XANDRA POV
teka ano ba tong naririnig ko? Ang ingay naman! Parang may gumagalaw sa buhok ko, tapos may dumampi sa pisngi ko...
"Wake up xandra, we're here!"
Bahagya kong dinilat yung mata ko. Pero di ko maidilat sa sobrang antok.
"Hmmm 5 minutes pa...."
"sayang yung view oh ang ganda!"
narinig kong sabi ni trisha, teka asan na ba kami? Bakit ang lamig naman ng hangin.
"Ayaw mo pa talaga? Babyahe na tayo papunta sa rest house. Sayang yung view ng taal volcano oh"
napabalikwas ako ng upo. Napatingin agad ako sa pinto ng sasakyan na nakabukas at natanaw ko agad ang taal! Omg! Ang ganda talaga!
Lalabas na sana ako ng bigla akong hatakin ni nathan
"Wear your jacket, tsaka mag suklay ka!"
nagmadali na ko sa pagsusuklay tsaka lumabas!
"woooo! Ang ganda!"
lumapit agad sakin si cassy at trisha, hinatak nila ako para mag pa picture!
"manong, papicture naman kami, yung kita yung taal! Thanks po"
sabi ni cassy sa driver namin. pumunta na sila jake samin at nakisama na sa picture taking! Nakailang shots din kami!
"Kami naman ni xandra"
sabi ni nathan, kaya yun pinicturan kami ni trisha.
"Oh com' on! Closer please! Yung parang sa van lang kanina!"
inakbayan naman ako ni nathan. Yun ang first shot namin. Yung next is, ako yung nakaakbay sa kanya.
"Okay last one! Sweetan nyo naman! May iinggitin tayo!"
sigaw ni trish at kumindat sakin
Nagulat naman ako nung pumunta si nathan sa likod ko, at nag back hug sakin!!! Omg!
"Kyaaaaaah! I like this one! Post mo na sa fb cassy dali!"
Sumakay na kami after mag picture taking. Sakto nga kasi naabutan namin yung sunrise!
"Pakuha naman ng drinks sa likod"
Sabi ni nathan kaya ayun, kumuha si cassy sa gilid niya ng coke.
"Gusto mo?"
alok ni nathan. Tumango ako kaya binigay niya sakin yung hawak niya. Tsaka ko ininom...
"100 likes for 20 minutes!? Not bad!"
Napalingon naman ako kay zed na busy sa pagffb
"Hoy ano yan?! Patingin nga"
Hinarap niya sakin yung laptop at....
Nabuga ko yung coke sa mukha niya! Pi..picture namin ni nathan yung nakapost!!! At nag... nag..comment si... kuya xander!
*1 week vacation @tagaytay city! Look at these couple, they're so sweet! NAKAKAINGGIT DIBA? 200 likes please for more pictures!*
"Wtf! Guys ano ba yan!?"
"Guess what kung kanino nakatag!"
sabi naman ni jake na lalong kinakaba ko. Tinignan ko ulit yung picture at nanlumo ako...
BINABASA MO ANG
I'M IN LOVE WITH MY KUYA (COMPLETED)
Teen FictionSabay naming pinagmasdan ang madilim ngunit makulay na langit... at napapikit na lamang ako, sinubukang balikan ang lahat ng pinagdaanan namin hanggang sa imulat ko ulit ang aking mata, because this is the best part of that trial and its knowing tha...