nakikisit-in nga lang ako here but seeing such pretty girls I guess I'll enroll in this class." Kinindatan niya yung tatlong babae na titig na titig sa kanya. "I hope you don't mind me staying here for a while"
"Ok lang po kuya!" Sagot kaagad ni Candice. "And ako naman po si Candice. Daisy na lang in short!"
Nagpakilala na sila ng sunod sunod sa kanya. At yung dalawa ay binanggit lang ang mga pangalan nila na may ngiti at bumalik sa ginagawa nila.
Nagkaroon naman na nang kwentuhan ang tatlong babae at si Karl.
"Hoy Karl, nakakaistorbo ka oh." Pagbibiro ko sa mokong.
"Naku teacher Matt!" Malambing na tawag sakin ni Kelly. Minsan niya lang akong tatawaging teacher pag may kailangan siya. "Saglit lang po ito teacher, iinterviewhin lang namin si kuya Karl. Don't worry gwapo pa din po kayo! Pinakagwapong teacher teehee!"
"That's right bro. Do your business there okay. But unluckily, mas gwapo talaga ako dude." Tangek to, sila nga ang business ko dito. Ang turuan sila.
Ngumiti na lang ako. "Ewan. Alam kong higit akong gwapo sayo. Hey girls, pakibilisan yung pagkasawa niyo sa mukha niya."
"Back off dude." Sabi niya lang at ibinaling uli ang atensyon sa tatlo.
Okay pagbibigyan ko sila dyan basta siguraduhin nilang may mahahampas sila pag inilagay ko sila sa harap nang drums.
"Matthew."
"Mm! Ana!" Medyo nagulat naman ako sa kanya dahil bigla ba namang nagsasalita at nasa tabi ko na. "Yes, may tanong ka ba?" Magiliw ko lang siya tinanong. Wala man lang kahit anong ekspresyon ang mukha niya.
"Handa na ako magplay para sa basics"
Ang bilis naman ata?
"Ah g-ganun ba?" Pag-aalangan ko. Tinignan ko sila. Si Ren eh nasali na nang tatlo sa usapan nila kay Karl pero gumagalaw pa din yung kamay niya, hinahampas niya pa din yung stick sa dummy.
At mukhang yung tatlo hawak lang ang mga stick pero wala pang nasisimulan.
"Eh kasi Ana." Siya lang ang tumatawag sakin sa pangalan ko since magkaedad lang kami. College graduate na din siya at nagwowork na. Buti pa siya nakaraos na. "Uhm, di pa kasi tapos ang mga kasama mo sa pagprapraktis, uhm, eh wait ka lang muna dyan."
"Hihintayin ko sila?" Mahina niya lang na sabi pero nakataas ang isa niyang kilay at parang sinasabing 'ako-pa-ba-ang-mag-aadjust-look.
"Sorry Ana, p-praktis ka na lang muna uli sorry talaga." Pakikiusap ko na lang sa kanya. Medyo intimadated ako kay Ana dahil graduate na siya at may ipagmamalaki na.
Umupo na lang siya sa pillow chair at nagcross arms nakatingin sa mga kasama niya.
Paktay ako neto pag nag-feedback to sakin nang pangit. Patatamain ko na sana sila Karl sa pagkwekwentuhan nang magsalita siya.
"No. It's ok. Just let them be. Umupo ka na lang dyan." Utos niya.
At minsan kung makautos talaga siya wagas. Pero may manner naman at conduct. Tulad na lang nang may itinanong siya sakin at pinigilan ba naman akong palapitin sa kanya at sabihin na lang ang sagot at di na kailangan pang alalayan o lapitan ko siya.
"Ahh o-okay. Sure ka ba Ana? Baka kasi naiinip ka na talaga."
"Naiinip talaga ako."
"Ganun ba. Uhm ganito na lang, kwentuhan tayo." Humarap ako sa kanya at nginitian lamang siya at inintay ang kanyang sagot. Ayoko namang magkaroon ako nang bad feedback mula sa mga tinuturuan ko.
"O-okay. Sige"
Lalong lumapad ang labi ko sa pagsakay niya sakin.
"Eh kamusta naman tayo Ana?"
"Ayos lang." Sabi niya na hindi tumitingin sakin. Isa pang napapansin ko sa kanya hindi siya tumitingin sa mga mata nang kausap niya.
"Saan ka nga pala nagwowork?"
"Nagresign ako."
"Oh? Bakit?"
"Kasi malayo."
"Sayang naman yun!" Kahit malayo dapat pinagtyagaan pa rin niya diba? Ang hirap kaya makahanap nang trabaho ngayon.
"Nope."
Napatango na lang ako sa kanya.
"Ano palang course mo? Connected ba to sa pagkatuto mo sa guitar and drums?" Katatapos niya pa lang kasi matuto sa gitara. Naging estudyante ko din siya sa guitar pero dalawang araw lang ako nakasched sa kanya.
"Hindi connect." Nagtaka ako nung tinitigan niya ako habang binigkas yun.
"Hobby mo lang talaga nuh?" Masaya kong tanong. Hobby ko din kasi talaga maggitara at magtambol. Nakakawala nang stress at nakakablangko nang utak.
"Pwede." Pwede?
"Anong palang dahilan?" Kung part lang pala nang reason niya na hobby niya ito. Ano palang main reason?
"I think the question is too personal"
"Ay sorry sorry hehe." Napakasungit naman. Masyado na bang personal yung rason niya? Kadalasan naman nang nagpapaturo dito sa Libertad eh dahil hobby nila at passion.
"Well ikaw naman how's school?" Natawa naman ako sa loob ko, parang nanay naman kung magtanong.
"Ayun average student sa section ko! Kailangan balance ko lahat para mabuhay." Aww. Ang bigat naman ata nung sagot ko. Parang kaawa awa naman akong nilalang dun. Para mabuhay talaga haha.
"21 ka na, tama lang na seryosohin mo ang buhay. I heard college ka na? Working student."
"Ahh oo. 2nd year pa lang."
Medyo dumilat ang mata niya sa sinabi ko.
"That's late."
Humawak lang ako sa ulo ko. Medyo nahihiya dahil sa edad ko.
"And admiring." dagdag niya.
"Matt pare, pwede na ba sumubok sa drums?" Bago ko pa masagot si Ana, tinawag ako ni Ren na papalapit na samin. Katatapos lang ata ni Karl makipagusap sa tatlo.
"Ok ka na din Ren." Tinignan ko yung tatlo na naguusap tungkol sa pagkakasunod nang hampas. "Kayo dyan girls, magiistart na kami, paano ba yan?" Biniro ko sila.
"Anla teacher Matt! Wait lang! Kahit 10 mins wait!" Medyo nataranta naman si Vine at talagang pinakitang todo focus na siya.
"Pasensya na Ren and Ana, mga pasaway ang tatlong cutiepie ko eh. 10 mins daw haha."
"Eh pre, nagdala ka ba naman nang isang RK, malamang magkakaganyan yang mga yan. Ready pa naman na akong magrock en roll." Nakabusangot na sabi lang ni Ren at naupo sa tabi ni Ana.
"Sorry na brad, marami pa namang oras, and proud talaga ako sa inyo kasi pinagaralan niyo talaga sa bahay niyong dalawa ang lahat nang tinuro ko! Ilang araw din ang winala ko nuh."
"Yes. And those days na sana may ginagawa ako."
Nagtaka naman ako sa comment ni Ana. Anong those days na may ginagawa dapat siya?
"Eh ate Ana, wala ka bang pinagkakaabalahan na iba?" Sumang-ayon naman ako sa tanong ni Ren.
"None." Nakatitig uli siya sakin nang sinagot niya ang tanong. "I don't have a job."
"Eto si pareng Matt ang daming raket niyan ehh." Dahil si Ren lang ang nag-iisang lalake dito, siya palagi ang kakwentuhan ko sa kung anu-ano pag tapos na akong makipaglambingan sa tatlong cutiepies ko kaya isa ko na ding tropa to.
"Hmm oo nga Ana, hanapan kita nang mga vacancy. Check ko. Ano bang position ang inaapplyan mo?"
"Thanks but no need." Medyo napahiya naman ako nung sabihin niya yun. Siya na nga ang gusto tulungan ehh. "Pero tatandaan ko yan."
"Bakit ate Ana, may nahanap ka na bang mga company na may bakante?" Tanong pa uli ni Ren.
"Many. Don't worry about my employment. Thanks."
Okay bahala ka. Masyado atang mapride ang bababeng to. Di na nga kagandahan, eh ang bossy pa nang dating niya. Ehh ang baduy na nga nang suot niyang blouse na tinernuhan niya nang royal blue skinny jeans.
-----
"May ikakaslow ka pa ba dyan dude?" Pagrereklamo ni Karl habang nagliligpit ako sa room at may tinatapos sa records nang lima. Tapos na ang klase at nauna nang umuwi kaagad ang tatlong babae dahil may class pa sila. Si Ren nasa isang tabi at may kausap sa phone niya. Si Ana nasa isang sulok at may tinitignan sa phone.
"Pwede ba Karl. Matuto kang magantay tutal ikaw naman nagpumilit sumama sakin!" Di ko siya tiningala at binibilisan ko na nga tapusin tong records.
"That girl. She looks.. mature, I'm curious what is she doing here?" Nanahimik siya nang ilang minuto at nagtanong uli.
"Bro Matt , Karl! Ate Ana Alis na ako!" Sigaw naman ni Ren at kumaway. Naglalakad na siya palabas. "Bye guys!"
"Oh sige Ren! Kitakits na lang ingat pre!" Sabi ko na lang at tinanguan lang siya ni Karl.
"She's not.. friendly. What's her problem anyway?" Tuloy pa uli ni Karl.
"Tsismoso mo pre! Dami mong napapansin."
"F*ck bro I'm just bored! Just answer me already."
"Hoy wag ka nga maingay! Kita mong nandyan pa si Ana, bawas bawasan mo nga ang panlalait mo. Di lahat nadadaan sa bola mo."
"How come I badmouthing her?! Tinatanong kita then answer me. Dami mo pang sinasabi."
Matatadyak ko na ang isang to ehh. Makikipagusap na nga lang ang arte arte pa!
"Di ba halata?! Mas matanda na yan sayo! College graduate na yan bro! Kaya di niya papatulan mga kabaduyan mo."
"Hey Ana! Why don't you come with us?" Ang tarantado hindi ako pinansin at tinawag yung babaeng abala pa sa phone niya. Si Ana naman medyo nagulat dahil tinawag siya neto.
"No thanks." Tumayo na siya at tinago na sa bag niya ang phone.
"See bro? Pahiya ka konti." Bulong ko kay Karl.
"If ayaw mo, I have my car there, we'll give you a ride. I really insist dear."
Tumingin muna siya sakin at ewan ko kung imahinasyon ko lang. "Okay. Thank you."
"Great. Let's go, mauna na kami Matt." Sinamahan na ni Karl si Ana palabas nang room.
Nagmamadali naman akong nagligpit nang mga records at isinakbit ang bag ko. "Sandali Karl!!!"
"Sakto Ana dun din ang way namin sa next part-time ni Matthew. This guy is everywhere." Sabi niya sabay roll eyes. Nakasakay na kaming tatlo sa kotse ni Karl.
Kaming dalawa dito ni Ana sa likod at nasa passenger si Karl. Ano namang pumasok sa utak nang Karl na to para ihatid ang babaeng masungit.
"Yes really, he's everywhere." Sangayon ni Ana at nagsmirk. Nagtaka naman ako sa sinabi niya.
"Talaga? Paano mo nasabi?" May halong pagtataka din ang tanong ni Karl at amusement.
"Just because." Nagshrug lang siya at sumilip sa bintana.
Tinignan ko si Karl at ngumiwi. Ang babaeng to ay nakakapanis nang laway.
"Wait wait Ana. I think there's behind that ehh. Why just share it na lang samin?" May excitement na tanong uli ni Karl. Halos tumalon na lang siya dito at tumabi samin.
"There's none."
Nginisihan ko na lang si Karl na nadisappoint ang mukha. Di ka uubra sa babaeng to. Ibang level yan. Pero nasobrahan nga lang. Di maayos kausap.
"Okay I guess I'm wrong. Sorry about that dear." Umayos na lang nang upo si Karl nang magsalita si manong.
"Sir gusto malaman ni Sir Vince kung---"
"Manong! Just tell him I'm with Matt! He'll shut his trap already believe me."
----
"Grabe bro! What's with her? Kapatid ata yun ni Levi! A f*cking b*stard!"
"Huy g*go wag mong minumura ang babae! Mahiya hiya ka naman sa balat mo Karl." Kahit ganun ugali nang babaeng yun di ko pa rin maatim na mumurahin ko siya o mumurahin siya nang lalake.
"Tanga si Levi yung tinutukoy ko. It will be appropriate if I'll call her b*tch."
"T*ngina bahala ka sa buhay mo ikaw nagpresintang ihatid siya eh."
Naihatid na nga namin si Ana. At hindi nna natuloy pa yung usapan namin nun. Ang hirap niya kasi kausapin. Kasi kung tatanungin mo siya, di mo alam kung babarahin ka niya o one word lang ang reply niya at nakakasucks lang yun.
"I'm just curious when a girl doesn't like me that's all. Baka may boyfriend na kaya menopausal."
"Baka tama ka na lang Karl para tantanan mo na ang topic tungkol sa student ko."
"Wow! Acting like a f*cking real teacher. Why not took educ., instead business dude."
Di ko na siya pinansin masyadong maingles ang sinabi niya. Ibinaba namin si Ana sa isang kanto. Hindi dun ang bahay niya at lalakarin pa. Pero pinipilit niyang ibaba na lang siya dun.
Bakit nga kaya siya nagtatake nang music class?
-----
"Seriously?!!" hindi mo maipinta ang mukha ni Karl nang ipaliwanag ni Baste kung bakit kami nandito.
"Why bro? Baste, di mo ba inexplain bago mo sila inimbita dito?" Tatawa tawa na tanong ni Ace. Kaibigan daw ni Baste at tutulong daw sa kanya sa gagawin namin.
"I can't believe na ito talaga yun. I thought you are all joking! Matt watdahek?"
"Alam mo Karl namumuro ka na. Sukang suka na ako sa kaartihan mo. Kung gusto mo tumayo ka dyan at lumisan dito!" Pinanlakihan ko ang mata ko sa kanya.
"Shut up dude. Well, nasaan ba si Elizabeth?" tanong niya sa dalawa na nakangiti lang. How weird.
"Sorry Karl ah medyo malalate talaga siya ng dating ehh may ginagawa lang" paliwanag ni Baste. Nasabi naman na niya yan pagkadating namin dito. Etong si Karl lang ang makulit.
"That girl is busy together with Blessed." Ace. Still smiling.
Ano daw?
"Teka, si Bartolomeo ba ang tinutukoy mo? Blessed Bartolomeo?." Medyo napatango ako sa tanong ni Karl.
"Hmm oo? Kilala niyo siya?"
"She's our classmate."
"Kilala niya si Elizabeth paano?" Tanong ko kaagad. Kinuha nun ang interes ko.
"This is super great! Classmate niyo pala si Blessed! Katulad namin siya pero taga-ibang church." Masiglang sabi ni Baste.
"That's why she's like that perfect." Monotone lang na sabi ni Karl.
"They're having a group cell with her classmates. Na classmate niyo rin for sure." Singit ni Ace at nakita ko na medyo sumimangot siya.
"Who dude?"
"Kilala niyo si Levi. Levi Carillo?"
"We know him as h*ll!!!" "Oo naman!" Magkasabay pa naming sagot ni Karl.
"Seryoso si Levi?" Kunot ang noo ni Karl.
"Ayos yun ah!" Kagulat gulat nga naman ang mga nalaman namin. Si Levi nakakatawa huh. Mga kaibigan pala to ni Blessed. Naku, ang babaeng yun ang pinakamaganda sa section ko. Sinubukan ko siyang ligawan pero may aura siyang wag ko nang simulan pa.
"At saka nga pala Matt! Yung sinasabi kong kinalolokohan ni Beth, si Levi yun!" Sabi ni Baste na ikinagulat at ikinainis ko nang todo.
"Ano?!" "Watdapak?!" Sabay na naman kami ni Karl.
"Ano ka ba Baste? Bakit mo sinabi, ikaw talaga." Sabi ni Ace with his creepy smile. Malalagot sakin yang si Levi!!!!! "Dedo ka niyan kay Elizabeth."
"Oh hindi totoo ba kuya Ace bakit?!!!!.Anong mali sa sinabi ko?!" Nabahiran nang takot ang mukha ni Baste.
Bago pa ako makapagsalita para sabihin kay Karl na aabangan namin si Levi para ioverkill. May paparating na nakuha ang atensyon ko.
"Waaaah si Elizabeth kuya Ace!!! Anong gagawin ko?!"
"Uhm run I guess?" Natatawa lang na suggest niya. Sheyt siya na ata ang pinakachill na taong na nakilala ko. Since pinakilala siya samin ni Baste, di na natanggal ang ngiti niya.
"Okay!" Tumayo si Baste at tumakbo ng palayo.
"O-oy! Baste! Anong-- s-seryoso ba yun?" Pigil ko pa sana. Naknang tumakbo nga ang mokong. Anong klase yun?
"Sorry about his weirdness guys. Maybe perks lang nang pagiging Psycho student. Like her, na parating. Yung hinihintay niyo talaga." Ace. Parang di ka rin naman weird sa ngiti mong parang packing tape na nakadikit sa mukha mo.
"ELIZABETH!!! HELLO!!!" Nabaling na ang atensyon ko sa babaeng nakasuot nang gray floral dress at binati siya nang buong sigla.
"Hi guys." Naupo na siya sa harap namin. Kaso di siya nakangiti. "Asaan si Baste?"
"Uhm he runs?"
"Anong he runs Ace?"
"May kasalanan sayo."
"Talaga." Napapikit siya dun. "Ano naman kaya yun? Pasaway."
"Maaga ka ata?"
Nahalata na ang lungkot sa mukha niya.
"Hindi siya sumipot."
"Sinong di sumipot?! Si Levi?! That little d*ck!" Singit kaagad ni Karl na ikinabigla ko kaagad dahil masyado naman siyang highblood.
"Hmm paano niyo nalaman?" Pagtataka ni Elizabeth.
"Eh kasi Elizabeth, nasabi nilang kasama mo si Blessed, kaklase kasi namin siya at kaklase din namin si Levi. Isa din sa tropa namin."
"What a coincidence." Nawala naman na ang lungkot ni Elizabeth.
"Well I think. We should start?" Sabi na ni Ace at naglabas siya nang bible. Isang snort ang narinig ko kay Karl. Siniko ko naman siya para gumalang.
Pagkatapos magdasal na talaga namang nakakapanibago sa pandinig ko, di ko alam kung paano niya ginawa yun, kung minemorize niya ba o basta nasabi niya na yun. Medyo humanga ako kay Beths.
Tungkol kasi yun sa pagsunod kay Lord. Pagsurrender sa kanya.
Talaga namang nananalig ako sa Diyos noon pa.
Siya naman talaga ang lagi kong kinakapitan sa tuwing hirap na hirap na ako sa buhay.
Binuksan naman ni Ace ang bible.
"Matagal pa ba to?" Singit ni Karl.
"Huy ano ka ba Karl? Isipin mo na lang kung bakit ka pumunta dito!" Bulong ko kay Karl pero may diin.
"Maikli lang to Karl wag ka magalala." Sagot lang ni Ace.
"So I'll start with my testimony. Gagamitin ko ang topic na ito bago ko ikwento sa inyo."
Testimony? Ano yun?
"Testimony guys. Sa madaling salita before and after." Nakangiting paliwanag ni Elizabeth.
"Okay Karl and Matt. Basahin natin ang chapter kung saan itinuro ni Jesus na ang 'Kay Caesar ay kay Caesar.'" Sabi ni Ace na may knowing smile.
Sinimulan ko nang makinig kay Ace.
"Who's Caesar?" Walang ganang tanong ni Karl.
"Shhh Karl! Pati si Caesar di mo kilala. Napakabobo mo kahit saan pati history." Natawa lang ang dalawa sa sinabi ko. At mahina akong minura nun ni Karl. Ako napangiti lang.
Di ko alam kung bakit ba ako nandito. Bakit sinipot ko pa sila Baste.
Di ko nga alam kung para ba kay Elizabeth kaya ako nandito.
O sadyang wala talaga akong dahilan kung bakit nakikinig na ako kay Ace.
Basta nandito ako at nakaupo.
BINABASA MO ANG
A Story and Treasure
Teen FictionSa araw-araw na ginawa Niya, isang ordinaryong babae ang nagbago.