XANDRA'S POV
Iniwan ako ng lalaking tumulong sakin sa pagdala ng mga libro. Nakalimutan ko na namang tanungin ang pangalan niya, I think he's surname is Jimenez and that's all I know. Siguro naman magkikita pa kami.
Dumiretso na ako sa room namin, tirik ang sikat ng araw ngayong hapon. Buti na lang ay airconditioned ang room.
Sinalubong agad ako ng nakasimangot na si jake.
"Bakit hindi ka sakin sumabay sa pagpasok?" kinuha niya ang bag ko at nilagay sa tabi ng upuan nya.
"Pumunta pa kasi ako sa library eh, kaya maaga akong pumasok."
Dinaanan ko siya at naagaw agad ng pansin ko ang nanlilisik na mata ni kathlyn na kulang na lang ay hablutin ang buhok ngayon, inirapan ko siya at dumiretso kay trish na kanina pa ko kinakawayan.
Sige lang girl, mamatay ka sa inggit!
"Muntik ka ng ma late xandra! Nice one!"
Kumapit sa braso ko si trish at natawa na lang ako sa sinabi niya. akala niya siguro ngayon pa lang ako pumasok eh kanina pa ko dito sa school.
"Oh, asan si zed?"
Biglang nagbago ang mga ngiti sa labi ni trish na ipinagtaka ko.
"He's dead!"
Umalis sya sa tabi ko at umupo sa kaharap na upuan ni jake Nagkatinginan kami ni Nathan at umiling lang siya. Hindi lang siguro ako ang nakakapansin na hindi na madalas magkasama o magtabi si trish at zed. Ano kayang nangyari sa dalawang to? Dati hindi mapaghiwalay tapos ngayon, grabe mag iwasan... parang may something?
"Umupo ka na dito xandra."
Sabay turo ni nathan sa bakanteng upuan sa tabi niya. Pinag gigitnaan ako ni jake at ni nathan. Mas okay nang may pumapagitna sa kanila dahil madalas mag asaran ang dalawa. Buti at nakahanap ng katapat si Nathan, he became more open to us. Sabay ko silang binabatukan para magtigil sila!
si kathlyn naman ang nasa likod ni jake at papansin ng papansin! ugh! nakakairita! pasalamat lang talaga siya dahil bumait na ko. Kundi, baka ubos na buhok niya sa sabunot ko!
"Andyan na si ma'am!" sigaw ni patricia, isa sa mga alipores ni kathlyn.
Nagkagulo ang mga kaklase ko at nagsibalikan na sa mga upuan nila. Kasabay din pumasok ni ma'am si zedrick, he's late.
"Good afternoon class."
Nakangiting sabi ni ma'am Alfaro at pansin mo talaga na good mood siya. Eh parang nung 1st day lang eh ang sungit sungit!
Isang buwan na din pala ang nakalipas nung nag 4th year kami. Hindi ko nga halos namalayan ang bilis ng panahon.
"Good afternoon Ms. Alfaro"
Sabay sabay naming bati pag pagpasok ni ma'm, naka smile siya ng wagas!
"Okay guys maupo na... mukhang napaka swerte ng batch nyo!"
sabi niya at tumawang mag isa habang kami naman, natabunan ng question mark ang mukha. maswerte huh? kung alam mo lang ma'am! This is the hell year for us. Sa unang buwan ay binagsakan agad kami ng napakaraming activities at projects! Ganito daw talaga pag graduating.
"May bago kayong kaklase, at alam ko ang iba sa inyo ay kilala na kung sino ito. Especially ang mga girls, right?"
"Of course ma'am!" sigaw ng mga alipores ni kathlyn.
BINABASA MO ANG
I'M IN LOVE WITH MY KUYA (COMPLETED)
Teen FictionSabay naming pinagmasdan ang madilim ngunit makulay na langit... at napapikit na lamang ako, sinubukang balikan ang lahat ng pinagdaanan namin hanggang sa imulat ko ulit ang aking mata, because this is the best part of that trial and its knowing tha...