Kasama ko ngayon si Levi at ihahatid niya ako pauwi, syempre hindi hanggang bahay, malalagot ako nyan kina mama at papa nuh. Buhat buhat niya yung bag ko. Gash, ang tagal ko ng pinapangarap to. Si Ros nga pala eh hindi na sumabay dahil nakakahiya naman daw sa amin. Susko, may hiya pa pala ang babaeng yun? At si Less naman---
"SUN! LEVI!"
Sabay kaming napalingon ni Levi kay Less na papalapit na sa amin. Teka, akala ko ba nauna na siyang umuwi?
"Oh bakit Less?" Tanong ko kaagad sa kanya baka may problema siya at kailangan ang tulong ko. Charot.
"I need Levi."
"W-what?" Gulat na sabi ni Levi. Napadilat ako ng wala sa oras sa sinabi ni Blessed. Wag mong sabihin aagawin niya na sakin si Levi eh nangliligaw na nga sakin. Wag naman girl!!!
"Sorry guys, but Sun, kailangan kasi si Levi sa student council right now." Sabi naman ni Less na seryoso. Anong student council? Officer ba si Less doon? Pati si Levi? Napatingin naman ako sa manliligaw ko na naguguluhan din. Ano ba to si Less? First time ko pa naman na may maghahatid sakin!
"Ahh. What for? Sa pagkaka---" Hindi na natapos pa ni Levi ang sinasabi niya dahil hinila na siya ni Less and they need to hurry daw sabi niya. At naiwan lang ako dito na walang bag. Argh! Yung bag ko?!
"LESS ,YUNG BAG KO!!!" Akmang susunod na ako sa kanila nang sumigaw naman si Less na ikinahinto ko.
"AKO NA MAGHAHATID SA INYO SUN, MEDYO MATATAGALAN KAMI KAYA GO BEFORE US NA LANG!" At tuluyan na nga silang nakalayo at di man lang binibitawan si Levi. Ano to tsansing?! Argh naman. Ano ba kasing student council yan?! Wrong timing ang tae.
Nagsimula na akong maglakad. Wait. F*ck. Yung wallet ko!!! Ano ba naman!!! Nasa bag ko yun ehh. Taragis naman oh.
"Hey Sun!" Isang baritonong boses ang narinig ko banda sa aking kanan. At tama ang hinala ko. Wala siyang cap at nakasuot lamang ng v-neck dark blue shirt at black ripped jeans na hindi na nagbago yung converse niya at bag noong kanina lang. Paanong nagbago damit neto?
"Uy." Maikli kong sagot kasi nababadtrip pa rin ako sa nangyayari sakin.
"You look down. May problema?" Sabi ni Omi na bigla nawala yung sweet smile. Hindi na ata mawawala ang ngiti nito sa tuwing kinakausap ako maliban na lang kung may problema nga. O lahat sa mga babaeng kinakausap siya.
"Ahhh, na kay Blessed kasi yung bag ko, puntahan ko lang siya ng student council"
"From what I hear, may meeting sila and it's starting na. It will take long, maybe a few hours"
"Ha?! Paano yan?! Ano ba kasi meron?" Taranta kong sabi, paano ako uuwi ng bahay?! Hihintayin ko na lang ba yun matapos? Eh few hours nga daw ehh! Nakakabagot naman yun.
"Hindi ko alam ehh, pauwi ka na ba? Sabay na tayo" Ngiting sabi ni Omi na medyo inilapit ang mukha niya sakin dahil kanina ko pa siya hindi matignan. Natataranta kasi ako kung ano gagawin. Di ako sanay na walang bag. Takte ang gwapo naman ng lalakeng to. Oo. Tumingin na ako sa kanya.
"Hindi, yung wallet ko kasi nasa bag ko, w-wala ako pamasahe pauwi kaya hihintayin ko na lang sila" paliwanag ko sa kanya. At saka ayoko sumabay dito baka ma-fall ako. Joke.
"Oh that, ililibre na lang kita, what do you think heart?" Masaya niyang sabi habang nakahawak siya dun sa sakbit ng backpack niya. At ano daw? Di pa kami ganun ka-close para ilibre niya ako.
"Ay naku wag na!!!"
"Please. Di ko kaya na naghihintay ang isang binibini na walang kasama or should I say, samahan na lang ba kita na maghintay na matapos ang meeting" WAAAH. What a gentleman! Nakakakilig lang yung sinabi niya.
BINABASA MO ANG
A Story and Treasure
Roman pour AdolescentsSa araw-araw na ginawa Niya, isang ordinaryong babae ang nagbago.