Net

12 2 0
                                    


"1 hour lang, Ate.." umupo ako agad sa pwestong pinili ko rito sa comp shop, buti tatatlo lang kaming nagcocomputer, solong solo ko yung bilis ng internet, well hindi solo kasi nga tatlo nga kami, yung isa nagyoyoutube, yung isa nagtwititter. Pagkabukas ng computer, punta agad ako sa Mozilla Firefoz dahil mas mabilis magdownload dito ng videos, well anime videos ang dinodownload ko. Pumunta agad ako sa website na animepremium. Nag new tab ako para sa facebook and isa pang new tab para sa google dahil gagawin ko yung inassign sakin na part sa thesis. Syempre kukuha ako ng idea sa google. Naglog-in naman ako sa fb tapos pumunta ako sa animepremium at sinearch ang latest release episode ng One Piece then download. Yee!! Woohoo 5min. remaining!!! Ang bilis magdownload. Dahil mabilis, nagsearch ako ng One Punch Man, at dinownload yung episode 5, nakakatawa ang anime na to. Pumunta muna ako sa google para i-type yung iseasearch ko malamang tapos tinignan ko na yung fb ko. Ang puro notif ko ay yung inupload lang ni Ros na mga selfie naming tatlo sa P.E. At may friend request na isa.

Romeo Lancelot Accept. Decline.

Ugh? Joke lang ba ang pangalan neto. Pinuntahan ko yung profile niya kasi na-curious ako, kaso ang picture niya rito ay isang gitara. Inaccept ko na lang, kahit sino naman inaaccept ko para pandagdag ng numbers ng friends sa fb. Nagscroll lang ako sa news feed kung anong kaganapan sa anime world at sa iba pang klase ng mga world, mapa-jokes man yan, kanta, mga pusa at cute na hayop, pumunta muna ako sa google baka kasi makalimutan ko kung bakit ba ako nag-online. Binuksan ko na rin ang youtube para naman hindi boring. Nag-play lang ako ng mga kanta ng Imagine Dragons. Ng may nag-beep. Sa fb ko ata, may nag-chat. Pagkapunta ko, oo nga meron. Si Romeo Lancelot?

"Yo , tnx sa acceptance" Magsisimula ba ako ng convo? With Romeo Montague. Charot. Nagtype ako syempe.

"its nothing" hmm. Tignan natin kung makasagot ka, baka isa ka sa mga engot na finifriend ako at magmemessage ng Hi. Ack.

"well, it does matter. :)"

Woah. Matalino to! Baka mayaman at gwapo pala tong si Romeo. Isa syang royal blood. Charot.

"bat naman? Kilala mo ba ko?"

"Just because. Oo, kakakita lang natin kahapon."

OMG. Is this---

"Yes, its me, Omi .. My name is hilarious, really. And youre Sun? Tama ba?"

Ugh. Napansin niya ata ang tagal ko sumagot kasi woah si Omi , inadd friend ako!!!! Kilig!!! Shems!!!

"Oo si Sun to.. Bat kasi gitara ang profile pic mo?" may ghad, kachat ko ang poging to!

Romeo is typing...

Ang tagal naman. Bakit kaya? Napakamisteryoso ng lalaking to.

"Sentimental thing. Wanna go out?"

WHAT ? WHAT ? WHAT ? WHAT ?!!!!! DATE?!

"Ha?" Natagalan akong nakasagot at yan lang ang natype ko, nag maang maangan muna ako, ayoko mapahiya sa pagiging assumera

Kaso nagoffline siya. WHAT THE?! PINAGTRITRIPAN BA KO NETO? NANDITO NA OH! Kilig na yung tao tapos magooffline?! Nilipat ko sa google, para maasikaso ko naman yung pinapasearch sakin. Kakainis, binitin ako ng !!! Argh. Tapos na ba ang dinodownload ko?

F*ck! Bakit 1 hr remaining na to?! Bakit bumagal ang net?!! NO!!! SH*T! Puno na pala ang comp shop na to kaya bumagal. Anak naman ng!!!!

Dahil nawalan ng kwenta ang pagcocomputer ko at hindi pa rin sumasagot si Omi, nasira ang araw ko. Paasa pala yang si Omi ehh!

Beep.

Sh*t! Si Omi siguro.

"Kita tayo. Pasyal. A date if thats what they call it. :)" KYAAAAAAAAA!! DATE SA ISANG GWAPO! SI OMI! NANAGINIP BA AKO HA?! MAGKAKABOYFRIEND NA BA AKO? Sabi ko na nga ba ehh, panaginip to kasi nagblack na yung monitor!!! Brownout ba?!! Shet!!! Pinindot ko yung power ng monitor pero ayaw!!!

"Ate, number 13, time na! Mag eextend ka pa ba?" NO!!!! DI PA AKO NAKAKASAGOT EHH!!! At wala na akong pera kundi pambayad lang sa 1 hour na internet. T*ngina naman oh. Tumayo na ako at nagbayad sa counter, magfreefree fb na lang ako. Kaso walang signal sa bahay! Eh di lumabas, saan ako tatambay sa labas? NAMAN!

Pagkauwi ko, kinuha ko agad ang phone ko at lumabas. Naghanap ako ng signal tapos ginamit ko ang free fb ko. Ayun online pa siya!!!!!!!!

"Mukhang madaling madali tayo ate ahhh.." nagulat naman ako sa biglang nagsalita sa tabi ko. Nandito pala si Bonnie. Agh. Wag naman ngayon Bonnie!!!

"Ahh, may ipapasa ako sa fb ehh, word docu kaso nagtime na ko" sagot ko sa kanya at nagsimula na akong mag-type.

"Sige kita tayo, saa.. --- Di natuloy ang pagtatype ko dahil nakasilip si Bonnie, pinagpipilitan niya talaga na may makita siya. Tsk

"Weh, hindi naman ehh, ano yan ha?! Boyfriend mo?"

"Bonnie, hindi, saglit lang ha, promise, ichichika ko sayo"

"Promise yan ha! Yehey!" Ugh. Parang bata at may daladala pala siyang potato chips, gusto ko sanang kumuha kaso kailangan ko tong unahin. Tinype ko na OO KITA TAYO SAAN BA! Tapos pagkaenter ko sakto namang nagoffline siya!

"HINDI! BAKIT SIYA NAG-OFFLINE!"

"Oh easy lang ate Sun haha, ano ba kasi yan? Boylet nuh? Baka naman busy."

"Baka nga" sabay kuha ko ng chips kay Bonnie. "Sige, uwi na ko" Tatalikod na sana ako kaso hinawakan ako ni Bonnie sa balikat. Pagkatingin ko nakangiti siya ng nakakatakot. Anong nagustuhan ng kapatid ko rito?

"May nakakalimutan ka, Ate Sun..."

"Oo na."

"Tara run tayo sa bahay!!!" sabay hinila naman niya ako sa bahay nila. Syempre nagkwento naman na ako pagkarating ko run at habang nagkwekwento ako, inilagay niya yung pizza at juice sa mesa. Sa tuwing pupunta ka sa bahay neto, asahan mong may pagkain palagi. Nagtataka nga ko kung bakit hindi to nataba. Gusto ko na nga rito tumira kasi puro pagkain. Kung pwede nga lang araw-araw na ko pumunta rito, pero syempre shy type ako nuh. Kilala ko ang batang to, kasing-edad niya si Law pero 4th year high school na tong si Bonnie, late nag-school si Law dahil ang tigas ng ulo niyan, di papasok kung di papaluin ni Papa ng tsinelas nung kinder siya. Nagrepeater yan nung grade 5, napakapasaway. Pero tong si Bonnie, Bonnie Maligaya, sa tingin ko mabait na bata to, ngayon ko lang naman to naging close nung madulas si Law na crush niya to, at pumunta yan dito nung birthday ni Law. Nung high school, second year nun si Bonnie, nakikita ko siyang sumasayaw with her group kapag may mga event sa school. Kaya siguro nahulog ang kapatid ko rito.

"AYY ATE, pumunta ka, sayang yung chance!!!" sabay kagat niya ng malaki sa pizza.

"Yun nga ehh, nagoffline siya bigla, mag-aaya ng date , paoffline offline naman"

"May wifi kami, tignan natin baka online na si Mr. Montague" sabi niya sabay kindat. Ok. Hopeless Romantic din to, alam na alam mga characters pagsating sa love stories at tragedies. Nasa salas lang yung computer nila.

"Still offline! What's with this guy?! Sa tingin mo Bon, kasing seryoso niya ba si Romeo Montague?" tanong ko kay Bon, pagka-open ko ng fb ko. Nakakaloka tong lalakeng to ahh.

"Wag ka na lang muna mag-assume Ate Sun, kung mahdadate kayo, dun sa maraming tao, kung pwede nga lang sa university niyo na lang para safe, you know, di mo pa siya ganun kakilala."

"Kaya ka talaga crush ng kapatid ko.."

"HA?!!"

OH SHUCKS. Lagot ako kay Law.

"Ahh.. Yun.." Argh. Tinignan ko si Bonnie na medyo namumula, uyyy, nag-iisip ako kung biro lang yun o totoo talaga. "Hahaha, wala!!! Nagbibiro lang ako! I just notice na lagi kayong magkasama."

"Ahhh.. Haha, ay ganun ba Ate Sun, mabait kasi si Law ehh.." Kasi crush ka niya!!! Jusko kung alam mo lang kung gaano kaimpokrito yun sa bahay. Teka, bumabait nga ang batang yun.

"Naku na-good influence mo lang yun kaya bumait"

"Haha, siguro haha" Aba. Inamin.

Tinignan ko uli ang screen at wala pa ring reply ang Omi na to. Nagkwentuhan lang kami ni Bon about sa anime na napanood at kung anu-anong stuff hanggang sa umuwi na ako na hindi man lang nagonline si Omi kahit 1 second.

A Story and TreasureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon