MAY THE BEST GIRL WIN
XANDRA'S POV
KINABUKASAN
Napamulat ako ng mata at tunog ng heater ang naririnig sa buong kwarto. Mas malamig pala talaga ng ganitong oras. Kinuha ko ang phone ko para tignan ang oras, alas kwatro pa lang!?
Bumangon ako at paika ikang pumasok sa banyo. Buti na lang may heater din ang tubig. Gusto kong maligo muna. Lumublob ako sa bath tub, sa una ay masarap sa pakiramdam ang init pero nang magtagal ako ay para akong naliligo sa yelo!
binilisan ko ng maligo at nagbihis.
Ala singko na nag madaling araw, medyo matagal pa ang oras kaya naisipan ko lumabas ng kwarto. I want to see kuya tyron, nasa infirmary kaya siya nagpahinga? Sana bumaba na ang lagnat niya.
Iika-ika ako habang binabagtas ang corridor. Ang wall ang umaalalay sakin. sinubukan kong hindi na kumapit dito at hindi na rin naman ganun kasakit. Baka mamaya lang okay na ang paa ko.
"Ang aga mo naman xandra."
Halos mapatalon ako ng may marinig na boses mula sa likod ko, yung boses na galing na naman sa ilalim ng lupa! Hinarap ko ito at nasa tapat siya ng nakabukas na pinto.
"K...kuya kenjie ikaw pala yan." Sabi ko at napahawak ako sa dibdib ko.
"Anong ginagawa mo dito? wala ka bang nakasalubong na naka puti?" kinilabutan ako sa sinabi nito.
"kuya naman eh!" halos isiksik ko ang sarili ko sa pader.
"Biro lang. Hinahanap mo si Tyron no? Nandito siya sa loob pumasok ka muna."
Sabay turo nito sa loob ng kwarto. Sumilip ako at nakita kong may tatlo pa ngang natutulog. Buti pa sila tig iisa ng kama.
"Wag ka ng mahiya, pumasok ka na. Icheck mo kung may lagnat pa si tyron."
Naalala ko ang pinunta ko kaya hindi na ko nagdalawang isip kaya pumasok na ako.
"Punta lang ako kitchen." Nilingon ko si kuya kenjie na nakahawak sa door knob at diretso ang tingin sa akin.
"Sige kuya! ingat sa white lady!" ngisi ko dito at humalakhak naman siya ng mahina. Halos hindi ko na makita ang singkit niyang mga mata habang tumatawa.
"Nako baka mainlove pa sakin yun at imbis na matakot eh himatayin sa kagwapuhan ko."
Napairap na lang ako sa sinabi niya.
"kuya... teka... lumalamig ata... tas parang lumalakas yung hangin..."
Kumindat siya bago sinarado ang pinto at agad akong bumaling sa mga natutulog. Ang isa ay nakatalukbong, I think its kuya Patrick, ang kama na malapit naman sa pinto ay hinihigaan ni kuya bryan. Halos malalaglag na siya sa kama niya. ang kaharap na kama nito ay wala ng tao, it's kuya kenjie's bed. At higaan ni kuya tyron ay nasa tapat ng pinto ng terrace.
Lumapit ako kay kuya tyron at pinagmasdan siya habang natutulog. Ang kamay niya ay nakalapat ng diretso sa higaan at nakahilig ang ulo niya sa una.
Hinawakan ko yung noo niya at buti naman ay sinat na lang ang meron siya. nakahinga ako ng maayos.
"Hmmm..."
Pumintig ng malakas ang dibdib ko ng hawakan niya ang kamay kong nakaptong sa ulo niya, dahan dahan na itong dumilat at diretso ang mga mata sa akin.
"N...nagising ba kita? I'm sorry kuya."
Umiling ito
"Okay ka na ba xandra?"
BINABASA MO ANG
I'M IN LOVE WITH MY KUYA (COMPLETED)
Teen FictionSabay naming pinagmasdan ang madilim ngunit makulay na langit... at napapikit na lamang ako, sinubukang balikan ang lahat ng pinagdaanan namin hanggang sa imulat ko ulit ang aking mata, because this is the best part of that trial and its knowing tha...