XANDRA POV
Maaga akong nagising kinabukasan. Sumilay sa maliit na uwang ang liwanag mula sa bintana na nahaharangan ng makapal na kurtina. Ang dalawa kong kasama ay mahimbing pa din ang tulog. Gising na kaya si tyron?
Dumiretso ako ng banyo at naghilamos. Nakaharap ako sa salamin ng mapansin kong parang may kulang sa akin
"yung kwintas ko!"
Napahawak ako sa aking leeg at kinapa kapa ito. baka nahulog kung saan, pero saan naman kung sakali! Napalunok ako at Iniisip ko pa lang kung paano magalit si kuya xander ay kinakabahan na ako.
Habang natutulog pa din sila, hinanap ko sa kwarto ang kwintas na binigay sakin ni kuya nung bday ko. sinilip ko sa ilalim ng kama at mga gilid gilid pero wala. Hinalungkot ko ang bag ko pero hindi ko ito nakita dito. Naisipan ko na ding lumabas ng kwarto at hanapin sa living room. Wala pang ibang gising maliban sakin kaya patuloy ako sa paghahanap. kasamaang palad, wala pa din. Magtataka yun pag hindi niya naabutang suot ko, dahil madalas niyang makita ito sakin. Sigurado pa namang nasa bahay na sya pag uwi namin galing zambales. ayokong sermon agad ang sumalubong sa akin.
pero di kaya nalaglag sa kotse?
kinuha ko ang susi ng sports car sa lamesa. bababa muna ako at susubukang hanapin doon.
nakasuot ako ng sando at maong short sa panloob ko. at oversize jacket na pinahiram naman sakin ni tyron ang nakapatong dito. kamay ko na ang ginamit kong suklay habang tinutungo ang elevator. may iilan akong mga nakasabay na nakasuot ng bikini at mga lalaking naka cycling.
ang isang lalaki naman na kakalabas lang ng kwarto nya ay bumaling sa akin, huminto ito sa harap ko at sinuri ako nito mula ulo hanggang paa. tinaasan ko ito ng kilay bago ito bumitaw sa titig at dumiretso sa elevator.
pumasok na din ako sa elevator, namangha ako dahil salamin lamang ito at makikita ang view sa paligid nito. mas maganda talaga sa umaga ang tanawin at pasikat pa lamang ang araw. Nang marating ang ground floor ay agad kong hinanap ang receptionist.
"miss, san dito yung parking lot nyo?"
"diretso lang po kayo mam, then kanan po."
"thank you."
sinunod ko ang sinabi ng babae at may nakita nga akong exit at parking lot na sign. paglabas ko ay nilakad ko pa ang mahabang way bago nahanap ang sasakyan ni kuya. pinatunog ko ito at binuksan ang front seat.
"hay nasaan kaya napunta yun!"
ani ko sa sarili. wala sa mga upuan. kaya naisipan kong yumuko at hanapin sa ilalim ng front seat.
"there you are!!!"
laking ngiti ko na mahawakan ko na ito pero parang sumabit ito sa kung saan. ayokong hatakin dahil baka maputol kaya nagtagal pa ako sa ganitong posisyon.
"you need some help miss?"
sabi ng isang lalaki na pamilyar sakin ang boses. pero tulog pa yon e. baka hindi siya to. hindi ko ito nilingon at patuloy pa din ako sa ginagawa ko. mukang malapit ko na din namang makuha.
"no thanks."
"are you sure? kanina pa kita tinitignan mukang hirap na hirap ka."
"okay lang, kaya ko na to."
nagulat ako ng maramdaman ang pagsagi ng katawan ng lalaki sa aking likod. nanlaki ang mga mata ko ng sinundan niya ang kamay kong hawak ang kwintas at ang isa nya namang kamay ay nakahawak ngayon sa bewang ko.
BINABASA MO ANG
I'M IN LOVE WITH MY KUYA (COMPLETED)
Teen FictionSabay naming pinagmasdan ang madilim ngunit makulay na langit... at napapikit na lamang ako, sinubukang balikan ang lahat ng pinagdaanan namin hanggang sa imulat ko ulit ang aking mata, because this is the best part of that trial and its knowing tha...