CHAPTER 15

7K 206 15
                                    

HAPPY VACAY!

XANDRA'S POV

I'm awake, pero pakiramdam ko pagod ang mga mata ko kaya ipinikit ko muna ito. Nagpapa kondisyon muna ko ng sarili bago lumublob sa pool.

"Guys, may kukunin lang ako sa kwarto."

I heard nathan's voice. Minulat ko ang mata ko at pinagmasdan siyang naglalakad na palayo.

"Xandra, swimming tayo!" sabi ni trish at hinatak ako sa kamay.

"Ayoko, tinatamad pa ako."

Binuksan ko ang isang chips at nilantakan na iyon habang pinagmamasdang mag kaklase kong nagsitalunan na sa pool. Ako na lang mag isa dito sa cottage.

tumayo na lang muna ko sa gilid ng pool at pinagmasdan ang reflection ko sa tubig. Kinawkaw ng paa ko ang tubig sa pool. Ang lamig!

"Tara na xandra." pag aaya ni zedrick at inakbayan ako.

"Mamaya nalang pag andyan na si Nathan."

"ngayon na wahahahahaha!"

nanlaki ang mata ko ng hawakan nya ko sa braso. Don't you dare push me zedrick! We're in front of 7 ft!

"Ayoko nga eh!"

Sigaw ko. kinakabahan na ko dahil tinutulak tulak niya na ako! Nako zedrick tatamaan ka sakin!

"In 3, 2, 1—"

"Hindi ako marunong lumango --- "

Tinakpak ko ang ilong ko ng itinulak nya ako sa pool!

"Xandy!"

Its nathan's voice na huli kong narinig bago ako mapunta sa ilalim ng tubig. Nakita ko siyang tumalon sa kinaroroonan ko. biglang may humatak sa kin mula sa tubig bago pa ko maubusan ng hangin. Naiangat nya ko at napayakap ako sa kanya.

"Xandy okay ka lang!?"

Ubo ako ng ubo at pinupunasan ko ang sarili kong muka ng mga palad. Ito yung kinakatakot ni kuya xander eh! Hindi nya dapat to malaman.

Hindi ako binibitawan ni Nathan at dinala nya ko sa mababaw na part ng pool. Huminga ako ng malalalim ng maabot ko na ang tiles sa ilalim.

"What the hell is that zedrick!"

Sigaw niya habang hinahagod ang likod ko. Agad na lumapit ang mga kaklase ko samin. At pinabayaan na ko ni Nathan kay trish at sa iba.

"Paano kung nalunod si xandra!?"

Nakita ko ang pagpigil ng mga kaklase ko kay Nathan na sinusugod na si zedrick.

"I didn't mean it Nathan, akala ko marunong siyang lumangoy! I'm sorry!"

bakas sa muka ni zedrick ang takot. Puro kasi siya biro!

"Ano okay ka lang?" Pag aalalang tanong ni kaizer.

"O...okay lang."

Biglang lumapit si zedrick at hinatak niya ko mula kay trisha.

"I'm sorry xandra, di ko sinasadya!"

tinulak tulak ko siya sa sobrang inis! Paano kung nalunod ako ha! Paano!

"siraulo ka talaga!" sigaw ko at hindi pa din tumitigil sa paghampas sa kanya. Sinasalag niya naman iyon gamit ang braso niya.

Bago ko pa siya mabatukan ay naunahan na ako ni trish. Halos lahat kami nagulat sa ginawa ni trish sa kanya.

"Umahon muna tayo" bulong ni Nathan sa likod ko.

I'M IN LOVE WITH MY KUYA (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon