Kumaway agad samin si Ros, nasa railings siya. Malamang wala pang prof. At rambulan pa ang mga kaklase ko sa kani-kanilang trip.
"Kakainggit naman!!! Nag-overnight ka sa house ni Less!!!" Bungad agad samin ni Ros, pagkalapit namin.
"I'll put your bag on your chair." Bulong sakin ni Levi sa may tenga ko at nag-sige lang ako. Grabe na ang insisting niya sa pagbubuhat ng bag ko kaya wala na akong magawa. Nauna na si Levi pumasok sa classroom. At narinig ko na ang hiyawan ng tropa niya.
"Kaloka, may bulungan factor na kayo ni Levs! Wala na bang hope si Omi?"
"Tigilan mo na nga ako kay Omi, Ros. Oh bakit ka ba nandito?"
"Duh. Ang boring sa loob ng classroom. At di lang naman ako ang nasa railings" Napansin ko naman si Tom sa may bandang tabi namin na ewan ko kung ano pinagkakaabalahan sa phone niya. Hanep ayaw makisali kina Dan sa loob?
"Ah gaya ba nun?" Nginuso ko lang si Tom at nilingon ni Ros. Natawa lang si Less ng mahina.
"Oo? So?" Sumandal na lang ulit siya sa railings. "What are you talking about Sun, ehh kamusta ang overnight, tabi ba kayo ni Lev-lev?" At ngumisi siya.
Ang slow nang girl na to. Tinignan ko si Tom at saktong tumingin siya sakin. Binigyan ko lang siya ng ngiti na makabuluhan, namula naman to at pumasok kaagad sa room, at naghiyawan ulit yung tropa niya, napakaingay ng grupo nila kahit kelan. Meh. Psh, naisip ko naman si Ace. Who knows, baka ganun din si Tom.
"Of course not Ros." Singit ni Less eh hindi naman siya yung tinatanong.
"Err Less. Joke lang nuh. At bat ikaw sumasagot?" Pagtataka ni Ros.
"Kasi nagdadalaga na si Less, crush niya si Levi"
"SUN!" Gulat na gulat si Less sa sinabi ko at pulang-pula. Gash. Ngayon ko lang nakitang nag-panic to.
"OH MY GAAAAWD! SUN, I-BREAK MO NA SI LEV---"Agad kong tinakpan ang malaking bunganga ni Ros. Danger!
"Huy! Sira ka talaga! Yung bunganga mo! At anong break nakakaloka ka!" Binitawan ko naman agad yung mukha niya at nakita kong pulang-pula si Less at natakot sa sigaw ni Ros.
"Tsk, kung kailan naman lumalandi si girl, eh sa mali pang guy! Anong nakita mo kay Levs, Less?! Bakit siya pa?! Pwede naman si Karl" Mabuti at mahina na ang pagkakasabi ni Ros kung hindi mababatukan ko na siya. Natawa naman ako sa huling sinabi niya. Talagang si Karl pa.
"I don't know. Maybe the hair?" Gulong gulo na sabi ni Less at nagblublush pa rin ang loka. Natawa kaming pareho ni Ros. Buhok? Bakit?! Halos mamatay kami sa sinabi niya. Ok oa.
"Bakit, kasi rebonded?!" Malakas na sabi ni Ros at tawang tawa pa rin.
"I feel you! May fetish din ako sa buhok!" Tinago na lang ni Less ang mukha niya sa kamay niya. Hiyang-hiya much.
"Ugh. Anong fetish pinagsasabi mo Sun? Yaoi pa more!" Nabadtrip naman ako sa sinabi ni Ros. Bakit niya yun pinapasok sa usapan?! Mukhang ngongo.
"Simpleng english lang di mo pa gets? Tss!" Nakakawala ng mood ang loka. Ang saya saya ko na nga, mang-iinis.
"Stop na nga. This is a no big deal. Nothing serious. And I'm supporting Sun for Levi." Nakatingin lang sakin si Less na may determinasyon.
"Weeh, di ka hurt?" Asar pa ni Ros.
"Ros stop ok."
"Kaya nga tama na nga Ros."
Napansin naming lumungkot si Ros. Alam na namin kung bakit.
"H-how are you with Ace?" Pag-aalinlangan na tanong ni Less.
"Psh. With Ace?! Wala ng kami" Bitter na sabi ni Ros.
"Alam namin, ang tinatanong ni Less, eh magkakabalikan pa ba kayo?"
Nagbeast mode ang mukha ng loka.
"Never! No way! Guys, babalikan niyo pa ba yung ganoong lalake?!" Sabi niya at para ma-emphasize hinahampas hampas pa niya ang kamay niya. Namoo lang ang katahimikan samin. Antagal naman ng prof. Kelan ba kami gragraduate, antagal eh.
"Ay oo nga pala guys, may interview daw ako sa Starbucks! Thanks kay Omi baby!" Napatingin ako agad sa sinabi ni Ros. Seryoso talaga siya magpart-time?
"That's great!" Masayang sabi ni Less na napaclap pa sa saya. "When will be the interview?!"
"Bukas na! Nirecommend talaga ako ni Omi, ang bongga ng hottie na yun! Sun, gusto mo sumama?! Pwede daw tayong dalawa kahit si Less din daw sabi ni Omi!!! We can be assigned in other branches eh!!!" Excited na sabi ni Ros. At inalog alog pa ang balikat ko sa sobrang saya. Di ako agad nakasagot kasi baka bumagsak ako sa interview, duh Starbucks yun!
"Ano na friend?!" Kulit pa sakin ni Ros.
"Ewan ko ehh..." Baka mapabayaan ko yung studies ko kung magtratrabaho ako.
"Why don't you just try Sun, and Omi is there naman ehh..." Encourage pa sakin ni Less.
"Ehh, ayoko naman na may backer, so sure na ba na makakapasok tayo?"
"Choosy naman to! Ayaw pa ng backer at saka di pa yun sure! Sa kasikatan ba naman ng Starbucks eh tatalab ba ang mga backer di naman yun tulad ng government! Maliban na lang kung manager na si Omi, aba pwede talaga niya tayo ipasok if ever!" Mahabang paliwanag ni Ros. Ehhh kahit na ba kasi...
"Ayyy nakuuuu! Basta ako pupunta bukas! Nag-effort si Omi para sabihin yun nuh!"
Naramdaman kong nag-vibrate ang phone ko sa bulsa ng pantalon ko. May nag-message.
Misty:
Oval. 4:00pm. Hihintayin ka namin here ni Beth.
"Sino yan?" Usisa lang ni Ros.
"Si Misty, open cell na naman. Tsk nakakatamad."
"Alam mo ba balak ko pakinggan testimony ni Omi!" Singit ni Ros, ha?!
"Type mo ba si Omi ha?!"
"Please Sun, akala ko ba may Levi ka na? At saka mahal ko pa rin si A--...." Napahinto bigla si Ros sa sinabi niya at nakabawi naman agad. Di na lang namin yun pinansin. Walangya talaga ang ugok na Ace na yun. "Eh sa curious ako sa pagkatao niya!" Ships. Di pa niya alam na Ace and Omi are couples-- I mean friends.
"Ang sabihin mo tsismosa ka lang" Magsasalita pa sana si Ros dahil sa sinabi ko ng nagsalita kaagad si Less.
"Is that true Ros?!" Masiglang tanong ni Less. " Did Omi said yes that he's going to share the Gospel?"
"Ha? Yun ba yun? Tatanong ko pa lang ehh." Sabi ni Ros. Netoy, di pa ba naaalukan si Ros ng mga ganun dito sa campus? Dami dami nila ah.
"How about you Sun? Join Ros too!"
"Eh ginawa na yun sakin ni Misty ehh." At saka di ko pa rin akalain na kasali pala sa mga ganoon si Omi. Kaya siguro gitara ang dp niya.
"It's ok na mag-repeat naman."
"AHHH Repeater!!!" What the. Buang tong bruhang to. Pinagsasabi.
"DYAN NA SI MA'AM!!!!!!" Sigaw ni Matt na isa sa mga nasa labas at nakasandal sa railings at kausap ang isa namin na kaklaseng babae na si Tina.
BINABASA MO ANG
A Story and Treasure
Teen FictionSa araw-araw na ginawa Niya, isang ordinaryong babae ang nagbago.