Totoo nga talaga siguro yung sabi nila na malalaman mo lang halaga ng isang tao pag nawala na sya sayo...Kinabukasan, late akong nagising at nagmadali na sa pag aayos. tumingin muna ako sa salamin at pinagmasdan ang maga kong mata. Bumaba na din agad ako pagkatapos kong maligo.
"Kumain ka na dito xandra"
aya ni manang na nagtitimpla ng juice. umupo ako at kinagat ang tinapay.
sa gilid ko ay si jake na nagpupunas ng labi, himalang tapos ng lumapang. at sa tapat ko naman ay si kuya na walang inatupag kundi ang cellphone niya.
"Wala pa ba si nathan? sabay kami papasok eh."
binaba ni kuya ang hawak niya at tumingin sa akin, hinawakan niya ang kamay ko at ngumiti pero gamit ang malungkot na mata.
"Ayaw mo ba kong kasabay xandra?"
"Hindi naman sa ganun kuya, kaso baka parating na si nathan eh. kung gusto mo sabay na lang kayo samin."
nagkatinginan sila ni jake. bigla na lang akong inakbayan ni jake at ginulo ang buhok ko. pasalamat na lang sya at hindi pa ko nagsusuklay!
"Nasa London na si Nathan, so masosolo na pala kita."
parang ngayon pa lang tuluyang nagising ang diwa ko. Umalis na nga pala si nathan. Nasanay kasi ako na magkasabay kaming pumasok at umuwi. Nasanay ako na nandyan sya... masasanay kaya ako ng wala siya?
"Kelan ba siya babalik?"
lumingon ako kay jake at napalunok sya.
"Di ko alam eh."
Sabay kaming pumasok nila kuya. Buti na nga lang at friday na ngayon.
"Uy xandra! nabalitaan mo na ba? nagpunta na pala sa ibang bansa si nathan."
bungad sakin ng mga kaklase ko. buti nga sila nalaman nila agad e, ako nga, kung di pa sinabi ni jake kagabi baka hanggang ngayon umaasa ako na darating si nathan, sabi niya kasi.. hindi nya ko iiwan, na hinding hindi nya ko pababayaan. pero wala eh, aasa pa ba kong may mananatili kung yung isang taong pinagkatiwalaan ko, iniwan din ako.
"Dami talagang chismosa sa mundo no? hahaha!"
sigaw ni trish. Lumapit sya sa amin at pinalayas ang mga kaklase ko.
"pinabibigay nga pala ni nathan."
sabay abot niya ng isang puting bagay
"talaga?"
tumango ito at tinanggap ko ang puting sobre na may nakasulat sa harap.
"Goodbye is not the end..."
binuksan ko ang envelope at hinatak ang sulat, tinignan ko ang bawat salita na nakasulat dito...
"anong sabi?"
tinupi kong muli ang sulat at itinago sa bag ko. hindi ko kayang basahin to sa mga oras na to, dahil baka tuluyang bumigay ang luha ko. hanggang sa matapos ang klase.. tsaka ko lamang binasa ito sa garden.
Xandra,
Hindi na ko nakapag paalam sayo, wala akong lakas ng loob na makita kang umiiyak at nasasaktan dahil sakin. Nangako ako na lagi lang kitang pasasayahin, pangingitiin. Alam ko hindi mo maiintindihan ang pag alis ko, pero desisyon ko din ang umalis hindi lang para alagaan si dad, para din makapag isip isip ako, tayo... Minahal na kita una pa lang. Pero gaya ng pinoprotektahan mo, yun din ang pilit kong pinaglalaban, ang pagkakaibigan natin. Takot akong magkamali tayo at dito maputol ang pinagsamahan natin. pero sinubukan ko, tumaya ako kahit walang kasiguraduhan ang panalo. Umamin ako sayo na mahal kita, pero natakot ka. alam ko mahal mo na ko... mas pinili mo lang kung san tayo mas magtatagal. i learned that when we choose to doubt rather than to trust, the love is weak. But when we trust and never doubt, the love will lasts.
BINABASA MO ANG
I'M IN LOVE WITH MY KUYA (COMPLETED)
Teen FictionSabay naming pinagmasdan ang madilim ngunit makulay na langit... at napapikit na lamang ako, sinubukang balikan ang lahat ng pinagdaanan namin hanggang sa imulat ko ulit ang aking mata, because this is the best part of that trial and its knowing tha...