RHIAN's POV
Hayss patay...napasarap tulog ko... sobrang pagod sa pagtatrabaho kagabi... patay na naman... hayss... panu na ito...
Nagmadali akong magpunta sa banyo... at nagbihis... Ako nga pala si Rhian Ramos...ulila na akong lubos... lumaki ako sa amponan... at ng matapos ko ang highschool ay nagpasya akong bumukod na... ayokong maging pabigat sa mga madre...wala din namang naglakas ng loob na ampunin ako eh...
Sa ngayon isa akong working student... kumukuha ako ng kursong Psychology... mahirap ngunit Masaya naman... think positive lang...di naman kailangang marangya ang buhay para makapag aral... kaso lang dahil sa aking pagtatrabaho mukhang bumibigay na din katawan ko...
Tinutustusan ko din ang pag aaral ko at buwan buwan din ako nag bibigay sa orphanage... medyo kailangan ng malaking budget ng ampunan... kaya kahit grocery lang mabigyan ko sila...
Gastos... ang dami... pero gagawin ko lahat... para makatapos na ako... hayss...sana wala ng problema...
LANDLADY: Rhian...Rhian...
RHIAN: Ate Celeste...
LANDLADY: Asan na ang bayad mo sa renta...3 buwan ka na di nakakabayad ah...
RHIAN; Ahh..po...ahh... Ate Celeste di pa po kasi ako sumesweldo... kaya di ko pa po maibibigay... hayaan nyo hoh baka bukas...
LANDLADY: Baka bukas ka dyan... ngayong hapon ...pag di ka nakabayad... sa labas ka pupulutin... din a pwedeng ganyan puro ka pangako...
RHIAN; Wag naman hoh ganyan Ate Celeste... magbabayad naman po ako...
LANDLADY: Ahhh basta... wala ng kung ano ano pang palusot... magbayad ka mamaya...
Umalis na lang si Ate Celeste... patay... wala na din akong budget malapit na kasi ang exam... kahit na Dean's Lister ako... kalahati pa rin babayaran ko... hayss... ito pang boarding house...babayaran ko... nakita ko ang oras patay late na ako...
Nagmadali akong tumakbo ... para makaabot ngunit huli na ... di na ako pinapasok ng guard... kung minamalas ka nga naman oh...haysss...
Napaupo na lang ako sa bench... ng mapansin kong may nakatingin sa akin...di ko masyadong nakita ang mukha nya...ngunit alam kong babae iyon...
Nginitian ko sya ngunit bigla na lang sya umalis at nawala sa veranda ng bahay nila... sabi ng mga classmates ko yan daw ang bahay ng may ari ng school... sino kaya ang babaeng yun... parang kaedad ko sya... hmmmm
Nagpunta na lang ako sa Café na pinagtatrabahuan ko... mag duty na lang ako at para madagdagan din sweldo ko ngayong di ako nakapasok...
Ito na lang isa sa mga gusto ko ang mag serve ng mga sweets... gusto ko din gumawa ng mga pastries kaso wala akong pera para kumuha ng HRM na course...
Bigla kong napansin ang matandang babae sa labas... papunta ata sya rito... di man lang sya alalayan ng mga estudyanteng nagdadaan...mula sa loob ay lumabas ako at inakay ko sya...
RHIAN: Lola... tulungan ko na po kayo...
LOLA: Hmmm ohh salamat...
RHIAN: Bakit po ba naglalakad kayo mag isa... wala po ba kayong kasama...
LOLA: Ahh gusto ko kasing bilhan ang apo ko ng paborito nyang chocolate cake...dito sa café na ito...
BINABASA MO ANG
Let Me Go (RaStro) (Lesbian Romance)
Fanfiction"I have wandered in the different paths of life ... but only death can end the cycle of this bullshit ..." - Glaiza "The feeling of being alive is not only for sadness, there are tons of happiness awaiting for each one of us... if only you would le...