I received a call from kuya xander early this morning. Pauwi na pala siya dito sa bahay. dalawang linggo din kasi ang tinagal niya sa hacienda at sigurado, miss na miss na non ang luto ko. Sya lang kasi ang nakapagtiis sa mga hinahain ko, eto namang si jake, simula ng dumating yan dito at pagbalik namin galing ng zambales, hindi na ko pinaghawak ng sandok.
"Magwalis ka na lang."
Ngumiwi ako sa sinabi nito at kumuha na nga lang ng walis at nagsimula ng pasadahan ang kitchen papuntang sala, tinitignan ko lamang sya sa malayo. Pagbukas nito ng takip ng kaldero ay agad kong naamoy ang sinigang. Mukhang ginagalingan masyado! Kaya ko din yan! Pero mas master ko kasi ang pagluluto ng pasta.
Nang mag aalas dose na ay narinig ko mula sa labas ang pagbukas ng gate, tumakbo ako sa likod ni jake para magtago. sakto ang dating ng kapatid ko ah. Nakapagsaing na ko pati nakapaghain at tapos na sa pagluluto si jake.
"Xandra I'm back!"
Sumilip ako mula sa likod ni jake na iniinit ang sinigang. Napangiti agad ako ng makita ang kuya ko. Nilapag nito ang isang bag sa sahig at nilibot ang mata sa buong bahay. Excuse me kuya, malinis ang bahay!
"Uy jake, welcome back nga pala!" lumapit si kuya at nakipag bro fist kay jake. Ngumuso naman ako, nagtama ang mata namin at ngumiti ito sakin.
"pasalubong ko?" ngisi ko dito habang nasa likod ni jake.
"Andun sa van, samahan mo ko kunin natin."
lumapit ako dito at hinalikan ito sa pisngi. His eyes are smiling na parang bata. Tinungo namin ang backseat ng van. Napansin ko naman ang pagsilip niya sa sports car niya. napalunok ako. Hindi niya kasi alam na ginamit ko iyon nung nag outing kami.
"parang ang linis ng sasakyan ko." Hinawakan niya pa ito at kinaskas ng palad niya. kita nya naman siguro, kumikinang!
"Nilinis ko na for you! Your welcome kuya ha!"
"Aba may nagpapalakas dito ah!"
Tinaasan ko ito ng kilay at binuksan ang backseat ng van. Bumalik ito sa tabi ko at inakbayan ako. Bumungad samin ang sandamakmak ng mangga at iba pang mga prutas. Halos masamid ako nung isipin na kami ang kakain ng lahat ng yan.
"So mukhang okay naman ang hacienda, ang daming ani!"
Saad ko dito at hinawakan ang isang hinog na mangga. inamoy ko ito at agad na nanoot ang tamis.
"For now, under control na. Two hectares of crops ang nasayang dahil sa mga peste. Malaking lugi yon para sa mga magsasaka."
Napansin ko ang paglungkot ng mga nito, dahan dahan nyang hinilot ang kanyang sentido. Ngayon ko lang nakita si kuyang sobrang problemado. Actually pwede naming Ibenta ito sa kaibigan ni Dad. But kuya is against about the idea. He treasured so much the people in our hacienda kaya ganyan na lang ang pagpupursigi niyang maalagaan ito. Buong sembreak duon niya tinuon.
"Sa susunod isama mo ko kuya. I'll help."
"Sure thing, hinahanap ka nga lagi sakin ng mga tauhan doon."
"By this summer na lang kuya, after mo grumaduate."
Nginitian ako nito at pumasok na sa loob ng bahay na dala ang mga prutas, I also help, even jake.
"Sakto! uuwi pala sila Mom at Dad sa summer no? ipakilala mo na din ulit si Tyron, sabihin mo for real na to."
Humalakhak pa ito. Hindi niya alam, we're not in good terms. After ng nangyari sa zambales, hindi pa ulit kami nagkikita. Pero nakakapagusap kami sa phone. tinatanong ko kung kamusta na siya, but he's kinda busy dahil nagstart na siya sa ojt niya sa isang construction site. He need enough sleep kaya minsan na lang talaga kami magusap. But I'll surprise him in his condo! Hindi ko papalagpasin ang anniversary namin. Ilang days na lang... I'll do anything to make him the happiest.
Isang beses nakwento nya sakin na nilalagay nya daw yung susi ng condo nya sa ilalim ng dormat sa harap nito. Natawa nga ako nung nalaman ko yun. So wish me luck lang talaga na andun pa din yon.
A couple of days have passed, and the day has come! Jake and Nathan is with me ng bumili ako ng mga gagamitin for the surprise. I have planned everything on my mind! At sobrang excited ako. If girls love to be surprise, ang mga lalaki din sigurado. Nakagawian lang na its them who do the effort. Pero this time, I want to change that, I want to surprise Tyron.
Dumiretso kami sa mall. Gabi pa naman ang uwi ni tyron today so I have plenty of time. I hope he won't forget...
"Grocery ba or mag national muna tayo?" sabi ni Nathan habang nakahawak sa batok niya
"National muna, pag grocery madaming bitbit."giit naman ni jake na hinihila na kaming dalawa sa National bookstore.
"Eh anong silbi nyong dalawa? kaya ko nga kayo sinama kasi I need tagabuhats!" ngumuso ako at nauna ng maglakad sa kanila.
They help me buy things from decorations to food na lulutuin ko later. tapos sinamahan pa nila ako sa condo ni tyron. dumating kami doon ng 11 am. tinignan ko agad ang dormat at kinapa ang ilalim nito, at ayun! marunong makisama ang susi!
They carried everything inside.
"Okay na! sobrang thank you for the help! pinapalayas ko na kayo." Ngiti ko at tinulak si jake papuntang pinto.
"Teka lang, bawal ba munang magpahinga?"
Saad ni nathan na nakaupo na at nakataas ang paa sa center table. Feeling nasa bahay nya! binuksan pa nito ang tv! Napairap na lang ako at nilagay sa kitchen ang mga lulutuin ko.
Ngayon lang ako nakapasok sa loob ng condo niya. bumungad agad samin ang malaking sala dito, may pagka vintage ang interior nito. ang kitchen naman ay may modern designs, nandito din ang dining area na nakaseparate sa living room. kaya mas mapapadali talaga ang surprise ko dahil pag pasok nya, di nya mahahalata at makikita ang mga hinanda ko.
While preparing, agad na tumakbo sakin si jake at inabot ang cellphone ko.
"tyron's calling." Ani nito at agad akong kinabahan. Kailangan kong makapagisip ng mga ipapalusot! pinahinaan ko muna kay nathan ang tv. Huminga ako ng malalim bago sinagot ang tawag.
"Hello?"
"Where are you?" tumingin ako sa paligid ko at alam ko na agad ang sasabihin.
"Ah eh, nasa bahay."
"Let's meet later."
Kumalabog ang puso ko. Wag ka munang kiligin xandra! ayusin mo yung mga sagot mo baka hindi pa matuloy ang surprise!
"Uhm, hindi ka na ba busy?"
"Actually busy pa din, sinama ako ng boss namin sa isang seminar. I need to come coz it's very important, But i'll make time with you. I want to see you."
Ramdam ko ang paginit ng aking pisngi. Kung alam mo lang din kung gaano na kita gustong makita at mayakap. I miss every inch of you. Pero mas kailangan nya ng iintindi dahil busy nga sya, pagod pa. There's no room for quarrel.
"I understand, ganyan talaga. nag oojt ka na e. anong oras ka ba makakauwi?"
"5pm. lets meet at 6, uuwi lang muna ko para magpalit. tapos susunduin kita." Ang lahat ay umaayon sa plano.
"Oh sure, I'll wait for you. I miss you so much."
"I miss you more. marami tayong paguusapan."
I'm so overwhelmed after the call. I knew it! hindi niya nakalimutan! mas lalo akong ginaganahan sa mga ginagawa ko.
"Xandra what do you want to eat?" nathan asked at napagtantong mag aalas dose na pala.
"Gusto ko ng chicken! Tsaka nga pala, daan kayo sa flower shop. I need red roses."
"Yes ma'am!"Sumangayon naman ito sa akin. Mga 11:30 nang bumaba ang dalawa para bumili sa kalapit na mall. naiwan akong magisa doon.
Nilibot ko ang condo habang wala sila. It is a big one, parang bahay nga e. Sinigurado ko na tama ang kwarto kung saan ako magdedesign mamaya. Nang mapasok ko ang lahat ng kwarto, napatigil ako sa isa sa mga ito and I know it's his, dahil sa mga familiar na gamit. the other two rooms, i think dun sa sinasabi niyang kapatid nyang babae at kay daniel. I hope hindi sya magalit.
"Thank you guys! Update ko kayo later!"
Naunang lumabas si jake at Nakanguso naman si Nathan ng sumunod dito. Ala una na kasi at naisipan ng umuwi ng dalawa.
I start to do letterings. Pagkatapos ay nagluto na ako ng carbonara. At nilabas ang wine na dala ko, I set up then table like what I saw in dinner dates. Nang matapos ako sa kitchen ay dumiretso ako sa kwarto niya. Dinikit ko sa itaas ng headboard ng kama ang kulay red and navy blue na letter cut outs. Bumagay naman ito kahit papaano sa beige na wall. Sa gilid nito at sa mga gilid din ng kama ay ang mga lobo na pinalobo ko kanina. Humiga ako sandali at agad kong naamoy ang mabangong amoy nya sa kumot at unan. His shower gel has a manly scent and it always captivate me. sa saglit na pahinga ay sinunod ko ang pagsaboy ng petals sa kama nya. Inilagay sa ibabaw ang ginawa kong exploding box, mga chocolates at ang adidas rubber shoes na gusto nito.
Natapos ako ng alas kwatro. Nagpahinga ako saglit sa sala. Inayos ang sarili at hinintay ang tamang oras.
Agad akong pumasok sa loob ng kwarto ni tyron ng maramdaman may tao na sa pinto. I open his door slightly para makita ko siya. May dala siyang dalawang plastic at naestatwa ako sa kinatatayuan ko sa sumunod na nakita.
Nakita ko kung paano binaba ng isang babae ang boquet ng roses at may sinabi kay tyron, agad lumapit si tyron sa kanya. hinawakan niya ang babae sa pisngi at nilapit ang mukha nya dito.
No, I won't let that lips of yours kiss other than me!Lumabas ako ng kwarto niya bago pa niya ituloy ang gagawin at hinatak ko ang balikat ng babae paharap sakin. Pareho silang nagulat ng makita ako. Nagtatalo ang isip ko kung sasabunutan ko ba siya o sasapakin ko. I am so mad and I can do anything in this bitch in front of me! Mukhang ako ang nasurprise! I feel an intense pain in my heart, ang galit ay kusang sumabog, seeing the girls face and it's my friend thalia!
"Xandra what are you doing here!?"
Gulat pa na Sabi ni thalia, Ako pa ang tatanungin mo ng ganyan!? You know Tyron is my boyfriend eversince! Ikaw nga dapat ang binabato ko ng tanong mo!
"Ikaw! Anong ginagawa mo sa condo ng boyfriend ko!"
Umamba akong hahatakin ang buhok nito ng agad na pumunta sa likod ko si tyron at hinawakan ako sa magkabilang braso.
"Tyron!" Natatakot na tawag ni thalia at lumayo ito sakin at tumingin kay tyron.
"sige na lumabas ka na--" Tyron shouted with urge. At nagpanic namang buksan ni thalia ang pinto habang tinitignan ako. Gulat lamang ang ekspresyon nito at takot.
"Dont you dare!" pilit akong kumawala kay tyron but he's too strong for me.
"I'll explain everything xandra." Ani ni tyron na may pag aalala sa boses nito. Nakalabas na siya ng pinto at halos magunahan ang mga luha ko sa pag agos, nanghihina ako.
Pinilit niya akong ipasok sa kwarto niya. wala akong magawa kundi magpatianod. Parang pinipiga ang puso ko, thinking what Tyron did. I just want to cry and leave this place, Hindi ko to matatanggap!
"Explain what!? Nakita ko yung ginawa mo e! ano na naman ba to tyron!? kelan mo pa ko niloloko!?"
Pagkasarado niya ng pinto ay agad na natigil siya. Nilibot nya ang mga mata niya sa kwarto at pinagmasdan ang mga petals sa kama, ang mga regalo ko at ang nakasulat na happy 1st anniversary. Napatingin siya sa sahig at nasipa ang isa sa mga lobo. Ang kwarto niya na pinalibutan ko nito...
Ginawa ko ang lahat ng yan para sayo, para makabawi at isipin mong ikaw pa din ang pinipili ko. Pero nadama ko ang lahat ng pagod na kanina ay di ko naman dama. Bakit kailangan ganito kasakit?...
Pumungay ang mga mata nitong namumula, lumapit ito sakin pero tinaboy ko ang mga kamay nito.
"Hindi kita niloloko, please believe me!" his gestures beg for forgiveness. Niyakap niya ako pero pumalag ako. It's so painful tyron!
"I trust you with all my heart! Why again tyron.. why!?--"
Sa pagpupumiglas ay hinuli niya ang mukha ko. Napatigil lamang ako ng siniil nya ko ng halik. The way he kiss me tells how much he love me and he don't want to let go. But what is your reason now? sana hindi na lang totoo ang mga nakita ko na halos muntik na... Sana mali lang ako ng iniisip. Ayokong mawala ka, pero wag mo kong bibigyan ng dahilan para piliin yon.
BINABASA MO ANG
I'M IN LOVE WITH MY KUYA (COMPLETED)
Teen FictionSabay naming pinagmasdan ang madilim ngunit makulay na langit... at napapikit na lamang ako, sinubukang balikan ang lahat ng pinagdaanan namin hanggang sa imulat ko ulit ang aking mata, because this is the best part of that trial and its knowing tha...