XANDRA'S POV
Maaga akong pumasok sa sa klase. Ala sais pa lang yata andito na ko kahit 7 pa ang klase ko. Kasabay ko pa din si kuya. We're cool after what happened last night. parang walang nangyari.
I have waited for nathan, for sure naman hindi siya ma le late. I just want to confirm what he said to me about his tito. Hindi ako pinatulog nito buong gabi.
"So who's your tito. What's his name?"
tanong ko pagkaupo niya sa tabi ko. Inayos niya ang bag niya at isinukbit sa kaharap na upuan.
"Magugulat ka pag sinabi ko sayo."
kumunot ang noo ko sa sinabi nya, yes nathan I will be so shocked for sure. Dahil baka nga iisa ang bf ni tita at ang tito ni nathan. I want to conclude it right away. kahit di ko alam ang story, I believe in my instinct.
"Okay class, settle down."
Natigilan kami sa pagkukwentuhan ng pumasok si sir villagomez. Algebra again. dumudugo na talaga ang ulo ko sa math! sabayan pa ng terror na teacher. anong matututunan ko? ang kung paano maging matatag sa harap ng nakakatakot na teacher?
"Nathan, can you get my phone in the faculty room." tumayo agad si nathan sa utos sa kanya.
"Yes sir."
palagi yan inuutusan ni sir, as in lagi. Uutusang mag check ng test paper, bumili ng lunch ni sir bago siya umuwi, mag deposit ng pera nya sa bangko, mag paphoto copy ng notes, mangolekta ng notebook na gegradan ni sir. para na siyang student assistant ni sir e.
"Sir, May I go out?
Sabi ko at tinignan nya ko sandali bago tumango. Sabay kaming lumabas ni nathan. I'm not really going to pee. Gusto ko talaga malaman kung sino yung tito nya.
"Tell me nathan! please." sabi ko at kumapit sa braso niya. sasamahan ko na siya sa faculty.
"This is nonsense xandra. bakit ko pa ba inuungkat sayo e patay na ang gf ng tito ko." bakit mo iuungkat ng walang dahilan nathan.
"Just tell me the name nathan! or kahit picture." pipilitin ko alalahanin yunh itsura nung lalaki.
"bakit gusto mo ding malaman? imposible namang mabuhay ang patay."
"I also thought that nathan." I want to help tita hermy. Alam ko binabalak niya ng magpakita ulit sa bf nya. pero hanggang ngayon natatakot pa din sya, na baka daw may mahal ng iba yung lalaki. yun ang pinaka mahirap tanggapin sa lahat. That the guy get over, but she isn't.
"He's Tito jeruss, jeruss villagomez."
nanlaki ang mata ko sa gulat.
"What the..."
Pumasok na siya sa faculty room at naghintay lang ako sa labas.
Inalala ko ang unang pagkakataon na nakita ko si sir dito sa school, parang nakita ko na talaga siya e...
sa burol ni tita!? yung lalaking inakbayan ni tito harry!?
"Nathan, kung sabihin ko sayong mag cutting tayo ngayon sasama ka ba sakin!?"
bungad ko sa kanya ng nakuha niya na ang phone ni sir. Wait... cellphone ni sir!
"Baliw ka ba!? bakit mo naman biglang naisip yan!"
Kumunot ang noo niya habang ako ay titig na ttig sa phone ni sir.
"Check mo nga kung may password si sir! Dali!"
BINABASA MO ANG
I'M IN LOVE WITH MY KUYA (COMPLETED)
Teen FictionSabay naming pinagmasdan ang madilim ngunit makulay na langit... at napapikit na lamang ako, sinubukang balikan ang lahat ng pinagdaanan namin hanggang sa imulat ko ulit ang aking mata, because this is the best part of that trial and its knowing tha...