Part-Time

50 1 0
                                    


"Sunshine!" OMG! SI ACE?! Anong kailangan nito sakin?! Kapapasok ko pa lang eh, problema agad ang sasalubong sakin?! Uupo pa nga lang ako, problema agad ang sasalubo---- ok, ang oa mo na Sun. Di na ko umupo at inantay siya na lumapit sa akin. Paano kaya to nakakapasok sa university namin? Anong purpose kaya ang sinasabi niya sa guard? Tss. Wala ba tong klase? Sa pagkakaalam ko, sa Caloocan to nag-aaral, college na din, bale LDR sila ni Ros kasi taga-San Mateo si Ros. Tama ba? LDR ba tawag dun? Ay ewan.

Lalong nalungkot ang mukha niya pagkalapit sakin. Argh. Paawa epek pa tong si kuya.

"S-siguro nasabi na sa inyo ni Mila a-ang nangyari pero maniwala kayo mahal ko siya" The f*ck?! Lalong bumusangot ang mukha ko sa sinabi niya. Kalokohan.

"Wag ako ang kinakausap mo at saka kung mahal mo siya di mo yun gagawin" Umupo na lang ako at pinabayaan lang na tumayo dyan sa tabi ko. Bakit ba ako ang kinukulit nito? Di na ako mabait sa kanya nuh.

"Kaya nga gusto ko kausapin si Mila. K-kailangan ko ng tulong mo para man lang kausapin siya." ANO DAW?! Gulat ko siyang tinignan. Ang kapal ah.

"Hindi pwede ah! Ayokong magalit sakin si Ros. Problema mo yan!" Mag FO pa kami ni Ros ng dahil sa kanya.

"N-nag-enroll na ako dito para sa kanya. Kahit hindi na maging kami ulit, g-gusto ko lang marinig niya ang side ko at ma--"

"What is happening here?" Biglang humarang si Levi kay Ace na halos maiyak na sa pagpapaliwanag sa akin. Tsk. Bakit ba ako bigla naawa sa kumag na ex ni Ros?!

"S-sorry pre, may sinasabi lang ako kay Sunshine" mahinahong sagot ni Ace na hindi nawawala ang lungkot sa kanyang mukha. Akala mo, namamalimos.

"If this is about Ros, then don't drag her in your problems. Don't bother my girl" GASH. Nakakapamula naman ng mukha ang sinabi ni Levi. Di pa naman niya ko girl ehh. Inakbayan ako ni Levi at iniwan na doon si Ace na nakayuko.

"Bakit ganun, sasabihin niyong mahal niyo kami pero kalaunan sasaktan niyo naman. Tapos sasabihing mahal niyo kami kahit nasaktan mo na." Malungkot kong sabi kay Levi. Kadalasan naman talaga sa magsyota o asawa na ang lalake ang nananakit sa babae emotionally.

"T-that... A-ah.. I-it's the people's fault"

"Ha? Haays, mag-tagalog ka nga" Bakit nabubulol na naman tong si Levi? Oops, the question is very hurtful to him naman, he's a guy kasi. Tsk. Ang pangit ko mag-english.

"What I mean is, depende yun sa tao. Humansare the most complicated creaturesever. Some of us would go think differently. Out of society. Out of the norms. We are scary."

Tissue please. Duguan ilong.

Tinignan ko lang si Levi kasi grabeng lalim nung sinabi niya. Ngumiti lang si Levi. A very rare smile. Ang bata niya tignan. Ginulo niya ang buhok ko at lumapit sa mukha ko.

"But few of us, are simply beautiful..."

----

"Ahhhhy! Ang boring sa bahay. Tapos wala pang pera! Kailangan ko ng ticket para sa 1D Concert!!!" Random na sabi ni Ros. Maaga kaming nakauwi dahil walang prof. It's only 3pm. Kaya tumatambay lang kami sa may tapat ng freedom park, dito sa 2nd floor, north wing.

Hindi na nagkwekwento si Ros about sa ex niya. At di rin namin inoopen dahil fresh pa yun sa kanya. At di ko rin sinabi na nakausap ko si Ace at humihingi ng tulong sa akin. Ewan ko na lang kung lalapit pa yun sakin eh pinagbantaan na ni crush. At si crush nga pala ay nagpaalam na magdodota daw sila nila Dan. At himala nga pala, hindi na ako inaasar ni Dan ah.

"Dami mong reklamo Ros, dami dami pwede gawin eh" irita kong sabi sa kanya. Wala daw siya pera. Echusera.

"Wala sa aking manglilibre ng ticket!"

A Story and TreasureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon