GOING BACK TO MANILA
Tumigil ang music at sad to say... isa ako sa mga babaeng sa sahig bumagsak.
"Boys!" sigaw ni ate Claire sa mic at nagsilapitan ang juniors sa amin para alalayan kaming makatayo. Bago pa ko maalalayan ni kuya bryan ay may naglahad na na kamay sa akin.
"Are you alright?" tiningala ko si kuya tyron na seryoso ang mukha. Nilahad ko na ang kamay ko sa kanya at hinatak niya ako patayo.
"Of course I am." Ngumiti ako dito at agad ding bumitaw.
Hindi man ako yung nanalo. But I really enjoy the game! hindi ko ramdam ang pagkatalo lalo na ng daluhan nya ako para makatayo. It's better than to see all the girls fell.
"Para sa mga natalo, may libreng hug kayo sa mga kuya niyong umalalay sa inyo!"
Tinignan ko si kuya tyron na naka open arms na din kagaya ng ibang mga juniors. Napangiti talaga ako ng wagas at di na nagdalawang isip, yumakap ako ng mahigpit sa kanya.
Narinig ko ang paghalakhak niya.
"Parang wala namang talo sa game na to."
Bulong ko at bumitaw na.
"You think so?"
Ginulo niya ang buhok ko at pareho kaming nag ngitian. Bumalik na ko sa mga kaklase ko at halos mahilo ako ng yugyugin ako ni trish.
"Ang gwapo ni kuya tyron! sabihin mo ako din pa hug!" sabi nito at pulang pula ang pisngi sa kilig
"sus, mas gwapo pa ko dun." Nilingon ko si zedrick na nakasimangot at agad siyang hinampas sa braso ni trish.
"Happy now?"
bulong ni Nathan at inabutan ko ng tubig. Nginitian ko siya at tinusok tusok sa tagiliran. Yes! I'm really really glad right now!
"Guys kalma! may next pang game tayo. Paper dance! For girls and boys! I need 12 boys and 12 girls, ang partner ng boys natin ay ang mga nag gagandahang ate nyo..."
si kuya tyron na ang emcee ngayon samantalang si ate Claire ay kasama na sa game
"Woooo!!!!!!! " this time, mga boys naman ang halos wasakin ang mga upuan dahil sa sobrang excitement.
"At ang girls... edi ang nag ga-gwapuhang mga kuya nyo!"
"tabi dyan sasali ako!"
sigaw ni trish sa tabi ko at dali daling nakipag unahan sa mga babae. Dahil sa pagmamadali niya muntik na siyang masubsob, buti na lang nasalo siya ni kuya kenjie. Savior talaga lagi tong lalaki na to!
"You want to join right? I'm your partner."
Nakita ko mula sa malayo ang pagpula ng pisngi ni trish at hinatak na siya ni kuya kenjie sa center. Kinikilig ako para sa kanya!
"Sumali kaya kayo!"
sigaw ko sa nasa gilid ko na si Nathan na naka cross arms at si zedrick na mukang naghahanap na ng partner sa junior girls.
Nakita kong papalapit si ate shane sa side namin kaya tinuro ko agad si Nathan!
"Ate shane! Si Nathan!"
sabi ko at pinagtulakan siya kay ate shane, wala naman siyang nagawa kasi inakbayan na siya nito. Come on, dapat sayo ineenjoy mo ang sarili mo sa mga ganitong pagkakataon! minsan lang natin maeexperience ang ganito!
BINABASA MO ANG
I'M IN LOVE WITH MY KUYA (COMPLETED)
Teen FictionSabay naming pinagmasdan ang madilim ngunit makulay na langit... at napapikit na lamang ako, sinubukang balikan ang lahat ng pinagdaanan namin hanggang sa imulat ko ulit ang aking mata, because this is the best part of that trial and its knowing tha...