CONFUSED
XANDRA'S POV
Nasa school kami ngayon para ayusin ang may kulang sa requirements at pasahan ng mga projects. akalain mo yun? After nito summer vacation na at 2nd year na kami, ang bilis ng panahon!
"Okay, Class dismissed!"
sabi ng adviser namin at nauna ng lumabas ng room.
Buti na lang april na, bakasyon na! swimming with 1-rizal! wooo! nakakaexcite! kaso.... hindi ako marunong mag swimming! magpapaturo na lang ako kay Nathan!
"Okay classmates wala munang uuwi, upo muna."
Bumalik kami sa upuan namin. Si president yung nag salita. May announcement siguro yun about sa swimming. Hindi pa din kasi napaguusapan yung toka toka.
"6 o'clock SHARP! bawal ang late! pag late, lulunurin yan! sa heaven resort ah. dala kayo ng foods!" sigaw niya at halos lahat kami ay excited na.
"sagot ko na yung rice!"
"sakin ulam... magpapa barbeque ako, adobo, tsaka madami pa!"
"sakin inumin... juice, softdrinks or what?"
"sagot ko yung mga snacks!"
"alak friend! nomo tayo!"
Mga nagpresinta na ang mga classmates namin, mas okay na yan pero mag dadala din kaming iba para makasigurado na hindi kukulangin sa pagkain.
"Okay! thanks sa cooperation guys! Wag po tayong paasa! tsaka mag oovernight tayo doon!"
Dun natapos yung meeting namin. friday na ngayon at ang swimming ay sa monday dahil wala na naman kaming pasok eh. Mas gusto ko din weekdays dahil wala gaanong tao. Muka namang pina private ni Kaizer yung resort nila. Exclusive for our section lang.
Lumabas na kami sa room. Natanaw ko agad ang grupo nila kuya tyron kaya lumapit ako.
"Kuya!" sigaw ko at ang daming tumingin! oo nga naman. wala naman kasi akong binaggit na pangalan eh.
"ako ba?"
tumingin tingin pa si kuya tyron sa paligid niya. Akala niya siguro si kuya xander yung hinahanap ko kaya tumango ako.
"Uy kamusta xandra!?"
nakangising tanong sakin ni kuya tyron, ang tagal din naming hindi nagkita.
"okay lang po!"
Sagot ko at nag smile din sa kanya.
"Nakita nya ang gwapo kong mukha.. kaya okay siya, diba xandra!"
lumingon ako sa nagsalita at nakita ko ang nakangising si kuya patrick. Medyo ang lakas ng hangin ah!
"Sige kuya patrick, push mo yan! para naman humangin hangin sa pilipinas. So hot eh!" natatawang sabi ko
"Are you callin' for me xandra? oh I'm so hot!"
sumabat sa usapan namin si kuya bry sabay taas sa t-shirt niya
"Child abuse! shushu!"
sabi naman ni kuya kenjie at tinakpan ang mata ko. mga siraulo talaga ang classmates ng kapatid ko! namiss ko silang lahat! Simula kasi nung fieldtrip hindi ko na ulit sila nakabonding.
Hinanap agad ng mata ko ang kapatid ko at nakita ko siya na may kausap na babae. yung babaeng yun? pamilyar siya sakin... si ate yassy ba yun?
Napatingin sakin si kuya xander. Nagpaalam na siya dun sa babae at lumapit na siya sakin.
BINABASA MO ANG
I'M IN LOVE WITH MY KUYA (COMPLETED)
Genç KurguSabay naming pinagmasdan ang madilim ngunit makulay na langit... at napapikit na lamang ako, sinubukang balikan ang lahat ng pinagdaanan namin hanggang sa imulat ko ulit ang aking mata, because this is the best part of that trial and its knowing tha...